Chapter one
*At kahit mahal kita
Wala akong magagawa
Tanggap ko oh, aking sinta
Pangarap lang kita*
Ang ganda talaga ng kantang tong ng Parokya ni Edgar ft. Happee Sy. Parang yung nangyayari sa akin ngayon. Hanggang pangarap lang siya.
"Bessy ano tinitingin mo dyan? Kanina pa kaya tumutunog ang cp mo" Guinevere Best ko yan.
"Wala ako tinitignan nuh" depensa ko. At tinignan ko naman ang cp ko si Mom lang pala may pinapakuha sa gown shop ni tita Finna
"Wala nga ba? Ee halos gusto mo nang tunawin si Merlin ee" Guine. Si Merlin yung crush since first year at hanggang ngayon crush ko pa rin kahit fourth year na kami.
"Ewan ko sayo. Pangarap nga lang siya ee" Ako. Actually andito kami sa rooftop. Parang tambayan tuwing vacant at lunchtime. At tanaw na tanaw mo dito si Merlin. Kaya magandang tambayan 'to
"Kung magpapansin ka kaya para naman malaman niya na nag-eexist ka sa mundo" Guine.
"Di naman ako desperado nuh. Kaw kaya try mong magpapansin kay Arthur para mapansin ka rin" pang-aasar ko sa kanya. Si Arthur friend din siya ni Merlin at crush naman ni Guine
"*blush* che ewan ko sayo" Tumahimik siya pagkatapos nun. Yun lang ang makakapagtahimik sa kanya.
"Bessy ano sa tingin mo may pag-asa ba na makilala tayo?" Alam niya ang tinutukoy ko kundi sila Arthur at Merlin.
"Nah... Not in a million best" Kaya walang pag-asa.
*KRIING KRIING*
"Bessy Morgana lika na baka malate tayo sa susunod nating klase"
"Oo Guinevere andyan na"
*sa room*
Di ko nasabi sa inyo na classmate namin sila Arthur at Merlin. Magkaklase nga kami kaso parang di naman kami napapansin dito. Di hamak na nerd lang kami ni Guine. Nerd kami pero in fashion naman.
"Miss Fernandez. Can you answer this problem" sabi ni maam Hernando. Huh? Oh shocks di ako nakikinig. Pero nung tinignan ko yung problem. Ang dali lang pala
"Yes ma'am" pumunta ako sa harap. At sinagot ko yung problem. Kompleto sa solution kahit yung pinakamaliit na details nasulat ko.
"Bravo Miss Fernandez. You given even the smallest detail in the problem" Dumiretso na ako sa upuan ko at tumingin sa labas. At di ako nakikinig
*KRIING KRIING*
Next subject na at may isa pa tapos uwian yehey. Kasi di na ako nag-eenjoy sa nakita ko. Kasi Merlin nakikipaglandian dun sa katabi niya babae Kate ata ang pangalan at gustong gusto naman nung mukang bakulaw na babaeng iyon. Kung pwede lang pumatay gamit ang isip tagal ko nang ginawa. Bwisit
At nabobored ako sa lesson kasi alam ko na natulog na lang ako.
Kaso naalimpungatan ako may narinig ako
"Mister Santos this an easy problem and I think it also have a easy solution so answer it" Oh My pinapagalitan si Merlin. Ang pinakaayaw pa naman niya ang napapahiya siya
(a/e: panu mo nalaman?)
Stalker din kasi ako hehe. Anong gagawin ko? Kelangan ko tulungan si Merlin
*TING* kahit mapahiya na ako basta wag lang siya
"AAAAAAHHHHHH" sigaw ko
Lahat sila napatingin sa akin.
"Miss Fernandez what's the problem?" tanong ni Ma'am
Tumayo ako sa silya ko. "MA'AM MAY MALAKING DAGA AKO NAKITA. AAAAAAAHHHH" sabi ko
"AAAAAAAAHHHHHH" nagkagulo kahit si Ma'am tumayo sa Mesa niya. Yung mga lalaki naman nagtawanan sa itsura ni Ma'am
"Best anong daga? Ee di ka nga takot sa daga ee. May alaga ka ngang daga ee" bulong sa akin ni Guine
"Kelangan kasi. Pinapahiya niya kasi si Merlin ee" ako
"Believe na talaga ako sayo gagawin mo lahat para sa kanya" sabi ni Guine
Ngumiti lang ako. At di na kami pinatuloy sa pag-aaral dahil eexterminate daw nila ang dagang nakita ko. Hehehe kahit wala naman.
Okey lang kahit magmukang tanga ako basta wag si Merlin. Siguro di lang crush ang nararamdaman sa kanya kundi Love na.