Chapter 10

16 1 0
                                    

Athlea's POV

"Bukod din po sa may bago po kaming miyembro ng grupo ay papalitan na rin po namin ang pangalan ng banda namin. " sabi ni Claude pag-sabay ng pagkagulat ng mga manunuod.

Nandito parin kami sa stage. Pagkatapos kong kumanta ay umakyat na ang apat at nagsalita na. Nasa gitna nila akong apat, katabi ko sa kanan si Claude at Lance and then sa kaliwa si Kurt at Prince while si Ate Camille naman nasa baba lang ng stage. Pinapanuod kami.

"Sorry Guys, pero kailangan namin palitan yung pangalan ng banda namin dahil sa dumagdag na nga ng isang miyembro ang banda kaya naisipan namin na dapat itong palitan. " Kurt

"Hindi naman pwedeng the Four padin ang pangalan ng banda namin pero lima na kami diba? Kaya naisipan naman na palitan nalang ng The Five, oh diba! " sabi ni Lance.

Napahawak na lang sa mga noo yung tatlo pati na rin si Ate Camille sa baba. Napailing nalang ako. Grabe ka Lance.

"We Love You Lance!! " sigaw ng mga fans niya.

Buti may supporters to eh. May madadamayan.

Hindi ko talaga kaya yung mga tingin ng mga babaeng nakatingin saakin dito. Okay na, okay na, gets ko ng maganda ako- joke lang. Sino ba naman di magrereact ng ganun, ano? Like hello, Athlea Lim #kasamasaTheFour , eh kahit ako nga di rin makapaniwala eh. I am not a big fan of The Four before so di pumasok sa isip ko na makakasama ako dito kahit man lang sa dreams ko, imaginations at kahit pag natutulog ako, di ko ito iniisip. And then biglang... Kasama na nga ako.

"Impact na po ang band name namin. So mamaya po papalitan na po namin ang page name namin sa mga website. " Claude.

"Yun na lang po ang sasabihin namin at magpeperform naman po kami, The Man Who Cant Be Moved. "

Pumunta na kami sa mga pwesto namin at nagsimula ng kumanta.

"Good job guys! " Sabi sa amin ni Ate Camille ng makapasok na kami sa practice room namin sa school.

"Thank you Ate! " sabi ko.

Nagmadali si Kurt umupo agad at binuksan yung laptop niya.

"Ano meron Pareng Kurt? " pacool na tanong ni Lance kay Kurt.

"Huwag kang malikot. Tinitignan ko lang feedbacks ng mga tao about sa name change ng grupo at ang new member. " agad agad naman lumipat sina Claude, Lance at pati na rin si Ate Camille papunta sa tabi niya. Well, siyempre. Hindi ko titignan yung feedbacks. Nakakakaba kaya. Kung si Prince naman ang tinatanong niyo? Wala naman yang pake.

"Maganda naman yung boses nung bagong miyembro. "
"Hindi naman bagay sa banda yung babae. " "Maganda naman yung Impact name. Mas may impact nga. "
"I think I'm becoming a fan of Impact because of the girl kanina. "
"Crush ko yung babae. "

Basa nilang lahat ng mga feedbacks sa website ng banda. Okay... Hindi nga ko nagbabasa pero naririnig ko parin naman.

Nagulat ako bigla ng pumalakpak si Ate Camille ng kamay kaya napatingin ako sakaniya pati na rin sila.

"Alam niyo guys, may sense talaga yung pagdagdag natin ng babaeng miyembro. Tignan niyo, may mga lalake na tayong nagcocomment dyan ng maganda. " pagkomento ni Ate Camille.

Tumango-tango naman sila-except Prince.
"Oo nga, ano? " sang-ayon ni Lance.

"Ay, oo nga pala, Claude! May gig tayo mamaya. Mga 5. "

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon