Chapter : 3

31 1 0
                                    

Chapter : 3

Naka-sakay na ko sa jeep papuntang school.

Inagahan ko ulit ang pasok kasi masarap matulog sa room. \(=.=)/

"Punyemas" ang bigla kong nasabi.

Napansin ko kasing nakalimutan ko ang wallet ko.

Ang saya-saya talaga. Ang malas ko ngayong araw. Yehey \(¤.¤)/.

Dahil nakalimutan ko ang wallet ko na gawa ng aking katalinuhan.

Wala tuloy ako pamasahe. Mabuhay =.=

Dahil sa di inaasahang pangyayaring ito.

Mapipilitan akong gamitin ang aking special talent.

Ang

-

-

-

-

Mag 1,2,3 sa jeep. Ganda talaga ng special talent ko.  

(note : ang pag wa 1,2,3 ay ang hindi pagbabayad sa jeep at nangangailangan ng matinding konsentrasyon at mga propesyunal lamang ang nakakagawa nito).

Buti na lang nakalusot ako sa driver.

Pero bakit ganun nasiraan itong jeep na sinasakyan ko.

Ang swerte ko talaga.

Late nanaman akong nakapasok.

Muntikan pa kong mapagalitan ni Ms. Alcazar. 

Buti na lang mabait sya ngayon.

"Just sit in your desk" yan na lang ang sinabi ni Ms. Alcazar sa akin.

"Yes Maam" ang sinabi ko.

Umupo na ko sa desk ko.

At bigla akong napa-isip.

Kaya siguro ako minalas dahil sa ginawa ko kay Aira.

Dapat ba kong mag-sorry?  

Ayoko nga nakakatamad tsaka wala naman akong ginawa sa kanya.

Biglang napatingin sakin si Aira at nginitian ako.

Bakit kaya ako nginitian ng babaeng to?

Nabagok siguro ang ulo nya kanina at nakalimutan ang nangyari kahapon o nakasinghot sya ng katol.

Buti naman. Hindi ko na siguro kailangan humingi ng sorry.

Pero nagu-guilty tuloy ako. Bakit kasi nginitian pa nya ko.

Kakainis naman tong babaeng to.

Pinuntahan ko si Aira sa may hallway.

"Sorry na" ang sinabi ko siguro naman masaya na sya.

Kung hindi lang ako nakonsensya. Kahit wala naman talaga akong kasalanan.

Bigla syang napatingin sakin at ngumiti.

Potek. Anong meron at nginingitian ako ng babaeng ito nakakainis.

Pinagtritripan siguro ako nito?

"Ayan magso-sorry ka din naman pala , akala ko hindi ka marunong magsorry ". Ang sabi nya na may pang-iinis.

"Ah. Ok" ang sinabi ko kasi naiinis na ko.

Parang pinagtritripan ako ng babaeng to?

"Yun lang ba ang sasabihin mo saken? Wala na ba yun lang?" ang sinabi nya na parang may hinihintay na sabihin ko sa kanya.

Trust and FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon