★ chapter 2

156 8 5
                                    

kay tagal naman kumilos ng babaeng yun.

nandito na ako sa harap ng bahay nila kailey, pipindutin ko ulit sana yung doorbell ng bigla syang lumabas.

''antagal mo naman'' sabe ko sakanya.

''sensya naman si mama kase, ang daming pinakain sakin'' sabe niya habang hinihimas ang tiyan.

''tara na nga, baka ma'late tayo first day pa naman'' sabe ko sa kanya.

naglalakad na kame ni kailey papunta sa school ng makita ko ang boyfriend ko.

"nicole sabay na kayo saakin'' sabe ni andrew saamin, dala niya kase yung sasakyan niya.

''sige drew'' sabe ko at sumakay na kame ni kailey, syempre ako sa passanger seat ako ang girlfriend ee.

nasa school na kame at nag'park na rin si drew, nakalimutan kong sabihin, may boyfriend nga pala ako si Andrew Collins, 2 years na kame ni drew nag'simula kame nung first year highschool pa lang kame, so ngayong 3rd year highschool na kame and still strong padin.

naglalakad na kame sa hallway, medyo marami naring estudyante dahil narin sa first day ng school year ngayon.

''dito na lang kame drew, kita na lang tayo mamaya'' sabe ko kay andrew, mag'kaiba kase kame ng room at iba rin ang daan papunta sa klase nila.

''ihahatid ko na kayo, maaga pa naman ee'' sabe niya sabay akbay sakin.

''osige, ikaw bahala'' sabe ko, sabay lakad. pero syempre kinikilig din naman ako, ang sweet nya kaya, ayaw ko lang naman siyang mapagod maglakad kase nga malayo yung room nila sa room namen.

''nakakain kana ba ng almusal?'' sabe ni drew saakin.

''oo naman, baket?'' tanong ko sakanya

''bubusugin sana kita ng pagmamahal ko kung hindi kapa nakaka'kain'' sabe niya sabay kindat.

''tss, ikaw talaga yan nanaman yang punch lines mo'' sabe ko sa kanya, pero deep inside mamamatay na ako sa kilig, lage kaseng ganyan yan ee hindi nauubusan ng punch lines.

''oh dito na lang kame, i love you! ingat sa paglalakad papakasalan pa kita'' sabe ko sa kanya at humalik sa cheeks, oha! akala nyo siya lang magaling ako din kaya haha.

''naks! naman papakasalan pa kita mag'iingat talaga ako, i love you too!'' sabe niya saakin at nag'lakad na paalis.

''wow naman, ang sweet niyo dun ah naka'limutan mo pa atang nag'eexist pa ako at kasama mo'' sabe ni kailey saakin, at oo nga kasama ko siya kanina pa nakalimutan ko dahil sa kilig moment namen ni drew.

''sensya naman, hindi ka kasi nag'sasalita diyan, tara na nga pasok na tayo'' sabe ko tsaka pumasok.

woah yung mga kaklase ko ngayon, kaklase ko dati. nakakasawa na rin yung mukha ng iba--

''GOOD MORNING!!'' 

''kung maka'sigaw lang samantha, may bukas pa uy!'' sabe ni kailey. si Samantha nga pala isa sa mga kaibigan namin at isa rin siya sa pinaka'maingay, halata naman sa sigaw niya kanina, actually 4 kame si vanessa yung isa, wala pa siya ngayon dahil lageng late yun.

''haha, mianhe!'' ^o^V sabe ni samantha.

''so wala kayong balak umupo niyan?'' tanong ko sa kanila. dahil nasa pinto parin kame.

''meron din naman bwahaha'' sabe ni samantha. medyo may saltik yang si sam haha hindi joke lang, lage lang masayahin, na halos akala mo walang pino'problema.

SOMEONE'S POV

tinitignan ko lang yung babae sa may pinto.

Ang ganda mo parin maycee, hindi ka parin nagbabago.

balang araw makikilala mo rin ako.

sa takdang panahon.

VANESSA'S POV

Yun naman! may POV na agad ako mwehehe ^3^ ako nga pala si vanessa kaibigan nila nicole siguro naman napakilala na niya ako. 

kasalukuyan akong tumatakbo ngayon dahil lage naman akong ganto since first year. binuksan ko ka'agad yung pinto at salamat sa diyos wala pa ang magiging teacher namin.

hinanap ng mata ko sila nicole at ayun nandun sila sa likod magkakatabe. syempre may upuan para saakin. ganyan nila ako kamahal ee.

''Good morning gals!'' sabe ko sa kanila at akmang uupo sa upuang bakante malapit sa kanila ng biglang.

''oopss, hindi ka diyan naka'upo bag namen uupo diyan'' sabe ni sam saakin.

''what?! saan ako uupo nyan?! wala ng space oh!!'' sigaw ko sa kanila.

''chill lang, vanessa hindi na mabiro'' sabe ni kailey saakin at sabay-sabay silang nag'apiran.

''mga baliw talaga kayo'' sabe ko sa kanila, mahilig kasi silang man'trip actually mahilig kame kaya parang wala lang saakin yun, acting ko lang naman yung kanina ee mwehehe ^__^V

KAILEY'S POV

sarap talagang man'trip, oh! alam kong iniisip nyo sasabihin niyong natikman ko na ba yung trip, tsk. ibig kong sabihin masarap sa pakiramdam man'trip.

dumating na yung magiging teacher namen.

''Good Morning Class'' sabe ni Ma'am Lazaro saamin.

''Good Morning ma'am'' sabe namen sabay tayo.

''okey you may take your seats, may transferee student tayo, so iho pasok kana'' sabe ni ma'am at tumingin sa pinto.

kinuha ko na lang yung papel ko at ballpen at nagsulat ng bago kong story para sa wattpad, mahilig kase akong gumawa ng storya, malawak imagination ko ee. 

''Good Morning classmate''

kilala ko ang boses na yun, siya yung nagpabilis ng tibok ng puso ko NOON, siya rin ang nagsira ng puso ko NOON, sana nananaginip lang ako, sana magising ako sa panaginip ko.

kinurot ko ang sarili ko at ''awww'' masakit ibig'sabihin hindi ako nananaginip, totoo to. please sana nag'kamali lang siya ng pinasok na room dahil hindi ko kakayanin kung magiging kaklase ko ang EX ko.

**********

 nyehehe~ ano kayang manyayari kay kailey ? ABANGAN niyo !!

leave a COMMENT and a VOTE

~sparklingthoughts

I won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon