HIS POV
"Shet naman, ang taba ko kasi!”
Ayan na naman siya sa walang katapusang pang-aalipusta sa sarili. Pero oh well, totoo naman eh.
"'Yun naman kasi ang totoo, bakit 'di mo na lang tanggapin?" sabi ko na lang sa kanya na may halong pang-iinis.
Bilang napaka bayolente nyang babae, tinapik nya ako sa balikat. Pero para sa kanya, suntok na 'yun. Oy, 'di ko minamaliit ang lakas nya a? Malakas 'yung suntok nya kumpara sa ibang babae [(ang laking babae kaya neto!) (ang pinagkukumparahan ko lang ay suntok ng mama at ate ko)], pero mahina para sakin kasi... ewan. Nahihinaan lang talaga ako. O kaya man kaya lang ako nahihinaan ay dahil may halong lambing 'yung suntok nya. Ay, mungtanga. Suntok na may lambing?
"Tangina ka, pag ako pumayat talagang hu u ka sakin!"
'Di ko alam kung ilang beses na nya sinasabi sakin 'yan kasi 'yan lang palagi ang nasasabi niya kapag naaasar siya sakin o sa terms nya na-"in your face" ko siya. Mataba siya tapos naiinis siyang mataba siya? 'Di ko gets. Kung ganun talaga bakit kailangan pa niyang ma-frustrate o ma-insecure sa mga "sexy” na babae?
Ahh, kasi nga pala 'yung true love niya daw e girlfriend 'yung bestfriend nyang pang Miss Universe daw ang ganda ng katawan tapos siya daw pang Miss Barangay 'yung gay edition pa. 'Tong babae talaga na 'to, ang hilig-hilig na i-degrade ang sarili pero 'yung ibang tao kung pataasin niya ang self-esteem e ganun-ganun na lang.
Para matigil sa pagda-drama, "Buti 'di ako mahu-hu u." tapos sinabayan ko pa ng mainam-inam na ngisi. Ayun sapul na naman ako, literal at hindi.
At saulado ko na 'yan, magwo-walk out habang pabulong-bulong ng "kapag ako talaga pumayat" tapos hahayaan ko lang siya. I won't chase her. I never chased her. Kusa naman siyang bumabalik sakin. Basta pinapanood ko lang siya habang iritableng naglalakad palayo, kasama na dun 'yung closed fists at heavy footsteps niya. Kung anime lang 'to, malamang may mga lumalabas ng usok sa ilong niya tapos may palutang-lutang na exclamation point o 'yung parang number sign na palutang-lutang sa ibabaw ng ulo niya.
"Letse ka talaga Paolo Sixto Alindog!"
You read it damn right. I'm Paolo plus Sixto plus Alindog. Paolo Sixto Alindog. A crappy name huh? But atleast, I'm not as crappy as it is.
"Palibhasa maganda ang pangalan mo" hingang konte for the final blow, "Machi Ynna Lyn Naito."
"JUST CALL ME CHI!" bulyaw naman niya sakin
I flashed a half smile, "Sinimulan mo, tapusin mo." tapos kumanta ako with this infamous tune, "Machi Ynna Lyn Naito.. Machi Ynna Ynna Lyn Naito..”
Ayun, naasar. Tumakbo pabalik sakin at sinaktan ako ng literal.
--
Kinagabihan nyan, nagtext siya sakin, nasugod na daw siya sa ospital. Pag nagkakasama kami, palagi niyang kinukwento na pakiramdam nya daw may mali sa katawan niya. Sasabihin ko naman na nag o-overthink lang siya o kaya man bibiruin ko pa na baka nadadagdagan lang 'yung koleksyon nya ng mga bilbil at ayun, tapos na ang usapan tungkol dun, mapupunta na sa ibang topic. Pero maski ako, 'di ko rin maitatanggi na malaki ang ipinayat niya. Ang alam ko, 'di siya nag da-diet. Aba naman, lagay na palagi siyang bili ng chocolate e nag da-diet? And the mere fact na imposible 'yun kasi sa bahay nila kapag oras ng pagkain kailangan kumain ka (pamilya o bisita ka man). 'Di ako nag jump into conclusions, nag settle na lang ako dun sa idea na kaya ganun e dahil lang siguro sa kakapuyat due to acads. Ayaw ko naman kasi isipin na may sakit siya. Ikaw, gusto mo bang magkasakit ang bestfriend mo?