Chapter 2 (Katherine Villafuerte)

362 1 0
                                    

Kath’s POV

Lord san po baa ko dadalhin nito…Lord natatakot na po ako…wala akong alam.

“Hoy, ba’t tulala ka dyan?” sabi nya…Nakasakay na kasi kami ngayon sa Range Rover nya.di ko alam kung saan nya ako dadalhin

”Gusto ko lang malaman ang pangalan mo” sabi ko…

medyo kasi akong natatakot na baka kung ano mangyari sa akin ngayon. Sana di nalang ako pumayag sa suggestion ni Mama,total College Graduate naman ako..

kaya ko naman to ginawa para kay Tatay…

Daniel’s POV

…”Gusto ko lang malaman ang pangalan mo”..sabi nya tapos awkward silence..Himala??di nya alam ang pangalan ko..Ang weird,halos lahat ng mga tao dito sa Pilipinas kilala ako.Ako lang naman kaya ang nag-iisang Daniel Montenegro.

“Wait?what? di mo ko kilala?” sabi ko…

“Hindi eh,bakit?artista ka ba?... tinarayan nya ako.

“By the way,ako si Daniel MONTENEGRO” sabi ko with emphasis sa salitang Montenegro..Yaman ko kaya.

“Montenegro?” nanlaki ang mata nya…hmm…*smirk*

“Oo,bakit?di mo alam?

“wala lang,basta…” tapos bigla syang umiyak.

“Hoy ano ba yan malapit na tayo sa Condo ko eh,tapos iiyak-iyak ka dyan,baka ano Sabihin nila” –daniel

“Pasensya ka na ha”*hik**hik**sniff**sniff* bumaba na ako sa Sasakyan ..”Hoy baba ka na!” sigaw ko..

Bumaba sya.walang kibo ..awkward at weird..nasa likod ko lang sya naksunod,pati sa elevator…Hindi sya kagaya ng iba,parang medyo weird sya,nagtataka nga ako eh..Sino nga ba sya?

*SA CONDO*

“Anong nangyayari sayo?di kita binayaran para magmukmok” sabi ko…

“Alam ko naman eh,nagsisi ako” tipid na sagot nya.

“Sino ka ba talaga hah?parang sayang yung 15 thousand ko sayo ahh!” sabi ko habang hinahawakan ang magkabilang braso nya.Bigla syang umiyak.

“Gusto mong malaman kung sino ako???Ako si Katherine Villafuerte,nagpapakatanga…Hindi ko nga alam kung matalino talaga ako at bakit ako pumayag sa sinabi ng nanay-nanayan ko…Gusto ko lang naman yumaman eh,maging Fashion designer pero pinapasok ako ni Nanay dun sa Impyernong Pinanggalingan nya!!!” sumigaw sya..anong ibig nya Sabihin?nako-curious ako…Parang may pinagdadaanan sya…

“Kung ano man ang pinagdadaanan mo,pakikinggan kita,pwede mo naman isigaw lahat ng yan eh” ahhh sht Daniel ba’t mo sinabi yan.

Kath’s POV

“Kung ano man ang pinagdadaanan mo,pakikinggan kita,pwede mo naman isigaw lahat ng yan eh” sabi nya….Totoo ba to..ang pilyong lalaking kani-kanina lang ay Galit sa akin biglang bumait…

“Kasi------“

[FLASHBACK]

Kath’s Narration

“Hoy! Katherine,total graduate ka na at kakamatay lang ng tatay mo,napag-isipan ko na magtrabaho ka na..ipinag-apply kita dun sa dati kong pinagta-trabaho-an!” sigaw ni Tita Mae,hindi ko sya ka-ano-anu..pangalawang asawa lang kasi sya ni Tatay pero di nya ako tinuturing na Anak..para akong yaya..Lalo na ngayon na kakamatay lang ni tatay,

“Ayoko po..mas mabuti kung sa opisina ako magtatrabaho,marangal na trabaho yun” sabi ko.

“Anong ayoko?!Gaga ka ba…may anak pa ko na bubuhayin!!tapos hindi ka magtatrabaho???ano ka,BALIW?” sigaw nya..eto na naman,pag nagagalit sya sinasaktan nya ako,pinanapalo ng kahoy,papahirapan at ikukulong sa isang bodega na malapit lang sa bahay namin…at kung ano-anu pang kalapastangan..

“Tama na po!!!” sigaw ko..masakit pa kasi yung palo nya sa may binti ko..may pasa pa nga eh..umiiyak na akoo…Hindi ko na kaya..

“Oo---oo na po..magtatrabaho na ako dun” tumigil na sya sa pagsasabunot ng buhok ko…at lumabas ng bahay dala-dala ang sigarilyo nya at alak…

Umiyak na ako,wala na akong magawa,gusto kong magtrabaho sa Opisina,maging mayaman pero*hik* pero dun din naman ang destinasyon ko..Sa Heaven’s Gate,lungga ng mga manyak,ng mga taong walang patawad sa sarili.Lugar kung saan nagiging kaawa-awa ang mga babae..

“Hoy!aba,bakit ka umiiyak??gaga ka ba?” eto na naman si Faith,anak ni Tita Mae,Sya lang naman ang nag-iisang stepsister ko,ang dahilan kung bakit ako kaawa-awa ngayon.

Ayaw na ayaw ni Tita Mae na mahirapan si Faith,Sosyalera kasi sya eh..kaya ayan ako ang pinahihirapan ni Tita Mae.Simula nung naging asawa sya ni Tatay,tina-trato nya ako na parang katulong.Pero hindi alam ni Tatay yun,Kung kaharap namin si Tatay,Mama Mae ang itatawag ko at magiging mabait sya..magpapa-as-if..pero kung wala si tatay…basahan ako..

Bigla akong sinabunutan ni Faith.”MAAAAHHHHH!!inaway ako ni  Katherine!!!” tumili si Faith ng malakas…

Spoiled brat kasi eh…at yun di ko namalayan na Pinalo ako ni Tita Mae ng kahoy sa ulo.Nahimatay ako..paggising ko,nasa Maynila na ako,at yun sinabi ni Mam Flora,ang may-ari ng Bar.Sabi nya na ibinenta na daw ako ni Tita Mae sa kanya sa halagang 15 thousand…T^T

[End of Flashback]

Di ko na mapigilan na umiyak,sa sakit at sa bigat ng problema ko…Wala na akong kayang gawin kundi ang umiyak…

“Di mo naman pasan ang lahat ng problema sa mundo eh” sabi nya.

Daniel’s POV

“Di mo naman pasan ang lahat ng problema sa mundo eh” sabi ko sa kanya.totoo naman eh..mas malaki ang problema ko.

Tumingin sya sa akin.Niyakap ko sya.It’s the first time I felt comfortable with someone else.Sila Khalil at Neil lang naman ang mga Bff ko tapos sa kanila lang ako komportable,iba sya eh.

“Wag ka nang bumalik dun” sabi ko,naaawa na ako sa kanya eh,gusto ko syang tulungan.Naalala ko pa yung sinabi ni Mama sa akin bago sya namatay,sabi nya Para maging proud si Papa sa akin kailangan kong makatulong.

Tumingin uli sya sa akin at yun pinunasan ko ang luha nya,

“anong ibig mo Sabihin?” tanong nya. “Well, gagawin kitang assistant ko sa Montenegro Corporation,in one condition…”

“Ano yun?” tanong nya… “Ako lang ang nagmamay-ari sayo”

Kath’s POV

“Ako lang ang nagmamay-ari sayo”

*DUGDUGDUGDUGDUGDUGDUGDUGDUG*

SHT sure b asya??pero kelangan ko tumakas sa Bar. “Oo,basta,wag mo akong sasaktan…----bas---basta---ma—i—la—yo mo –a—ko sa kani—la” I felt something wrong with me,I can’t breath..

Then Everything went black…

------------------------------------------------------

[a/n: hi po 2nd chapter napooooo]

Next Chapter : Chapter 3 (Assistant????)

 Short story lang po to..approximately 15 chapters and plotted..=) thanks po sa mga silent readers..

Jump Then FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon