Isang buwan na ako dito sa DIN Academy. Ang Academy na isang Boarding Academy. Kaya pala malungkot si Daddy Ngayon gusto kong malaman kung bakit hindi nya sinabi na boarding academy ito. Isang buwan na ako dito na tahimik at walang kaguluhan.
"Irene taas na tayo?" tanong sakin ni Wendy
"Sige mauna kana susunod na lang ako" sabi ko
Isa na sa mga nakilala ko si Wendy at naging kaibigan ko sya. Naiwan ako sa garden ng school at nagulat ako sa isang estudyante.
Nadaan sya sa harapan ko nakayuko at puno ng dugo ang kanyang uniform. Humarap sya sakin at nakita ko ang mata nya. Mata na puno nang galit at sakit. At ang ngiti nya nagdulot na pagtaas ng balahibo sa buong katawan ko at ang mga salita na lumabas sa bibig nya.
"Every soul will taste death"
Naguluhan ako sa sinabi nya. Tumakbo ako pataas sa 4th floor ng building ng high school at ng nasa 3rd floor na ko. Naramdaman ko na may tumulong likido sa balikat ko. Tiningnan ko ito at nagulat ako sa nakita ko Dugo.
Hindi ko alam pero tumakbo ako agad pataas at nakita ko na nagkakagulo sa section D. Ang section namin.
"Guys si Maine!" napatingin ako sa kaklase ko na sumigaw at dali dali akong pumasok sa loob ng room.
Awa. Awa ang nakita ko kay Maine. Brutal syang pinatay. Puro hiwa ang muka nya at pati ang buong katawan at putol putol ang kanya daliri sa kamay. Hindi ko alam kung anong dahilan ng taong gumawa sa kanya ng ganito.
Pero ano ang gumugulo sa utak ko? Kung nasa loob namin si Maine. Ano yung dugo na tumulo sa balikat ko? Tumakbo ako palabas ng classroom at pumunta ulit sa hagdan at patuloy parin ang pagpatak ng dugo. Tumingin ako sa taas kung saan nandoon ang 5th floor na hindi na ginagamit.
"Nawawala si Ericka!" nagulat ako sa grupong dumaan sa hagdan pataas.
"S- si E- rick - a" sabi ng isang estudyante na pababa ng hagdan kaya napansin ito ng grupo na pataas kanina
"Nasan si Ericka?!" sabi ng isang babae
Nakita ko na mabilis na tumakbo ang babae at naiwan ang ibang kasama nya
"Anong nangyari sa kanya?" tanong ng isa
"Patay na si Ericka" nangangatal na sabi niya
"Ikaw ba ang pumatay sa kanya?!" at bigla syang sinampal
"H-hindi p-po" kinakabahan na sagot nya
"Kung hindi ikaw anong ginagawa mo sa 5th floor?!!"
"May nagutos po sakin na isang estudyante n- na pumun- ta daw po ako sa 5th floor kundi pa -patay- yin nya -a -ako" at umiyak na lang sya bigla
"Sinong estudyante?!!"
"Hindi ko po nakita ang muka nya dahil nakamask sya" wala kang kwenta at bigla nyang itinulak ang babae kaya nalaglag ito sa hagdan na ikinagulat nilang lahat pati ako
"Guys hindi ako ang tumulak nadulas sya" sabi ng isang tumulak at sumangayon ang lahat na ipinagtataka ko.
Kitang kita ko ang pagtulak sa kanya ang pagtulak nya sa babaeng wala namang kasalanan. Nakita ko rin ang pagputok ng ulo nya.
"What happened?!" sigaw ng gulat na gulat na teacher ng makita ang isang estudyante
"Nadulas po sya Sir" sabi ng tumulak dito
"SI ERICKA!" narinig naman namin ang isang malakas na boses at nagtatakbo
"Anong nangyari?" tanong ulit ni Sir
"Si Ericka putol pu-tol ang ka-t-a-wan" nagulat kaming lahat sa sinabi nya at nakiisyoso ang lahat ng estudyante ang iba ay umakyat sa 5th floor ang iba naman ay umisyoso sa estudyante na tinulak.
"Apple" nagulat ako sa nagsalita sa likuran ko at nakita ang isang lalaki
"Apple ang pangalan nya" sinabi nya at nakatingin sa babaeng tinulak kanina
Isang araw. Isang araw at tatlo agad ang patay. Ano pa kaya sa mga araw na susunod? Kinilabutan ako at napatingin sa may ground ng school garden. Nakita ko na kaupo don yung babae na puro dugo ang damit kanina. Malayo sya masyado kayat hindi ko makita ang muka nya. Nagulat ako ng tumingin sya bigla syang ngumisi. Tumakbo sya paalis at hindi ko na nakita.
Sino sya? Bakit puro dugo sya? Sya nga ba ang pumapatay?
x.o.x.o.
![](https://img.wattpad.com/cover/50487051-288-k473327.jpg)