Kabanata 3

81 4 1
                                    

Meisha.

"Okay ganito kasi yan blahblah blah" sabi ng nagtuturo saamin ng sayaw,nandito kami ngayon sa Park nagprapractice para sa Tagsayawit para sa Science hayst badtrip si Kuya Kim (yung nagtuturo saamin).

"Naku katamad kayong turuan sige uwi na tayo" sabi pa nya di kase namin makuha yung isang step naku sya na lang kaya sumayaw ? Tapos kami mag turo?

"Hoy mag lakad tayo ah?"sabi ni Rima habang kanya kanya kaming ayos sa sarili ang papanget tuloy namin ! Pero mas panget si Kuya Kim hahaha joki joki lang.

"Sige gusto ko rin maglakad eh ano oras na ba?" Si Alaysah, wala kaseng pasok ngayon It's Sunday yaa know.

"4:53 na halika na kayo" sabi ko sakanila atska nagsimula ng maglakad, sarap ng hangin papalubog na din kase ang araw eh.

"Hoy i want ice cream!" Biglang sigaw ni Jho, luuh eh di kumain sya.

"Ako rin ministop tayo ah sayang wala si Rosel di kase sumali sa sayaw" sabi naman ni Alaysah,kami lang kase ang magkakasama Ako, si Alaysah,Jho ay Rima.

"Strikto kase parents ni Rosel eh" wika ni Rima ng nakangiwi.

Habang naglalakad kami ay maiwasan ng mga tao na di lumingon saamin, di naman sa nagmamayabang eh lahat kami may itsura.

Si Jho na sobrang puti tapos brown na brown ang mga mata,at kahit na san ka tumingin sa mga buhok nya wala kang makikitang kulot at payat sya.

Si Alaysah na may kulot na buhok pero sa baba lang hehe malaki mata nya pero ito ang nagpapaganda saknya maputi rin sya, kulang nga lang sa height.

Si Rima naman ay may singkit na mata at mahabang buhok,medyo mataba sya at maputi, hay naku may pagka eng eng yan eh.

Si Rosel naman ay sa sobrang puti kalamo walang dugo hayst maganda din sya hanggang bewang buhok nya at ayy basta maganda.

Ahm di ko na sasabihin itsura ko hehehe.

"HAHAHAHA talaga?"
"So ayun na nga blah blah blah"

"Hoy dalian nyo" sabi ni Alaysah atat kumain ng icecream?

Habang papalapit kami sa ministop ay may natanaw ako. Waaaaaaah si Sirrrr.

"Daliii Alaysah!" Sabi ko kay Alaysa habang higit higit ko, nang makapasok kami sa loob ng ministop ay agad akong umupo sa tabi ni Sir, nabigla naman sya ng nakita ako.

"Sirrr my loves!" Wikaa ko hihi ang gwapo nya sa v-neck shirt nya at naka short sya saka naka tsinelas napaka simple,napaka manly at bango,napaka linis nyang tingnan sa army cut nyang buhok,hiyang hiya ako sa kutis nya.

"Are you stalking me?" Tanong nya ng nakakunot ang noo ahihi.

"Feelingero ka din sir no? Syempre hindi no!" Sabi ko habang titig na titig sakanya hahaha

"Hard haha" rinig kong sabi ni Rima.

"Hon halika na nakabili na ako" biglang wika ng babae? Tumingin naman si Sir sa babaeng papalapit sa inuupuan namin atska ngumiti sya dun sa hipon.What??

"Sir sino sya? Yaya mo?" Tanong ko malay mo yaya nya lang to.

"What? Ano sabi mo?" Sabi ng hipon omg buti nakakahinga sya dito sa lupa.

"Sabi ko hipon ayun oh katabi ni Sir" sagot ko,tumingin naman saakin si Sir ng sobrang sama.

"Aba! Sino ka ba ah? Hon sino ba to?" Galit na yung babae,omg

"Wag mo ng patulan Hon halika na" yan lang ang nasabi ni Sir iiling iling pa sya saakin na parang sobrang dissapoint.HON daw pshh

Umikot mata ko atska sila tinalikuran "pssh" hipon talaga! Yun ba ang gusto ni sir na babae? Na kung makasuot ng damit kala mo tinipid sa tela! Pshh at anong binili nya? condo- jk psssh kainis mas maganda naman ako dun eh, mas matangkad lang yun , kapal pa ng make up.

"Wooah namiss ko pagtataray mo Meisha ah" salubong sakin ni alaysah habang papalapit ako.

"At dahil nagtaray ka ngayon ito icecream mo haha" sabi naman ni Rima sabay abot sakin ng icecream.

"Kabadtrip sila" kainis huhu

"Alam mo bhe walang forever atska malabong maging kayo" Sabi ni Jho habang dinidilaan niya icecream nya.

"Oo nga bawal kaya yun! Ikaw mag aaral ka pa next year eh sya? Soon to be teacher!" Sabat ni alaysah, nagkamot ako ng ulo saka sumagot.

"Ikaw na rin ang nagsabi Jho na wala forever kaya maghihiwalay din sila ng GF nya" ako

"Naku kung ako sayo liligawan ko si Sir" sabat ni Rima na wala sa sarili,napatingin naman kami saknya.

"Aray ko leche ka ah!"ungol ni Rima pagkatapos sya batukan ni Jho.

"Gaga ka ba?" Jho sabay irap.
"Good idea" sabi ko napangiti ako atska tumango hihihi liligawan ko si Sir.

"Leche ka talaga Rima naku! Hoy Meisha di maganda yan tingnan sa babae leche" si Jho hay nakuu sya kase pinaka matanda saming lima kaya ganyan yan.

"Ano naman masama dun? lalaki lang ba pwedeng mangligaw?" Alaysah sabay dila sa icecream err

"Atska cool kaya yun ! Once in the blue moon lang kaya magkaroon ng ganun "sabi ni Rima habang nakatingin saakin ngumiti naman ako saknya.

"Bahala kayo! Halina kayo! baka gabihin tayo!"suko ni Jho hahaha

"Okay haha sakit ng tyan ko" sabi ni Rima,tumayo na kami atska lumabas oh lagot ako kay lolo at ate.

"Hoy mauna na kami sainyo ah halika na Rima" paalam ni Rima at Jho, tumango naman kami ni Alaysah atska nag bye.

Habang naglalakad kami, ay tumitigin kami ng mga pogi,puro college haha.

"Be tingnan mo yung cute guy na yun nakatingin sayo hihi ayiie haba ng hair"sabi ni alaysah habang nakaturo kung saan, tumingin naman ako sa sinasabi niya at napatingin sa lalaking nag iwas ng tingin ng tingnan ko.

"Oy nag iwas ng tingin sayo oh hahaha namumula pa!" Halakhak ni Alaysah,hay nakuu kung di naman si Sir yan ay dibale na.

"Hoy bye na dito na ako" sabi ni Alaysah , napasimangot naman ako dahil sa kabilang kanto pa ako, sana pala nagpasundo ako sa driver.

"Oh sige" sagot ko sabay halik sa pisngi nya.

"Oy ingat ka ah? Marami pa nang masasamang loob dyan!" Paaalala nya.

"Ona po haha" sabi kp at nagsimula ng maglakad,pero seryoso nakakatakot maglakad mag isa lalo na dun sa may tulay! Walang masyadong nadaan doon eh huhuhu.

Habang papalapit ako sa tulay ay dasal ako ng dasal baka kase may momo eh.

"Wow chicks pre oh" kumalabog dibdib ko ng makarinig ako ng boses sht mga adik to huhu, pumikit ako atska naglakad ng mabilis kunwari wala akong narinig lalalalala.

"San ka pupunta ah bata " sabi sakin ng isang lalaki,mukha syang lasing at ang err panget nya.

"Ah eh wala po kuya uuwi na po ako hehe magandang gabi po hehehe" sabi ko habang umaatras ng palihim.

"Kinis preee !" Tangna meron pa pala sa likod isa pang dugyot huhu paano na ako.

"Pre hawakan mo baka makatakas doon tayo para walang makakita" sabi ng isang panget sabay dila at tingin saakin ng malangkit ewww di sya inform na panget sya.

Nagsimula na akong sumigaw ng kalad karin nila ako sht nooo.

"BITIWAN NYO AKO ANO BA?!?! ISUSUMBONG KO KAYO SA BOYFRIEND KONG POGI! SHT WAG POO TULONGG!!JOSHUAAA!LOLO!! AT-" sigaw ko huhu nagsimula na ring tumulo ang mga luha koo,humihikbi na ako at nawawalan na ng lakas.

"Ang ingay m-" sabi ng isa!ayoko idilat mata ko ayoko ayoko,naramdaman ko naman na binitiwan ako ng nakahawak saakin, di ako makatayo dahil feeling ko pag ginawa ko yun ay mawawalan ako ng malay.

"Wag po mga kuya!" Iyak ko habang nakatakip ang kamay ko sa mga mata ko,di ko na alam ang nangyayari dahil nakayuko parin ako.

"Ssshh tahan na I'm here" sabi ng isang boses atska naramdaman ang isang yakap, tumingin naman ako dun sa nagsalita at di nga ako nagkakamali si Sir Joshua.

"S-sir di a-ko makahinga" wika ko habang pinapatayo nya ako.

"Sht!" nakita ko ang pag aalala sa mukha nya bago ako mawalan ng malay


We Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon