Welcome to DIN Academy

5 0 0
                                    

"Mag-iingat ka Irene" tumingin ako kay Daddy at nakangiti sya na may halong lungkot sa muka

"Para namang hindi ako babalik" nakangiti kong sabi at niyakap sya

"Sige pumasok kana" sabi ni Daddy

Bumaba ako sa kotse at humarap sa isang malaking gate at nakita ko ang malaking tarpaulin na nakasabit sa gate

"Welcome to DIN ACADEMY"

Yan ang nakasulat sa tarpaulin na nagbigay ng kaba sa dibdib ko. Parang naistatwa ako at ayoko na tong ituloy. May parte ng utak ko na sinsabi na wag akong pumasok sa paaralang ito dahil mapapahamak lang ako. Pero may parte sa puso ko na nagsasabing ituloy ito at hindi ko alam kung ano ang dahilan.

Sa huli ay nakita ko ang sarili ko na naglalakad papasok sa loob ng DIN Academy.

"Goodmorning Miss Irene. Welcome to DIN ACADEMY!" nakangiting sabi nya. Nagtaka naman ako kung paano nya nalaman ang pangalan ko. Nakita nyang nakakunot ang noo ko kaya ngumiti sya at itinuro ang name tag na naka pin sa damit ko kaya nginitian ko lang sya. Bigla namang bumukas ang gate at agad akong kinabahan.

Bumukas ang malaking gate at biglang lumawag ang pakiramdam ko.

Mga estudyante.

Mga normal na estudyante.

Nagtatawanan. Nagbibruan. Nagaasaran. Naglalaro.

Nerds. Populars. Mean Girls. Normal People.

Pumasok ako sa loob at nakuha ng attention ko ang mga nasa 4th floor kung saan nandoon ang classroom na papasukan ko.

Tumaas ang balahibo ko ng may lumapit sakin na isang babae at hinawakan ng madiin ang braso ko.

"Umalis kana hanggang maaga pa. Magulo at Maingay. Shhh. Hahahaha" inalis nya ang pagkakapit sakin at tumakbo palayo.

"Nako. Pasensya na." sabi ng isang nurse at hinabol yung babae kanina.

Napansin ko naman ang braso ko na hinawakan nung babae kanina. Lumalabas ang pulang likido dito na nagpakaba na naman sakin. Anong sinasabi nya? Magulo? Maingay? Napatingin ulit ako sa braso ko na patuloy ang pagtulo ng Dugo . . .

x.o.x.o

[PROLOGUE]

DIN AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon