Chapter : 1
( First day of School )
Kagaya nanaman ng dati late nanaman akong papasok.
Napasarap kasi ang pagpupuyat =.=.
Mapagalitan kaya ako ng teacher ko?
Transfer student naman ako tsaka first day ngayon kaya hindi siguro ako papagalitan.
"Tama lang tong ginawa ko" (ang pagmamalaki ko sa sarili) .
Pag-pasok ko sa school dire-diretso agad ako sa tindahan.
Nakalimutan ko kasing bumili ng ballpen.
Sipag ko naman talaga, papasok ng school walang ballpen sarap din ng buhay.
Habang bumibili ako ng ballpen.
Parang napansin ko na lang na lahat ng tao sa paligid ko ay nakatingin sa katabi kong babae.
Para bang gusto nilang magpa-picture at manghingi ng autograph kasi naman kung makatingin sila parang kakainin nila tong katabi ko .
Biglang nalag-lag ang ballpen ng babaeng katabi ko.
Pinulot ko naman agad kasi wala akong magawa at hindi pa naman busy ang schedule ko.
Pinulot ko din yun kasi may katulad pala akong tinamad magdala ng ballpen sa first day.
Hindi ako nagiisa \(*.*)/
"Thank You For Picking up my ballpen". (ang sabi nya saken.)
"That's Nothing". (ang sinabi ko, ayoko na kasing pahabain ang conversation na to masasayang lang laway ko tsaka nakakatamad.)
Umalis na agad ako kasi late na late na ko.
Pag-pasok sa room biglang natinginan sakin lahat ng nilalang na nasa loob.
"Oh Sh*t" (ang mahina kong sabi sa sobrang hiya.)
Dumiretso na agad ako sa upuan ko.
Biglang may sumunod na pumasok.
"Sorry Maam for being late I just went to the store to buy a ballpen because I forgotten to bring one". (lakas naman mag english nito, suminghot siguro ng katol? Joke =_= ).
Tsaka ko lang napansin na lahat ng babae at lalake sa room ay nakatingin sa kanya at parang They Looked Pleased Seeing Her.
Ang mga lalaking katabi ko na kanina ay mga mukhang nanakawan ay biglang nagkaroon ng mga buhay ng pumasok sa room ang babaeng to.
Ano kayang meron sa babaeng to at parang sikat na sikat sya room? Ang tanong ko sa sarili ko.
"Please start introducing yourselves one by one". (ang sinabi ng teacher na ang tono ay parang galit, menopose na ata.)
Ayun na nga nagsimula na kaming magpakilala sa harapan ng klase.
Sa tingin ko naman magkaka-kilala na silang lahat.
Ako lang siguro ang unknown pa dito.
Kaming mga lalake ang unang nagpakilala.
Potek napansin ko lang lahat na lalake ay nagpapacharming at nagpapa-pogi sa unahan.
Siguro dahil nanaman to sa babaeng englesera. Nagpapa-pansin ata sila dun.
Natatawa din ako kasi lahat sila ay mukhang mga model ng patis na nagpapacute sa unahan .
Nung ako na ang magpapakilala binilisan ko na lang agad kasi baka masayang ang laway ko.
"I'm Luke 16 years old,
My hobby is reading books.
Don't try bother talking to me because i'll just ignore you.
Tsaka masasayang lang ang laway ko sa inyo at masyadong busy ang schedule ko".
Yan san ang gusto kong sabihin kaso masyadong mahaba at baka magalit ang teacher namin menopose pa naman ata.
Kaya i just proceeded sa pagpapakilala ng maayos.
"I'm Luke De Los Reyes, 16 years old My hobby is reading books". (yun na lang ang sinabi ko.)
Umupo na agad ako kasi napagod ako sa pagsasalita.
Nagpakilala na ang mga babae at umalis na din si maam sa room may gagawin ata siya.
Kaya pinalsak ko agad sa tenga ko ang earphones ko at nagpatugtog ng malakas.
Habang nagpapatugtog ako napansin ko lang na lahat ng lalake ay walang pakeelam sa mga babaeng nagpapakilala at nagkwekwentuhan lamang pero nung dumating na sa babaeng englesera ay lahat sila ay nanahimik at nakinig na parang teacher ang nasa unahan.
Tinanggal ko agad ang earhones ko pero tapos na magpakilala si Ms. Englesera kaya hindi ko na narinig ang pangalan nya.
Pero sigurado naman akong puro english ang lumabas sa bunganga nya.
Hindi siguro sya sanay mag salita ng tagalog o tinatamad lang suguro sya.
Ano kaya ang pangalan ng babaeng to ?
Parang sikat na sikat sya sa campus?
Whats her name?
End of chapter -----
BINABASA MO ANG
Trust and Fall
HumorAng kwentong ito ay tungkol kay Luke na nagkaroon ng interes sa pinaka-maganda at sikat na babae sa kanilang campus. Walang pake-elam si Luke sa lahat ng tao sa paligid nya. Pero ang pinagtataka nya bakit nagkaroon sya nagka-interes sa babaeng yuun...