Will This Love Last? 2

27 0 0
                                    

CHAPTER 2

*Yumi’s POV*

Di parin ako makapaniwala sa mga sinasabi nila. Nandito kami ngayon sa van nila papunta sa Hospital kung saan nakaconfine ang kapatid ko. Di naman sa ayako sa kanila, hindi lang talaga ako mahilig sa mga ganyang bagay. Oo, naririnig ko mga kanta nila dahil nga sa gusto sila ng kapatid ko at hindi naman masama. May time pa nga na nakikipagsabayan pa ko sa pagkanta sa kapatid ko pag wala kaming magawa. Pero dati pa yun nung hindi pa malala ang sakit niya. Haaays.

“So, what’s your name again?” tanong sakin ng curly ang buhok. Anu ulit name nun? Hmm. Ay ewan.

“Uh. I’m Yumi Park. Just call me Yumi.” sabi ko with smile. “How about you sir?” tanong ko ulit sa kanya.

“I’m Harry Styles. Hazz for short.” sabi niya sabay ngiti ng pagkalapad-lapad. Omona. O.O ang cute niya. Shit! Erase erase. Nag nod nalang ako sa kanya.

“I’m Zayn Malik” sabi nung nakavarsity jacket na may initial sa kanan na M.

“I’m Liam Payne” sabi naman nung nakacheckered shirt na red.

“I’m Niall Horan babe.” sabi naman ng nakablue shirt at may hawak-hawak pa itong mga pagkain. Gutom ba to? I mean di nga? Ang dami kaya ng pagkain niya. Hmm.

“Nice to meet you all.” sabi ko at nagsmile. “And you are?” tanong ko sa nakastripes na shirt.

“Louis Tomlinson. Seriously? You didn’t know us?” sabi  niya at nakataas pa ng isang kilay niya. Abat! Ang taray oh. Di naman kasi lahat alam kung sino sila. Kala mo naman kung sinong pogi. Urg!

“Sorry but no. I’ve just heard you from my sister cause she’s addictive to all of you especially to Harry and Niall.” sabi ko. Narinig kong tumawa si Zayn pero slight lang naman.

“Shut up Zayn.” sabi niya. At bigla nalang akong inirapan. Abat! Sumusobra na talaga tong lalaking to. Tsk. Nagsmile nalang ako sa kanya. At sabay irap din. Kala niya aa. :D

Isang mahabang katahimikan sa buong beyahe namin hindi pala mahaba kasi malapit lang naman yung hospital sa mall. Nang makarating na kami sa tapat ng hospital ay agad na kong bumaba at hinintay silang makababa na rin.

“I’ll just parked this car and follow you inside.” sabi nung Paul. Nag nod lang sila pati tuloy ako napapanod din dahil sa kanila. Naku! Pumasok nalang ako sa loob at sumunod naman ang mga ito. Nagmuka tuloy silang bodyguard ko. Napangisi naman ako sa iniisip ko at napansin naman yun ni Liam.

“Why are smiling Yumi?” tanong sakin ni Liam.

I smile lightly bago nagsalita. “Nothing. I’m just happy for my sister.” sabi ko kahit di naman yun ang dahilan pero siyempre masaya din ako para sa kapatid ko. Nag nod lang si Liam. Ba’t ang hilig nilang mag nod? Muntanga lang ee. “Hi Dianna. Sinong nagbabantay kay Yuri?” tanong ko sa nurse ni Yuri na nakasalubong namin. Tumingin muna siya sa likod ko bago sakin. Nagtataka naman ako at tumingin din. Hala! Nakalimutan ko may kasama pala ako.

“Ah. Si sir Yuki po tsaka yung mama niyo.” sabi niya. Nag smile nalang ako at nag nod. Ang hilig ko pa tuloy ngayong magnod. Psh! “Ah Yumi! May lalaki din palang kasama yung mama mo nang dumating.” tawag niya uli sakin. Nagtataka man kung sino nag okay nalang ako at nag smile. Naglakad na ulit kami papuntang kwarto ni Yuri.

“We’re here.” sabi ko sa kanila. Nag smile naman sila sakin. Nang pihitin ko na ang door nub.

“Hahaha. San pala si Yumi?” sabi nang familiar na boses. Wait! Si … si …

“Oppa!” sabi ko sabay takbo at yakap sa kanya. I really missed my father so much. Narinig ko namang tumawa sila pero mahina lang.

“Oh my god! One Direction!” narinig kong sigaw ni Yuri. Oo nga pala nakalimutan kong may kasama pala ako. Bigla naman akong napatayo at humiwalay sa pagkakayakap sa papa ko. Nakapasok na pala sila nang tumingin ako sa kanila. A grin form in their lips.

Will This Love Last?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon