Again Series 1

1.1K 29 11
                                    

Kanina ka pa naghihintay sa harap ng bahay ni Amor. Kahit sabihin pang nasaktan ka sa mga sinabi niya sa iyo ng nakaraang gabi ay eto ka pa rin at naghihintay ulit sa kanya. She said she has moved on at napakasakit isiping ni konti ay wala na siyang nararamdaman para sa iyo kundi galit. Kaya eto ka na naman, naghihintay para muling makausap at makita ang babaing hindi mo man aminin ay mahal mo pa rin hanggang ngayon.

Dumating ang hinihintay mo. Annoyance is evident on her face ng makita ka niya. Pinilit mong huwag pansinin iyon dahil ang totoo ay nasasaktan ka. Talaga bang ganun na lang ang inis na nararamdaman ni Amor tuwing nakikita ka?

Bumaba ka ng iyong sasakyan. Nakita mong may binilin si Amor sa driver nito saka ito bumaba ng sasakyan nito. Lumapit si Amor sa iyo.

"Bakit ka nandito? Hindi pa ba sapat ang mga paliwanag na ibinigay ko sa iyo nung nakaraang gabi?"

"I'm here to invite you for coffee." ang sabi mo.

"Look Eduardo, you can have your secretary call my office to schedule an appointment. Let's be professional when it comes to business."

"I didn't come here for business. Kailangan ko ng kape at ng makakasama. Siguro naman hindi mo ako tatanggihan tulad ng hindi ko pagtanggi sa iyo ng yayain mo ako dati."

Napabuntong-hininga si Amor. Ano na naman kaya ang tumatakbo sa isip ni Eduardo pero paano siya tatanggi kung dati nga naman ay hindi siya tinanggihan ni Eduardo sa paanyaya niya. "Amor, kalma lang." Paalala niya sa kanyang sarili. Ang alalahaning silang dalawa lamang ay sapat na para kabahan siya.

"Okay then, sabihin mo na lang kung saan at susunod kami ng driver ko."

"Bakit kailangan mo pang abalahin ang driver mo when you can go with me, sa sasakyan ko. Unless..." Isang nakakalokong ngiti ang binigay ni Eduardo kay Amor.

"Unless what?" Alam niyang hinahamon siya ni Eduardo. Hindi siya magpapatalo dito. Tinuruan siya ng panahon para kontrolin o itago ang kung ano mang nararamdaman niya para dito.

"Wala! So shall we?"

Iginiya siya ni Eduardo sa sasakyan nito. Pinagbuksan siya nito ng pinto at nagulat na lang siya ng hawakan nito ang kamay niya at alalayan siya para makasakay ng maayos sa sasakyan nito. Napapikit siya at pilit pinapakalma ang sarili.

"Comfortable?" tanong ni Eduardo sa kanya ng nasa tabi na niya ito.

"Y-yes."

Pinaandar na ni Eduardo ang sasakyan.

"Sana ay matapos na kaagad ito." Sa loob-loob ni Amor.

********************

Ilang sandali pa ang nagdaan ay naramdaman ni Amor na parang iba ang daang tinatahak nila ni Eduardo.

"Eduardo, papalabas na ng Punta Verde ito ha. Saan tayo pupunta?"

Hindi sumagot si Eduardo, nagpatuloy lang ito sa pagmamaneho.

"Eduardo ano ba?"

Tumingin ito sa kanya. "Nagbago na ang isip ko, ayaw ko ng magkape."

Kinabahan si Amor. "Eduardo kung ayaw mo ng magkape ibalik mo na ako or kung ayaw mo naman ibaba mo na ako."

"Calm down Amor. Why so nervous? Akala ko ba nakapagmove-on ka na? Bakit kinakabahan ka?"

"Hindi ako kinakabahan. Naiinis lang ako dahil hindi ito ang pinag-usapan natin at ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang niloloko ako!"

Huminga ng malalim si Eduardo saka inihinto sa isang tabi ang sasakyan niya. Aktong lalabas si Amor pero mabilis niyang napigilan ito.

"Hindi kita niloloko Amor. Gusto lang kitang makausap ng tayo lang dalawa."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Again (Series of One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon