Saturday na at pupunta ang Barkada sa mall
Susunduin ni Vhong si Anne habang naghihintay na ang ibang Barkada sa Mall
Dumaan muna si Vhong sa isang flower shop para kay Anne
Dumating na si Vhong sa Bahay nila Anne
Vhong : tao po
Yaya : sir Vhong si Ma'am Anne po ba hinahanap ninyo
Vhong : yes po yaya
Yaya : sandali lang ha pababa na
Vhong : sige po, dito nalang po ako maghihintay
Kinuha na ni Vhong yung bulaklak na binili niya at tinago muna sa likod niya para hindi makita ni Anne
Bumaba na si Anne at nakita si Vhong
Anne : Vhong, kamusta na
Vhong : ok lang, Anne para nga pala sa sayo (bigay ang bulaklak)
Anne : thank you Vhong
Vhong : tara na Anne (sabay pinagbukas niya si Anne ng pintuan)
Dumating na sila Vhong and Anne sa Mall at habang papunta sa meeting place ng magbarkada ay nakakita si Vhong ng couples t-shirt at hinila si Anne papunta sa shop kung saan ito tinitinda
Vhong : Anne tayo muna doon sa shop na yun (hinihila si Anne)
Anne : Vhong wag mo akong hilahin
Vhong : Anne nandito na tayo bili tayo ng couples t-shirt
Anne ; para kanino naman
Vhong : sa atin
Anne : eh hindi pa naman tayo
Vhong : edi pag naging tayo pwede na natin suotin, dali na Anne
Anne : sige basta ikaw bibili
Vhong : basta pipiliin mo yung pinaka bagay sa ating dalawa
Saktong may nakita si Anne na couples t-shirt na may nagbabasketball tapos shoot sa puso kaya yun ang binili nila