TUNAY NA KAIBIGAN

309 5 12
                                    

DEDICATED TO MY BELOVED BESTFRIENDSSSSS <3

R- abigail RECTO

A- mercedes ABESIA

F- dennisse FERRER

E- me = maica ESCOSIO

R- john deming REYES

N- christelle NALDOZA

S- BestfriendSSSSSS

May slideshow pa yaaaan :) (http://s1299.photobucket.com/user/maics07/slideshow/) (or click external link :)

---------------------------------------------------------------------

                 Ako yung mahiyain (Image 1). Ako yung masungit (Image 2). Ako yung nasa sulok lang na para bang may sariling mundo. Ako yung wala nang ibang inatupag kundi pag-aaral (Image 3). Ako yung iilan lamang ang mga kaibigan. AKO YUN...NOON. PERO NGAYON..

           Ako na yung marunong mag-ingay. Ako na yung maloko (Image 4). Ako na yung taong nilalabas ang kabaliwan (Image 5). Ako na yung makulit at pala-kaibigan (Image 6).  Ako na yung may maraming TUNAY NA KAIBIGAN (Image 7). Ako na yung nakilala ang TUNAY na AKO (Image 8). Hindi ako magiging ako ngayon kungdi dahil sa aking pamilya at mga taong nagmamahal sa akin lalong lalo na sa aking mga kaibigan kong katulad ko (Image 9).

               Sila yung mga taong wala sa bokabularyo ang salitang 'IWANAN" (Image 10). Hindi nila ako iniiwan kahit para na akong si Joker na nakawala sa mental (Image 11), na kahit para na kong si Hulk kung magalit (Image 12), na kahit na para na kong si Pacquiao kung makahampas sa kanila (Image 13), na kahit pa ang hirap kong kausapin dahil sa lalim ng iniisip ko dahil sa mga simpleng problema (Image 14), na kahit pa parang magugunaw na ang mundo dahil kaka-over-react ko sa kung anu-anong bagay (Image 15).

                  Laking pasalamat ko kay God at nakilala ko sila (Image 16). Kung hindi...baka katulad pa rin ako ng dati (Image 17). Hindi rin siguro ako natutong makitungo ng tama sa iba (Image 18). Hindi rin siguro ako natutong mag-lakwatsa at bumalik sa pagkabata (Image 19). Hindi rin siguro ako natuto ng mga kalokohan (Image 20). Hindi rin siguro ako natutong kumalma muna at wag isubsob ang sarili sa pag-aaral lamang (Image 21).

             Baka iniisip niyo na masamang ihemplo sila (Image 22). Dun kayo maling-mali. Dahil meron lamang akong tamang kulit, tamang kabaliwan, at tamang kasamaan upang hindi tuluyang takasan ng katinuan ng dahil sa pagsiseryoso ng todo sa mga bagay-bagay na nangyayari sa mundo (Image 23). Mahirap nga naman kasi kung magiging ganun pa rin ako tulad ng dati (Image 24). Baka ngayon eh di pa rin ako marunong mag-commute papuntang SM o kung saan man (Image 25), manood ng 3D movies ng libre (Image 26), kumain ng pinaghalo-halong junk foods habang nagvi-videoke (Image 27), mag-picture sa mga salamin o bintana (Image 28), mag-face paint (Image 29), mag-gwiyomi (Image 30), mag-drawing ng medyo maayos (Image 31), magluto ng nilagang itlog (Image 32), tumambay sa kung saan (Image 33), maghanap at maglibot sa magagandang lugar (Image 34), mag-food trip (Image 35), tumawa hanggang sumakit ang tiyan (Image 36),  umiwas sa mga aso at kambing (Image 37),  mag-drama ng bonggang-bongga (Image 38), ma-wanted sa iba't-ibang lugar (Image 39), mag-skateboard (Image 40), at marami pang iba.

                    Ako na talaga ang ma-drama. Pero kahit ganto ako, alam kong nandyan pa rin sila para sa akin. Sila na aking mga TUNAY NA KAIBIGAN. Mahihiwalay man ako sa kanila, alam ko na hinding-hindi nila ako kakalimutan tulad ng di ko paglimot sa aming SAMAHANG DI MAPAPANTAYAN. Isang samahan na walang makabubuwag at walang iwanan. :)

Sila ang mga may sala kung bakit naganap ang ka-dramahang ito:

abigail "abby chubby/abby" RECTO = Ang numero unong nagbibinyag sa mga sapatos ko at ang                                                                          artist  ng grupo.

mercedes "ehm" ABESIA = The manager at ang artista ng grupo.

dennisse "CM/nizze" FERRER = Ang dakilang mathematician at ang pusang puma-pangalawa sa                                                  ka-dramahan ni Maica.

maica "mai-mai" ESCOSIO = Ako po ang pinaka-"cute" at ang pinaka-madrama.

john deming "JD" REYES = Ang pinakamadalang naming kasama ngunit gumagawa pa rin                                                                 ng effort para makasama sa mga galaan at ang "Prof." ng grupo.

christelle "starfish/telle" NALDOZA = Ang kamukha ni Angelica Panganiban at ang rocker chick ng grupo.

TUNAY NA KAIBIGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon