Kabanata 3

5.5K 157 7
                                    

"A teacher"

-

Kinabukasan, pinauna akong maligo ni Mika, mabilis lang naman daw kasi sya maligo. Pagkatapos ko maligo, sinuot ko na ang uniform ko. Checkered ang mini skirt palda nito, kulay red and black ang combination, red din ang coat samantalang white naman ang blouse na panloob. May necktie na kakulay ng palda. Sa left part ng coat nakalagay ang nameplate tapos sa right side iyong logo ng school. Naka white long socks kami tapos black shoes, pwede kahit anong design. Sakin kasi boots e.

Blinower ko ang buhok ko at hinayaan itong nakalugay, naglagay ako ng konting foundation at blush on sa mukha ko, tapos pink na lip shiner for my lips. Then I'm done. Hindi talaga ako sanay sa makapal na make up.

"Tara na, Debbie. Sabay na tayo." Sabi sakin ni Mika ng matapos syang magbihis. I look at her face, walang ka make up-make up. She's beautiful, pero plain lang ang mukha nya.

"You're not putting any make up?" I asked her at sinuot ko na sa likod ko ang bagpack ko.

"Lip balm lang. Hindi ako sanay e." She said tapos sinuot narin ang bag na may design na anime din ata. Sya nadin ang nagbukas ng pinto. "Let's go." Anyaya nya.

Habang papunta kami sa classroom namin, panay ang kwento ni Mika about sa anime. Nagtatanong din naman ako. I have a classmate in UK na mahilig din sa anime.

"Otaku ang tawag sa mga mahilig sa anime pati manga." She said.

"Manga?"

"Yup. Traditional Japanese comic." I just nodded to her answer.

Maya-maya huminto na si Mika sa isang classroom. "Ito ang room ko, sayo dyan sa kabila." Tinuro nya ang classroom nya tapos iyong sakin.

"Ah. Okay. Salamat." I smiled.

"Kita nalang tayo mamayang lunch break huh? Antayan nalang? Ipapakilala din kita sa mga other friends ko." She said.

"Sige." Nag-wave kami ni Mika sa isa't isa pagpasok nya ng classroom nila. Nakita kong may kumausap agad sakanya.

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa classroom ko. Nakita kong may kanya-kanya ng grupo ang mga classmates ko. Sila narin ata ang magkakaklase last year kaya magkakaibigan na sila. Walang pumansin sakin kaya naghanap nalang ako ng mauupuan. Vacant ang isang upuan sa dulo katabi ng bintana kaya doon ako pumunta. Nilagay ko ang bag ko sa hooked ng lamesa na nasa right side at pinagmasdan ang mga bago kong classmates. Makikita sa mukha nila ang pagkaka-iba iba ng kanilang mga lahi, may mukhang American, Chinese, black American etc. But one thing I should do, ang maging friendly sa lahat although ganun naman talaga ako kahit sa UK.

"Hello!" Nagulat ako sa biglang sumulpot sa gilid ko. Isang lalaki. Mahaba ang pilik mata nya matangos ang ilong at singkit ang mga mata, tapos kulay grey ang buhok na parang sa korean boy band ang style. He's tall and cute. Pero mukhang player. "Transferred student ka?" He added.

Dahan-dahan akong tumango. Inabot nya sakin ang kamay nya. "I'm Maru Kang. Ang pinaka-poging studyante dito sa Paulkerson Academy." Presko nyang pagpapakilala.

Nagdadalawang isip akong kamayan sya kaya nagpakilala nalang din ako. "I'm Debina Winter Kasmey."

"Hmmm?" Nilagay nya sa chin nya ang mga daliri nya. "British ka nuh? Obvious kasi sa accent mo e." He smiled. Mas lalo syang naging cute dahil sa ngiti nya.

"I'm from UK pero wala akong dugong British." I proclaim. True. Wala naman talaga akong lahing British, ilang taon kaming nakatira sa UK kaya nakasanayan ko na ang pananalita ng mga tao doon.

Wolf Girl and her Mate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon