Athlea's POV
Monday
Pagkalabas na pagkalabas ko ay nagulat ako nang makita si Claude na nasa harap mismo ng gate namin at nakasandal pa sa may poste.
"Claude? " Anong ginagawa nito dito?
"Hi Athlea! " napatayo naman siya ng maayos.
Naalala ko bigla yung sakanila ni Kaira.
"Musta lakad niyo ni Kaira kahapon? " tanong ko na may halong pang-aasar tapos unti unti siyang namula.
"Uhmm... Ayun. Okay naman. " sabi niya pero namumula parin.
Napa-iling nalang ako habang naka-ngiti. For sure naman ikwe-kwento saakin mamaya ni Kaira eh.
"Bakit ka nga pala nandito?" I asked. Bakit nga ba?
"Sasabihin ko lang na may practice tayo pagkatapos ng klase mamaya. " sabi niya ng nakangiti.
"Oh wait... Kailan nga uli yung battle of the bands? " tanong ko. Kasi kinakabahan talaga ako doon eh.
"Don't worry, nilipat yung araw bali after 2 weeks pa mag-mula ngayon. " sabi niya.
Napangiti ako. More time to practice. Hoo.
"Buti na lang. " hinga ko ng malalim at saka nag-simula ng sumakay sa bike ko.
"Oh wait. " pagpigil niya saakin.
"O? Bakit? " tanong ko.
"Sasakay ka ng bike at iiwan mo ko? "
Napakunot yung noo ko saka tumango. "May problema ka doon? "
Tumango siya. "Hindi mo ko pwedeng iwan dito. "
"At bakit naman? " taas noo kong tanong.
"Dahil wala akong masakyan at wala akong kasamang mag-lakad. "
"No, Claude. I'm not going to walk again with you. " I said at saka ko siya inirapan. Sumakay na ko sa bike ko. I'm not going again with him. Aba, malay natin gawin pa niya yung ginawa niya last time saakin. Trust me, maglakad sa ilalim ng araw with only wearing one shoe is not a good thing. No. Just no. Not again.
"I say no, Athlea. You are going to walk with me no matter what. " pang-aasar niya saka hinawakan yung bike ko.
"No. " tinanggal ko yung kamay niya sa bike ko.
"O sige, bahala ka. Sasakay ako sa likod mo. "
Pinatigil ko siya agad. Oh my gash. Ang bigat kaya niya, mamaya pa, masira tong bike na to eh. Mayaman naman tong lalakeng to. Bakit hindi nalang gamitin yung kotse nila."Sira! Ang bigat mo kaya. Huwag ka nga. " tinulaktulak ko siya pero determinado parin siyang sumakay.
Natigil kami ng may bumisina na kotse na nasa kalasada. Napatingin kaming dalawa ni Claude doon.
Binaba nung lalaki yung bintana. Alam kong lalaki yung nasa loob because the windows are not tinted. But then, hindi ko pa maaninag yung itsura nung lalaki.
"Oh. Ikaw nga yan! " napalaki yung mata ko. "Hi Athlea! " pagkatapos kumaway siya saakin.
Awkward akong kumaway kay Greg. Yes. GREG. Manliligaw ni Kaira or in other words, karibal ng lalaking kasama ko ngayon na gustong sumakay sa bike ko.
"Uhmm. Papasok ka na ba sa school niyo? Pwede kang sumakay sa kotse ko. Tutal doon din naman ako pupunta. " alok niya.
Why is he going to our school? Baka dahil kay Kaira.
BINABASA MO ANG
Ikaw at Ako
HumorPag ba may nagpatulong sayo na isang tao para mapalapit sa mahal niya, Tutulungan mo? Oo, Siyempre. Lalo na kung alam mong magagawa mo talaga siyang tulungan. Lalo na kung wala kang nararamdaman sakaniya. As in yung 0 percent lang talaga. Ganun ang...