Faded Memories 1: Shooting Star (* ˘⌣˘) (✌◠▽◠) ( ^◡^)
"Mack! Listen to me." Sabay tapik ni Yara kay Mackinley.
"I'm listening." Sagot naman ni Mackinley pero ang pakikinig na ginagawa niya ay papasok sa kaliwang tenga, lalabas sa kabila. Nagdadaldal na ulit si Yara. Kwento lang siya ng kwento kahit halata naman na hindi naniniwala si Mackinley. Hayst. Napabuntong-hininga si Mackinley. Para kasi sa kanya, parang tanga lang ang Flamma Moenia, ang kinukwento ni Yara. Hindi nga niya maintindihan kung bakit hangang-hanga dun si Yara.
Ano ba kasing meron sa Flamma Moenia?
Isang lugar na hindi nag-eexist sa mga tao. Nananatiling nakaraan o kathang-isip lamang. Isang lugar na love ang pinapairal.
Pinaka-kinaaayawan niya ay yung pagpili ng susunod na magiging reyna. Pupunta sa mundo ng mga tao at paiibigin yung lalaking napili? Psh. Eh pano naman yung lalaki? Pano kung iwan nung babae yung lalaki? Aalisin nila yung memories nung lalaki? Psh.
Memories never fade.
Yun ang lagi niyang sinasabi. Basta tungkol sa Flamma Moenia ang pinag-uusapan, nabubwisit talaga siya. Hindi niya gusto ito.
"Yara, tara na." Pag-aya niya kay Yara. Nagsasawa na kasi siya. Hindi na niya hinintay makasagot ang kasama, tumayo na agad siya at umalis. Alam naman niyang susunod si Yara eh. Nasa library sila, pinag-aaralan ang tungkol sa mundo na yon.
"Maaaaaaaack!!"
"Ang gwapo niya talaga~"
"Bagay sila ni Yara noh?"
"Ang sweet nila!! Kyaaaahhhh!"
Si Mackinley Navarro ang Student Council President. Si Yara Castillo ang secretary kaya sikat sila. Magkababata rin sila kaya close talaga sila. Yung sinasabi nilang bagay sila? Oo naman, bagay talaga sila. Pero hindi sila at wala silang gusto sa isa't isa.
"Oy guys! San kayo galing?"
"Kyaaaaaahhhhh!"
"Si Murle!"
"Ang gwapo nilang dalawa!"
"Grabe ang swerte ni Yara!"
Si Murle Navarro naman ang Vice President. Pinsan ni Mackinley. Mas sikat si Mackinley kaysa kay Murle, syempre.
"Library! Nagresearch kami about sa Flamma Moenia." Magilang sagot ni Yara. Naglalakad na sila papunta sa next subject nila.
"Kayo? Si Mack nagresearch about don?"
"Of course not." Walang ganang sagot ni Mackinley. Kahit magkakaibigan sila, masungit pa rin talaga si Mackinley sa kanila pero sanay na sila dun. Alam kasi nilang ayaw ni Mackinley dun pero patuloy pa rin talaga si Yara sa pagkukwento about dun.
"Kinuwentuhan ko lang siya." Nakarating na sila sa classroom. Nakipag-usap sila sa mga kaibigan nila. Hindi masasabing tunay na kaibigan dahil marami ang kumakaibigan sa kanila dahil sa gusto lang sumikat. Hanggang sa pamaya-maya ay dumating na ang prof nila. History prof at Flamma Moenia na naman ang topic.
Bakit nga ba ayaw ni Mackinley Navarro sa Flamma Moenia?
Kasi love ang pinaiiral don. Love? Sasaya ka ba ng puro love na lang? Psh. Hindi. Minsan ng nangyari sakin yan, love ang pinairal ko. What happened? I was hurt. I'm hurt. Still hurting. Pero hindi na mauulit yon.
BINABASA MO ANG
Faded Memories
FantastikWhat will prevail? The magic potion or the memories they used to share?