Faded Memories 2: Love Battle ლ(ಠ_ಠლ)
"Excited na ulit akong pumasok!"
Katatapos lang gumayak ni Finn. Si Ferr ay naliligo pa lang at si Flan naman ay nagbibihis na. Si Finn ang unang nagising kaya gumayak na agad siya. Naeexcite siyang pumasok. First time niya sa mundo ng mga tao at nagugustuhan na niya ang lugar na ito.
"Finnleigh, necktie ko yan!'' Sigaw agad ni Flan pagkalabas niya ng kwarto. "Akin na." Nagpout naman si Finn at hinubad ang necktie na suot niya. Hindi naman niya alam na kay Flan pala yun. Magkamukha lang naman kasi. Hindi na niya tinignan yung pangalan na nakalagay. Maingat kasi si Flan sa gamit. Ayaw niyang nakikihiram or nagpapahiram. Si Finn naman kasi ay padalos dalos.
Nagpalitan silang necktie. Kalalabas lang din ni Ferr galing sa kwarto. Nakabihis na rin siya. Lumapit siya kay Finn at tinanggal ang belt nito. "Akin to, Finnleigh." Saka niya ibinigay kay Finn ang tunay nitong belt.
Silang dalawa ay maselan sa gamit. Kung anong kanila, kanila lang.
Hindi naman nagagalit or nagtatampo si Finn. Sanay na siya sa dalawa. Masyado kasi siyang padalos padalos. Clumsy.
Sa bahay ng auntie nila ay ang mga tunay pa rin nilang pangalan ang tawagan nila. Hindi na sila nagtatawagan ng 'ate' dahil magkakaedad lang naman sila. Minuto lang ang pagitan nila. Pero minsan ay tinatawag din nilang ate si Flan. Pero minsan lang yun.
"Kain na tayo." Aya ng auntie nila. Kasabay nilang kumain ang uncle nila pero sumubo lang ito. Mabilis itong umalis dahil maaga ang trabaho nito.
"Auntie, anong tawag dito?" Tanong ni Flan sa isang pagkain na sarap na sarap siya.
"Bacon ang tawag diyan." Napatango tango na lang si Flan. Gustong gusto niya ang lasa nito. Ang dalawa naman ay walang napiling paborito dahil lahat ay masarap para sa kanila. Bacon, ham and egg ang ulam nila para sa umaga na iyon. "Kamusta ang eskwela?"
"Ayun nga pala auntie!" Biglang pasigaw na sabi ni Finn. Nakalimutan pala nilang sabihin sa auntie nila na nakita na nila ang piniling lalaki. Gabi na rin kasi silang nakauwi at pagod talaga sila.
"We already saw the chosen guy." Inunahan ni Ferr si Finn sa pagkukwento.
"Daya naman, Ferrlet!" Hindi pinansin ni Ferr ang kapatid. Tuloy tuloy lang siya sa pagkain. Natawa na lang at napailing si Flan. Gustong gusto talagang iniinis ni Ferr si Finn. Nagpapainis naman kasi si Finn. Ang dali niyang inisin.
"Ganun ba? Eh di ayos pala! Dun din ba siya sa academy niyo pumapasok?"
"Actually auntie, we're really lucky kasi classmate pa namin siya." Nauna naman ngayon si Flan sa pagkwento. Wala nang naikwento si Finn.
Pero bago pa magtanong ulit ang auntie nila at maunahan na naman siya ay nagsalita na siya. "Auntie, alam ko pangalan niya. Mackenzie!" Taas noong kwento ni Finn.
"Mackinley!" Sabay namang sabi ng nakatatandang niyang mga kapatid.
"Ganun na din yon!" Pagdepensa na lang niya sa sarili niya. Hindi siya ganun katandain sa mga pangalan eh. Pero sa mukha, madali siyang makarecognize.
Natapos na silang kumain at nagdecide nang pumasok.
"Bye, auntie!" Sabay sabay nilang sabi.
BINABASA MO ANG
Faded Memories
FantasyWhat will prevail? The magic potion or the memories they used to share?