Isabelle's POV
Kanina pa wala si Jenny. Nakakainis.
May cellphone naman kasi siya pero di marunong mag-reply.
Nakailang tawag at text na ako. Wala pa rin..
Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala.
Jenny's POV
Pakanta kanta ako na nakasakay sa kotse ko.
Pilit lang nililimot lahat ng sakit ng kahapon..
Wala ang driver ko, kaya ako muna ang nag-drive.
Magpa-park na sana ako, ng biglang may dumaan sa harap ng sasakyan ko.
Nag-park siya sa may bandang kaliwa ko, at papaalis na siya.
Hindi ako pwedeng magkamali.
Yung buhok niyang bagsak na bagsak na kulay brown. Mga mata niya na sing bughaw ng dagat, ang mga labi.niya na kay pula.. Ang tangkad, and the way he walks.
Pumikit ako saglit, gusto kong tiyakin na hindi nga ako nananaginip.
Pagmulat ng mga mata ko, nakita ko na lang siyang pabalik..
"Stephen the gangster" bulalas ko. Sobrang hina na hindi ko pa marinig.
Gusto kong isipin na sa kinaroroonan.ko siya papunta, pero.. sa gate pala.
kung saan nandoon si..
"Babe! Goodluck for the first day!" sinabi sa kanya ng isang babae, sabay halik sa labi
Stephen kissed her back.. Aww! Ang sakit. Ang sakit sakit.
After all, lahat ng pinagsamahan namin, babalik siya, at para ano? Para ipamukha niya na may iba na siya?
Sana di na lang siya bumalik, sana namatay na lang siya sa kung nasaan man siya noon..
Ang sakit sa puso na makita mong masaya na siya, with her new YVONNE REYES PRESCOTT!
Yes. Yvonne, ang napakaganda at sikat na Yvonne. Na sakanya na ang lahat.
Minsan, nasabi sa akin ni Stephen na first crush niya si Yvonne.
Na siya dapat yung liligawan niya noon, pero di ko na matandaan yung sinabi niya na dahilan kung bakit ako.
Kaya di na ako magtataka kung bakit madaming may gusto sa kanya.. Well, hindi ako papayag na talbugan niya ako.
Ipapakita ko sa kanya ang tunay na CLAUDINE JENNY KIM..
Pinunas ko ang luha ko, at naghanda sa pagbaba ko sa kotse.
Pagbaba, liko. Pagliko, deretso na ang lakad ko. Then, "Jenny!" tawag sa akin. Alam ko na.kung kaninong boses yun..
Lumingon ako. At nag-smile. "Hey! Welcome back to KEA!" nagpretend ako na hindi ko pa siya nakita.
"Yeah" cold na sagot niya.
Kainis. Parang wala lang. Umalis na ako at patakbo sa first class ko..
Sakto! Kabe-bell pa lang.
"San ka ba galing? Kanina ka pa naman daw umalis sa bahay niyo. At bakit hingal na hingal ka? Hinabol ka ba ng aso? O nakakita ka ng multo?!" galit at sunod sunod na tanong sa akin ni Isabelle.
Kung alam mo lang, higit pa sa multo ang nakita ko.. "Stephen is back" nasabi ko na lang
"What?!" gulat na tanong niya. "You heard it right, baby. Stephen is back. He is back! With his new blablabla!" inis na sabi ko.
"Hey! Hey! Someones jealous." pang-aasar niya.
"No. I'm not" irap ko sa kanya. Mas maganda at sexy naman kasi ako kaysa sa pinalit niya sakin..
"So nagseselos ka nga"
"Yuck! Over my dead body"
Oh God! Nagsasalita na utak ko, ausap ko na utak ko. Baliw na yata ako!
"Hey! I'm talking to you.." pang gugulat sakin ng BFF ko. Kanina pala niya ako kinakausap.
"Sorry sorry. May iniisip lang ako. Ano na nga ulit yun?" I said making a peace sign.
"Tinatanong ko kung sino yung bago niya"
"Yvonne Reyes Prescott" Pilit na sabi ko.
"Waaaaaaaaah! As in si Yvonne? Oh gaddd!" sigaw niya.
"Yes. Siya nga. Pero di naman siya dito mag-aaral. Sa ibang school yata. Si Steph lang dito"
"So anong balak mo?"
"Wala. Do I need to worry about him? He's just nothing but a history" nakangiting sabi ko sa kanya.
"The way you speak, alam ko ng may binabalak ka. Now, tell me."
Ang galing mo talaga Isabelle. HAHA!
"Not now baby, maybe soon" with flying kiss and wink ang pagkasabi ko sabay punta sa upuan ko.. magsisimula na kasi ang Physics class.
"Okay fine!" narinig kong sabi niya.
Nakaayos na kaming lahat, saktong pagpasok ni Sir. "Goodmorning class"
"Good morning teacher!" we said in unison.
Magsasalita na sana si Sir, nang may biglang pumasok sa room..
"Mr. Anderson! You're late" sabi ni sir
"Look. I know I'm late. So tell me where is my seat now" mayabang niyang sabi
Ang yabang talaga. Walang pinagkaiba sa dati niyang ugali.
"Sit at the back of Ms. Kim" sabi ni sir sa kanya
Wala na rin kasing vacant kundi doon na lang.
Pagka-upo niya, hindi siya mapakali.
Narinig ko na lang na tumayo siya at hinarap ang seatmate ko."You! What's your name?" sigaw niya
"Ryan. Ryan is my name" takot na sabi niya kay Stephen
"I want you to sit there" sabay turo sa likuran ko.
"But, steph.."
"No buts! Go!" sigaw niya pero di parin marinig ni Sir
Sinunod siya ni Ryan at umupo na siya sa likuran ko.
Ang di ko man lang naisip kanina, ay saan uupo si Stephen.
Now I realized, sa tabi ko pala.
Hearbeats.. fast.. faster..