Chapter 10. A Month

1.1K 36 2
                                    

Dara's POV

"Bitawan mo ang girlfriend ko."

Holy shit. This is bad! This is really bad!

Naramdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko. Napahawak ako sa laylayan ng blazer na suot ni Chanyeol. Hawak niya pa rin ang isang kamay ko at mukhang walang balak na bitawan iyon.

Biglang lumipat ang tingin ni GD sakin. Kinabahan ako lalo.

"Dara, come here."

Nag-iwas ako ng tingin. I was going to be subtle about it. But since it came to this, might as well just go along with it.

Bumulong ako ng mahina pero sapat lang para marinig ni Chanyeol. "Tara na."

Sumunod naman si Chanyeol at naglakad hangang sa malampasan na namin ang natulalang GD, a frown of disbelief plastered on his face. Pero bago pa kami tuluyang makalayo ay naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa braso ko.

"Dara,.." There was an evident hurt in his voice, pero mas rinig dito ang pagtataka. "...ano 'to?"

Bumuntong hininga ako, 'di siya magawang tingnan. "Anong 'ano 'to'?"

"Sino 'yang lalaking 'yan? Are you forgetting who's the boyfriend here?" Galit na ang tono ng boses niya.

"I probably am. Because the last time I checked, wala akong boyfriend."

Umawang ang labi niya. Lumuwag ang hawak niya sa braso ko, pinanood kong unti-unting naging blanko ang mukha niya, naging malamig ang mga titig. Tuluyan niya akong binitawan pero 'di nilubayan ng tingin.

Ako na mismo ang humila kay Chanyeol at umalis na kami doon.

Ugh. What the hell. Bakit ako nagui-guilty? Bakit parang labag sa loob kong sabihin yun? Do I like him? No, no, no. There's no way. I'm acting this way because he hurt my pride and expectations, nothing more. Besides, hindi ako pwedeng pumasok sa isang relasyon in the first place. Baka nakakalimutan ko na yun. My dad will kill me. Kaya ito ang tamang gawin. Tapusin na hanggang maaga pa.

Nasa cafeteria na kami ni Chanyeol. Siya ang umorder ng pagkain namin. Wala akong ganang kumain kaya pinaglalaruan ko lang ang pasta sa plato ko.

"Are you okay?"

Nag-angat ako ng ulo at nakita ang nagaalalang tingin ni Chanyeol. Ngumiti ako ng pilit.

"Uhmm.. I'm okay. Pasensya na nga pala kung nadamay ka kanina."

"No, it's fine. Sino ba yung lalaki kanina?"

Hindi ako nakasagot.

"Totoo bang boyfriend mo siya?"

"H-Ha? Hindi." Siya lang naman ang nagpupumilit na girlfriend niya ako.

"Really? So you're single?" Ngumiti siya sa napagtanto at hindi yun nakatakas sa mga mata ko. Binulong niya ang sunod na sinabi. "Good to know."

"Ha?"

Umiling siya at ngumiti. "Kumain ka na."

Kiss (A DaraGon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon