Gentleman (Feeling No 4)

75 3 1
                                    

 Gentleman

Pinagreasearch ko lahat tungkol sa pagiging isang gentleman pati nfa yung music video ni Psy pinanood ko sa youtube. Kaso, noong tinanong ko sa ate ko irony daw iyon. Hindi daw ganoon yung mga gentleman kaya bukas talaga, gentleman na ako dahil sa dami ng pinaghagilap ko na inpormasyon sa internet. Sinuklay kong maayos na parang Jose Rizal ang buhok ko, pinlantsa ko ng maayos ng uniporme ko, nagsuot ng relong mamahalin (hiniram ko lang sa kuya ko), at minaneho ko yung sasakyan na Porsche ni Harvey. Hindi naman siya pumapasok, diba? Kuripot yang kuya kong iyan, isa lang ang sasakyan niya kumpara sa isa ko pang kuya.

"Goodluck!" sabi ni ate Lori habang papaalis ako at pasakay sa sasakyan ni Harvey. Tulog pa siya e. Napuyat daw kase ang daming hinihiling ni Lori.

"Thank you." sumakay na ako sa loob at inumpisahan ng idrive ang sasakyan na ito.

Tignan ko lang kung hindi babalik ang pagka may CHOS nila niyan.

-----------

"Girl, sigurado ka ba sa ginagawa naten?" ang sabi ni Adin kay Patrice habang sumisilip sila sa kani-kanilang mga binoculars at nakatago dito sa mga bushes sa garden, tinitigan si Damon, yung waiter.

"Tignan mo, girl."

"Ano?"

Tinignan ko yung tinuturo niya.

"Naninigarilyo siya!" napasias sa gulat ni Adin.  Ang akala niya, parang prinsipe no? Pero walan perpektong tao.

"Shhh! Wag kang maingay!..... Patay, paparating!" Nakita sila ni Damon, yung gwapong waiter tsaka siya naglakad papunta sa kinaroroonan nila. 

"Alam ko nandiyan kayo." sabi ni Damon sa dalawang babaeng nagtatago sa mga bush tsaka niya ito binuhat pataas gamit ng kanilang mga blazers. NAhulog ang kanilang mga binoculars at kinamot-kamot na lang nila ang kanilang mga hulo. Pahiya.

"Ehehehe... Sorry..." sabi ni Adin habang kinamot niya ang ulo niya.

"Si Adin ang pasimuno." sabi naman ni Patrice.

"Anong ako yung pasimuno!? Ikaw pa nga yung bumili ng mga binoculars na ito e!"

Heto lang naman ang nangyari, pinaglinis silang dalawa sa kusina ng mga plato pero atleast, nakikita naman nila ng malapitan ang mukhang napakagwapo ni Damon. 

-------

Chandler's POV

Nasaan kaya silang dalawa? Pinaghahanap ko na sila kahit saan pero wala pa e... Teka, baka nasa cafeteria sila. Pagpunta ko sa cafeteria, wala din. Baka sa banyo, kaso hindi ako pwedeng pumasok hindi pang-gentleman iyon. Bigla, may narinig akong mga git-gitan at tawanan. PAmilyar ang boses kaya sinundan ko, dinala ako sa loob ng kusina at nakita ko ang mga target ko, naghuhugas ng pinggan habang yung lalakeng yun, nanyinigarilyo lang. Hindi pa nila ako napansin kaya magpapapansin ako.

"Hoy! Manong tanda! Diba, bawal manyigarilyo sa school lalo na sa cafeteria?!" lumapit ako sa kanya't hinawakan ko yung kurbata niya. Tinignan ko yung dalawang uto-uto na pinagmamalasakitan tong anak ng demonyong waiter. Papagalitan ko na sana sila kaso naalala ko, gentleman pala ako kaya sasabihin ko ang tama kaya binitawan ko na lang yung kurbata niya tsaka ko  na lang sila pinuntahan paa tulungan kong maghugas.

"Tulungan ko na nga kayo." tinupi ko yung sleeves ko tsaka ako nakipwesto sa gitna nila.

"Sige, ako na dito." sabi ko.

"Sige, salamat." sabi nilang dalawa habang tinatanggal nila yung apron nila tapos pumunta sila sa tabi nung waiter na iyon tsaka umalis.

Teka?! Iiwan nila akong mag-isa dito?! Napagkaisaan ako! Pati yung lalakeng iyon! GGGRR!

I Love My Kuya FeelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon