Zev’s POV
Kanina ko pa nililibot ng tingin ang paligid ng campus pero bakit wala pa siya? Malapit nang mag-ala una, ‘yun ang simula ng meeting para sa mga magse-second year na Educ pero wala pa din siya. Pambihira. Baka late ‘yun ah? Wag naman sana dahil paniguradong mapapahiya siya. Ayaw kasi ng teacher na ‘yun sa mga late. Dapat 30 mins bago ‘yung simula ng klase o meeting ay nasa campus na para nga naman hindi agaw pansin pag pumasok. Syempre, late tapos nakasara na ‘yung kwarto. Resulta? Malilipat sa late na papasok ‘yung atensyon tapos ipapahiya pa ni sir. Madalas, hindi pa nagpapapasok ng late ‘yun. Nasan na ba kasi ‘yung babaeng ‘yun?
“Kuya Mark, ito na ‘yung libro na hinihiram mo sakin.”
Pagtingin ko sa nagsalita, siya pala. Awtomatikong napa-ngiti ako. Una, nakapambabae siya. Madalang siyang mag-ayos pero pag nag-ayos ‘tong babae na ‘to, ang ganda talaga. Pangalawa, ang tagal kong hindi siya nakita. Simula na kasi ng bakasyon namin. Pangatlo, nakarating siya bago magsimula ‘yung meeting. Ibig sabihin, hindi siya mapapahiya kasi hindi siya late. Pero… teka, may bangs na naman siya? Bagay niya talaga ‘yun pero bagay niya din ‘yung pa-gilid na bangs tapos hahawiin niya kapag humaharang na sa mukha niya.
‘Di ko napansin na napatitig na pala ako sa kanya tapos tumingin siya sakin. Nakita kong ngumiti siya at ako ‘tong si tanga, nag-iwas ng tingin. Tsk.. Zev, kalma. Nginitian ka lang. Nginingitian ka pa lang.
Nag-usap pa sila ni Kuya Mark habang ako? Eto, pasimpleng nakikinig sa pinag-uusapan nila. Hindi ko naman kasi siya kakilala eh. ‘Yung tipo na pwede ko siyang kausapin. Pero, pwede naman kasi ako lang talaga ‘tong… duwag. Saka, baka kapag kinausap ko siya sabihin niya masyado akong feeling close. Naging kaklase ko lang naman siya sa isang subject, hindi kami nag-uusap dun kaya wala akong karapatan. Tsk.. Zev, wala kang karapatan.
“Edi kung gusto mo samin ka magsagot.” sabi ni Machi
T-teka! Si Kuya Mark, makakapunta sa kanila? Oo, magkakilala sila pero hindi naman sila ganun kadikit eh. ‘Yung close ba? ‘Yung close mo siya na iimbitahan mo sa bahay niyo? Ganun. Pero bakit papapuntahin niya sa kanila?
Inantabayanan ko ‘yung sagot ni Kuya Mark, “Eh diba hindi pwede ‘yung lalaki sa inyo?” sabi niya
“Ayos lang ‘yan. Babae naman ‘yang si Mark eh.” sabi ko ng mahina habang nakatingin sa kanya, hindi niya ako nakikita na nakatingin sa kanya—nakatingin siya kay Kuya Mark eh.
Narinig ko na lang na natawa si Machi “Uy, Kuya Mark niloloko ka? Babae ka daw. ^_^” sabi niya kay Mark habang tumatawa. Ayan na naman, nawawala na naman ‘yung mga mata niya. Nakatingin ako sa kanya tapos napatingin din siya sakin, ‘di ko napansin na naka-ngiti pala ako habang nakatingin sa kanya—ganun din ang ginawa niya sakin. Naka-ngiti na siya pero lalo pang lumawak ‘yung ngiti niya. Ako? Eto, nag-iwas na naman ng tingin. Tsk.. Zev, naka-tingin lang naman sa’yo ay tapos nginitian ka lang. Ano bang problema mo?
Pero… Uy, bago ‘yun ah? Hindi pala pwede ang lalaki sa kanila. Ayos, may bago na naman akong nalaman. :D
“Ayy.. oo nga ano? Eh paano ka?” tanong ni Machi kay Kuya Mark
Oy, oy. Wag niyang sabihin na gusto niya talagang pumunta sa kanila si Kuya Mark?
Kamot ulo si Kuya Mark, “Mag wi-wig na lang ako para maka-punta sa inyo.”
“Pwede din. :D” sabi niya kay Kuya Mark tapos nilalaro-laro niya pisngi nung bading na ‘yun. Mataba kasi eh kaya madaming mapipisil sa pisngi niya.
“Kapag ba nagpataba ako, tapos naging close tayo, pipisilin-pisilin at pipindot-pindutin mo din ang pisngi ko?” tanong ko sa kanya… sa isip. Asa naman ako na matatanong ko talaga ‘yan sa kanya. Pero, ang cute kasi niya habang nilalaro ‘yung pisngi ni Kuya Mark! Wala na siyang mata kasi naka-ngiti siya tapos ‘yung dimples niya, present. Pambihira.