Doom

62 0 0
                                    

"I AM NOT AFRAID TO DIE, I JUST DON'T WANT TO BE THERE WHEN IT HAPPENS.

-Woody Allen

Habang kumakaripas ng takbo ang bata naririnig niyang sumisigaw sa sakit ang nakakaawang lalaki na tumulong sa kanya para makatakas. Wala itong awang pinagpapalo sa katawan ng isa pang di-nakikilalang lalaki.

"Ate nasaan ka na ba? Nangako ka sa akin na hindi mo ko iiwan." Pakiramdam niya nakasunod lang sa kanya ang masamang lalaki kaya walang tigil ito sa paglingon habang siya'y tumatakbo.

"Saan ka na ba mahal kong kapatid? Diyos ko! tulungan po ninyo kami." Hindi siya mapakali dahil ilang minuto na ang nakakalipas wala pa rin ang kanyang kapatid at hindi pa bumabalik ang kanyang kasama. Kaya nagsimula na rin siyang hanapin ang mga ito kaysa tumunganga nalang at maghintay ng walang kasiguraduhan.

"Sino iyon?" ng may mapansin siyang isang anino na naglalakad papunta sa kung saan. Sinundan niya ito sa pag-aakalang kapatid niya o ang kasamang lalaki ang kanyang nakita.

"Dodong... Kuya.... Ikaw ba iyan?" pero hindi siya sinasagot. Biglang tumayo ang kanyang balahibo ng mawala ito sa kanyang paningin. Sinubukan niyang hanapin pero hindi niya na nakita. Tuluyan na nga itong naglaho na parang bula. Hanggang sa may nakita siyang...

"Ano ito sekretong daan? Kaya pala biglang nawala ang aninong nakita ko. Pero teka! Bakit dito pa sa kalagitnaan ng mga talahiban? At sino naman taong mangangahas na pasukin ito?" dahil bukod sa madilim na, makitid pa ang daan. Parang may kung anong nakakatakot na bagay o nilalang na nagkukubli sa ganitong klaseng lugar.

"Pero paano na ang kapatid ko? Kailangan ko ring tulungan ang kasama ko. Tiyak na nanganganib sila rito. Kaya anong gagawin ko?" Nalilito tuloy siya kung anong daan ang uunahin niyang pasukin para hanapin ang dalawa.

"Kaliwa o kanan?" Pero kaliwa ang kanyang pinili dahil ito ang dinidikta ng kanyang isip. Kailangan niyang magmadali dahil nangangamba siya sa posibleng mangyari sa kanila kung mananatili pa sila rito. Halos matapilok siya sa paglalakad dahil sa baku-bako at madilim ang daan. Hanggang sa may narinig siyang yabag ng mga paa na sumusunod sa kanyang likuran.

"Sino iyan?" habang kabado na ito dahil pakiramdam niya may humahabol sa kanya na hindi niya kilala. Kaya dali-dali siyang tumakbo papalayo para hindi siya maabutan nito dahil sa sobrang takot di niya rin napigilan na hindi sumigaw.

"Diyos ko po! Sino po ba siya? Bakit niya ko hinahabol?" hanggang sa nawalan siya ng balanse sa katawan sa kakatakbo kaya nadapa ito.

"Arayyy! napilayan ata ang paa ko." dahil hindi niya maigalaw sa sobrang sakit. Hanggang sa naisipan niya nalang na gumapang para makahanap ng mapagtataguan sa kung sino man ang humahabol sa kanya pero naabutan siya nito. Biglang hinawakan ang kanyang mga paa at walang awang hinila siya nito kaya sumadsad ang kanyang katawan sa mga batong kanilang dinadaanan.

"Tulong!!!! Parang awa niyo na... Nasasaktan po ako." pakiusap niya sa lalaki dahil sa hapdi at sakit na kanyang nararamdaman pero parang bingi ito na walang narinig. Kaya nagpupumiglas ang mga paa niya para mabitawan siya nito at doon pa lang lumingon sa kanya ang lalaki.

Nakita siya nito na nanghihina na at dumaraing sa sobrang sakit dahil sa matinding galos at sugat na kanyang natamo. Duguan na rin ang ibang bahagi ng kanyang katawan. Daig pa niya ang isang hayop na kinakatay sa ginawa sa kanya ng lalaki. Naisip niya na mabuti pang pinatay na lang siya kaagad nito kaysa maranasan pa ang ganitong klaseng kalupitan.

Pakiramdam niya ito na ang magiging katapusan ng kanyang buhay kaya bago pa tuluyang dumilim ang kanyang paningin. Hiniling niya muna sa Diyos ang kaligtasan ng mahal niyang kapatid lalo na sa kamay ng demonyong ito.

Ang Alindog ni MalgaritTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon