Chapter 31

521K 14.5K 3.3K
                                    

Chapter 31


[Ice's POV]

"Ang ganda ng ngiti natin ah!" sabi ni Aiscelle sa akin pagkapasok na pagka-pasok ko sa bahay namin.

Nadatnan ko siya na nakaupo sa sofa habang nanunuod ng TV.

"Naka first base ka ba kay Timi nung hinatid mo siya?"

Nginitian ko siya at umiling, "tumigil ka nga."

"Hina mo Ice!" pangaasar naman niya sa akin.

Tinawanan ko lang siya at dumiretso ako sa kitchen namin para uminom ng tubig.

Kanina after naming mag dinner sa restaurant nina Timi, hinatid ko muna siya sa bahay nila bago ako dumiretso dito sa amin. Syempre humirit naman ako na ituloy namin ang date namin next time.

At sinuswerte talaga ako dahil pumayag siya.

Ang sarap sa feeling na unti-unti na niya akong pinapapasok ulit sa buhay niya. I know I don't deserve her. Alam kong malaking kasalanan ang nagawa ko sa kanya. Alam kong in some ways, nainis din ako sa kanya sa nangyari kay Erin at sinisi ko siya sa trahedyang yun.

Pero kahit ganoon, kahit pagbali-baliktarin ko pa ang nangyari, hindi ko mai-aalis ang fact na mahal ko si Timi. Mahal ko siya at never nagbago yun.

Never magbabago yun.

"Anyway Ice, I want to talk to you about something," sabi ni Aiscelle na ngayon ay naka-sandal na sa bar counter at nakatingin sa akin.

"Ano yun?"

"Yung server kanina sa restaurant ni Timi... yung Nica? I don't like her."

I raised an eyebrow, "dahil close sila ni Jasper?"

"No! It's not like that. Kaso hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa girl na yun."

"Hmmm..."

"I saw her last month. Nag t-trabaho siya sa isang nightclub. Ang revealing ng suot. I have a feeling that she's a prostitute."

"Server siya doon, Aiscelle."

"Ayun na! Patunay! Hindi mo ba alam na prosti rin ang mga servers doon? I think she's Jasper's personal prostitute."

Nilapitan ko si Aiscelle and I pat her head, "ang dumi mo magisip kambal. Wag ganyan. Hindi mo kilala yung tao. I think it's unfair to judge her just because you are jealous."

"I am not jealous!" irita niyang sabi at halos matawa ako kasi masyadong guilty ang isang 'to. "Paano ako magseselos doon? Kumpara sa aming dalawa, mas may pinagaralan ako Ice. Mas lamang ako sa maraming bagay."

"Not really."

"Huh?"

"Kung oras at atensyon lang din ni Jasper, mas lamang siya kesa sa'yo."

Pinanliitan ako ng mata ni Aiscelle. Halatang naiinis na ang isang 'to sa akin.

"Basta, talk to Timi okay? Tell her na I don't trust that girl."

I chuckled, "sasabihin nun sa akin, pinagkakatiwalaan niya si Nica."

"Then I'll talk to her myself!"

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon