six///

18 0 0
  • Dedicated kay Cherise Tancinco
                                    

Six

Ami's POV

Natapos na ang sunset at dumilim na yung paligid. Tanging ang ilaw lang galing sa bonfire at maliliit na lights lang ang nagsisilbing liwanag.

"Guys! Kain na tayo!!" tawag ni Victoria sa amin. Siya kase nag luto. ^__^

Pumunta kami sa may picnic table tas nagsimula ng kumain. Syempre may chika-chika din.

"So, Cleo, how was Italy?" tanong ni Hanna kay Cleo.

"Okay lang, masaya." sabi ni Cleo at ngumiti. I know na kung bakit mas pinili pa ni Edward si Cleo kesa sa akin. Ofcourse.....Mas maganda siya. Kahit medyo may pagka maldita pero maganda at mas gumaganda pa pag ngumingiti. *sigh* She's every guy's dream. Compared to me I'm nothing.

"Pero hindi pa naman kayo nagpakasal dun diba?" tanong ni Hanna. Napa-ubo ako sa sinabi niya.

"Well, hindi pa... Gusto ko kasi dito kami sa Pinas magpakasal para hindi hassle." sabi ni Cleo. Bigla nalang niyang kinuha yung kamay ko at sinabing..

"By the way Ami, sorry talaga sa lahat ng nagawa ko, but about Edward na pumayag sa kasal, I have nothing to do about it. Sorry talaga." sabi ni Cleo.

Wala siyang ginawa para pumayag si Edward? Gosh! Di ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko sa kanilang dalawa.

"Ahh hehe.... Ok lang yun, I understand kung bakit nagawa nya iyon at kung hindi niya ginawa yun, hindi sana naging kami ni Kevin ngayon." sabi ko while nakangiti. Fake smile to be exact.

"Ano ka ba Cleo, past is past. Hayaan na natin yun." pang-iwas ni Victoria sa topic. Alam niya kasing nasasaktan na ako. She's always my savior kahit may pagka baliw minsan.

"Tomoooh!" -Sugar

Third Person's POV

Sa table naman ng boys, nagkaroon din sila ng konting "talk" at doon na hot seat si Edward.

"Uy pare. Pano ang pangako mo?" tanong ni Joshua kay Edward.\

"Anong pangako?" tanong naman Edward.

"Pangako mo kay Ami! Ugok!" -Joshua.

"Oh yun... Totoo yun!" -Edward

"Eh girlfriend ko nga siya diba?" pagtutol naman ni Kevin.

"Gago, alam kong hindi. Ang alam ko lang, gusto mo siya." -Edward

"Oo. Gusto ko siya. Gusto ko si Ami. Hindi lang pala gusto. Mahal ko na siya. Simula nung iniwan mo siya, ako yung nandyan palagi para sa kanya pero bullsh*t hindi niya mapansin-pansin yung nararamandaman ko para sa kanya dahil mahal ka pa niya." -Kevin.

Oo. Mahal ni Kevin si Ami. Kaya nga pumayag siya na magpretend na sila ni Ami. Baka sakaling mahalin siya nito. Matapos niyang sabihin ito ay tumayo siya at pumunta sa shore.

Sa di naman kalayuan ay si Ami. Nakaupo sa may tabing-dagat. Nagmumukmok at nagdadabog. Mukhang naglalabas ito ng sama ng loob.

"Bakit? Paano niya nagawa sa'kin to?!" -Ami habang umiiyak at nakayakap sa kanyang mga binti.

Nakita siya ni Edward at agad naman nitong nilapitan.

"Ami??" paniniguro ni Edward.

Napatingin siya sa tumawag sa kanya at tumayo.

"Ikaw!! Paano mo nagawa 'to?" -Ami habang tinuturo si Edward

"Ang alin??!" naguguluhang tanong ni Edward.

"Anong ang alin?! Akala mo okay lang? Akala mo wala kang nasaktan? Akala ko ba mahal mo ako? Diba nangako kang hindi mo ako sasaktan? Na habang buhay mo akong mamahalin. Na ipaglalaban mo ako. Na ako ang pipiliin mo. Edward...hindi ko na kaya. Wala naman akong maling nawa diba? Kung meron man yun yung minahal kita!" sabi ni Ami habang umiiyak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

F.Y.I (Forever You & I) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon