Kung Maibabalik ko Lang </3

16 1 0
                                    

🎼🎵kung maibabalik ko lang

ang oras na ikaw ay kapiling nakayakap sa akin

kung maibabalik ko lang                                                                                                                                            ang lahat ng nangyari siguro ay tayo parin 🎼


Ang aga aga may tumatawag sakin akala ko naman kung sino si kierstine lang naman pala.

"Jelai ano na ? anong oras na oh bumangon ka na dyan malalate na tayo sa mtap sayang naman yung binayad natin kung mala-late lang tayo ganyan naman eh sinasayang purkit na sayo di mo ba naisip na pwede yang makuha ng iba kawawa ka tapos---"    toot toot 

sa sobrang sakit sa tenga nung boses nya binabaan ko na hays. akala mo pwet ng manok kung maka bunganga e daig pa nanay ko. hugot ng hugot palibhasa break na sila babaeng yun talaga :3

bumangon ako para mag asikaso na at mamaya nandito na yung bababeng yun

mayamaya dumating na si kierstine kaya umalis na agad kami . 

mabilis lang matapos yung mtap kaya naisipan naming gumala muna

hinatid namin yung isa naming kasama para hindi ma-bored  kaka antay ng matagal kay joshua na nag jo-journalism pa 

habang naglalakad kami hindi ko alam pero parang familiar sakin yung mga lalaking makakasalubong namin. and shet! nagulat ako kasi tama yung hinala ko . si niko nga yung ex ko, yung lalaking sinayang ko

"Pag pumasok ka na wag kang titingin sa iba ah ? ako lang . mahal na mahal kita "

- biglang nag throwback sakin yung mga sinabi nya bago ko sya ibreak pinagsisisihan ko na ginawa ko yun gusto ko sanang ibalik pero wala na :(

nabalik ako sa katuturan ng kalabitin ako ni kierstine . tinatanong nya kung ako lang daw ba ko. sabi ko naman ok lang sanay na naman ako.

bumalik kami sa school hindi dahil nandon sya kundi dahil hihintayin pa namin matapos si joshua sa ginagawa nya.

habang naghihintay nakaramdam kami ng gutom ni kierstine kaya naisipan naming lumabas muna.

nagulat naman ako nung bigla akong kalabitin ni kierstine may tinitignan sya that time kaya napatingin din ako dun .

nagulat ako kasi makakasalubong namin sya . shet ! gusto ko ng lumiko kase ayokong makasalubong sya . pero huli na dahil wala na kaming malilikuan 

dumaan ako ng hindi pinapahalatang apektado ako, na kunware wala nalang sakin lahat. ugh ! naninibago ako . ang tangkad na nya tapos sobrang puti narin hays. ito na naman, naamoy ko nanaman sya . shocks bakit  ba kahit pawis na sya ang bango nya parin ? >///<


mag gagabi na kaya naisipan na naming umuwi                                                                                                             sa totoo lang ayoko pang umuwi  kaya niyaya ko si kierstine na tumambay muna sa court. sakto at naghahanap sya kung san may wifi 

gabi na pero mga tinatamad parin kaming umuwi nakatambay parin kami sa court habang nag kukwentuhan. hanggang nabanggit ko sa kanya na susuko na ko. ayokong ipilit ang bawal 

nag wifi nalang sya kaya tinitigan ko nalang yung lalaking magisang naglalaro dun sa court . hays wala naman sya dito pero bakit tinatamad parin akong umuwi ?

may dumating na 2 lalaki hindi ko alam kung bakit pero napatitig ako sa kanila. hanggang sa maalala ko si niko yung suot nya kanina .

"shocks sya nga"

nagulat naman sakin si kierstine kasi bigla akong nagsalita

"ha? sinong sya nga ?"

"si niko...." 

napatingin naman sya dun sa tinitignan ko

"hala! nakita mo yun ? ang dilim dilim eh "

bigla kong narealize na tama sya madilim pero bakit nakikita ko parin sya ? hays! sana lagi nalang ganto . yung nakikita ko sya natititigan at nakakasama kahit na hindi nya alam ok na sakin masaya na ko.

gustong gusto ko syang tawagin pero natatakot ako . baka tignan nya lang ako o ano.

nagulat ako kasi nandon na sila nag ba-basketball sa tapat na ring kung nasan kami. todo tago ako kasi ayokong makita nya ko. ayokong malaman nya na nandon ako.

sobra na talaga yung tago ko kasi yung bolang gamit nila napunta sa direksyon kung nasan kami. arggh ! wrong timing naman oh! mabuti nalang talaga at yung kasama nya ang kumuha.

hindi ko maiwasang hindi tumingin shet! ganto ba ang susuko na ?

"niko!"

O_____________O

nagulat ako nung bigla kong sinigaw yung pangalan nya. pero ang worst ? ni tingin wala. gusto kong magwala , gusto ko syang lapitan para batukan. putanes ang sakit . nanginginig na ko naiinis ako sa nangyayare . bakit ba kasi tinawag ko sya ? ano ? wala naman akong napala ah . napahiya lang ako shete naman oh bakit ba kasi ako umaasa? halata namang wala na eh . move on na move on na sya oh. kung tratuhin at daanan nga lang ako parang wala lang. ano namang aasahan ko ? iniwan ko sya eh tapos ngayon ako yung maghahabol ? tanga tanga ko kasi. kung maibabalik ko lang yung dati siguro tayo parin </3

miss na miss na kita niko ikaw lang yung lalaking minahal ko ng ganto :(



                                                                                          -THE END


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

&quot;Kung Maibabalik ko Lang&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon