Chapter 4

37 1 0
                                    

Chapter 4

<Morgana's POV>

"Aaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh" ako "Anong ginagawa mo sa kwarto ko" My Goodness bakit may gwapong nilalang sa kwarto ko at si Merlin yun. Sh*t nakatuwalya lang ako.

"Nanay mo nagpapasok sa akin dito.. Woah.. Dahil.. Woah.. Sa mga gamit mo" napahinto ako sa pagbato sa kanya ng unan (a/e: kaya po nag-wowoah si Merlin dahil binabato siya ng unan ni Morgana at iniilagan naman ni Merlin)

"Lumabas ka na nang kwarto ko!!!!!" pasigaw ko talagang sinabi yan dahil gusto ko nang magbihis nakakahiya nakatuwalya lang ako.

"Oo na ang sexy ng wet look mo" tapos nagchuckle pa siya. Namula ata ako >/////< lumabas na siya ng kwarto ko. Pero parang iba ang boses niya ngayon medyo paos. Maya ko na lang isipin yan kelangan ko nang magbihis.

Pagkatapos kong magbihis bumaba na ako na ako syempre andyan si Merlin eh, kahit medyo nakakahiya kanina.

Napansin ko parang close sila masyado ni Mom kung sa bagay ganun lang mag-entertain ng bisita si Mom parang feeling close.

"Anak dito na maghahapunan si Merlin" si Mom

Parang nanalo sa lotto tong puso ko ayiiee.

Tumango lang ako. Syempre para di mahalata na gusto ko nang tumalon sa sobrang saya.

"Eentertain mo yung bisita mo sa garden" ako naman si masunuring bata punta agad sa garden at nakita ko yung lalaking nagpapatibok ng puso ko.

"Morgana andyan ka pala, ang gaganda ng bulaklak niyo dito lalo na yung stargazer" syempre favorite ko yun ee. "Alam favorite ko ang stargazer kasi yung ang favorite ng taong gusto ko" pumitas siya ng stargazer at pinaiikot sa kamay niya. "Alam mo Morgana. Yung taong gusto may hazel brown na mata, tapos mahilig sa gelatin, nag-aalaga ng daga, may pinakamagandang ngiti, masunurin sa magulang, sumasakay ng jeep, matalino pero may style sa damit, tinuturing na tatay niya yung driver, sexy sa wet look niya" tapos lumuhod siya.

DUGDUG

DUGDUG

DUGDUG

DUGDUG

"at higit sa lahat siya yung nagpapatibok ng puso ko, Morgana humihingi na ako ng permisyo sa Mom mo. Morgana can you be my girlfriend?" Totoo ba to? Si Merlin na tinatanaw ko lang sa rooftop may gusto sa akin?

"Merlin kung panaginip to sana wag na akong gisingin, pero sasagutin kita pag nanligaw ka na" sabi ko.

"Anak di na mangyayari yun" napalingon ako si Dad at si Mom. "Kasi you been arrange to marry someone and it will happen in your 18th birthday" nalaglag ang panga ko sa narinig ko. At nakita ko sa mata ni Merlin yung lungkot.

"Pero Dad mahal ko po si Merlin" naiiyak ko nang sabi

"Wala na tayong magagawa. Bata palang kayo nakaka-arrange na ang marriage" wala na talagang pag-asa na maging kami ni Merlin pati tadhana pinaglalayo kami. Tapos ikakasal pa ako sa taong di ko pa nakikita.

Tumakbo na lang ako pataas ng room ko. Ang gusto ko lang gawin ay magkulong bat ang sama ng tadhana. Kung kelan ko pa nalaman na parehas kami ng feelings ay bigla naman may abiryang nangyari. Tapos ang marriage namin 2 weeks na lang. Di ko na talaga kaya. Siguro yung pinaplan ni Mom na wedding para talaga sa akin. Pati yung wedding gown. Aish siguro kelangan ko nang igive up si Merlin. Para siya sa taong higit sa akin. Siguro nga hanggang pangarap lang siya na kahit kelan mahirap tuparin.

Nagkulong lang ako at di na rin ako kumain ng hapunan. Sobrang sakit kasi nang nararamdaman ko. Naiinis ako kay Mom, kay Dad, kay Merlin, at lalong lalo na sa sarili ko. Kung di ko lang hinayaang mahulog ako ng sobra sobra kay Merlin di sana ako masasaktan ako.

Iyak lang ako ng iyak. Ilang beses na rin silang katok ng katok sa pintuan ng kwarto ko pero di ko sinasagot o kaya sumisigaw ako ng "Gusto kong mapag-isa" hanggang sa makatulog ako I'm still crying.

"Anak gising na, may pasok ka pa" minulat ko ang mata. Nakita ko si Mom. May gana pa kaya akong pumasok tapos makikita ko lang si Merlin gusto ba nila akong patayin?

"Wala po akong ganang pumasok. Masama ang pakiramdam ko" lalo na ang puso ko. Sobrang sakit.

"Kung yan ang gusto mo. Sige magpahinga ka na at padadalhan na lang kita ng almusal dito" di na ako sumagot at naramdaman ko na lang ang yabag ng paa ni Mom.

Mga tatlong araw din akong ganun. Tatlong araw na tulala. Tatlong araw na nasa kwarto lang. Tatlong araw na di pumapasok at tatlong araw na umiiyak. Napag-isip ko na walang magagawa ang pagmokmok ko. Papasok na ako bukas siguro sa mga araw na single pa ako at di pa kinakasal pwede pa naman kami magsama ni Merlin.

*kinabukasan*

Maaga akong nagising mas maaga pa ata sa katulong namin. Siguro ayaw kong makita muna si Dad. Nagluto ako ng breakfast namin at lunch na rin para sa bessy ko at kay Merlin. Siguro kala niyo readers porket mayaman kami di na ako marunong magluto nuh. Past time ko ang pagluluto eh.

Bago pa mag-seven umalis na ako. At medyo nagising na rin ang mga katulong namin kaya binilin ko na pakisabi umalis na ako. Di naman malayo ang school namin kaya naglakad nalang ako.

*BEEP*

"Ay pusang kabayo!!!" grabe biglang susulpot yang kotse na yan.

Lumingon ako at si Guine yung nakita ko.

"Bessy bakit ka naglalakad, lika na at sakay ka na dito" sabi niya at binuksan niya yung pinto ng kotse niya.

Pumasok ako. "Best long story"

"Hmmm care to share" syempre bessy ko siya kaya kwenento ko sa kanya lahat.

At syempre umiyak na naman ako. Nakakainis kasi naalala ko na naman.

"Ssssshhhh tama na. Everything will be alright" buti na lang may bessy akong andyan. "Punasan mo na yang luha mo at nandito na tayo sa school" ginawa ko naman yung sinabi niya. Dapat di ako maging mahina.

"Bessy kaya ko 'to" Ako with AJA sign. Ngumiti lang siya sa akin. Niyakap ko siya. "Thanks lagi kang andyan sa akin, ikaw ang one true friend ko" Ako.

"Lagi naman akong nandito para sayo. Lika na nga at baka malate pa tayo" bumaba na kami sa kotse niya. Dumiretso na kami sa room wala na ring time para tumambay sa rooftop eh.

Pagkapasok namin automatic na ang una kong hinanap si Merlin. Kaso wala siya. Nalungkot naman ako bigla, inaasahan ko talaga andito siya.

Buong subject akong di nakinig, nawalan din kasi ako nang gana.

Hanggang sa lunch break di parin pumasok si Merlin.

"Bessy lunch na, lika kain na tayo" I had to put myself together. So I smiled.

"Lunch na tayo may ginawa ako dito" Tapos nilabas ko yung ginawa kong lunch.

"Dun tayo sa rooftop kumain" parang hyper niya ngayon aa. Anong mayroon kaya? "Pero wait lang isuot mo 'tong blindfold na 'to kasi may surprise ako sayo at sigurado akong matutuwa ka" bago pa ako makaangal nilagyan na niya yung mata ko. Bahala na si batman kung ano ang balak ng bessy ko.

Pangarap lang kitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon