Chapter 1 : Regrets

11 0 0
                                    


I quickened my pace as the clouds began to
gather in the sky. The beautiful blue shade was beginning to darken into grey. Large pillows of cloud were forming, blotting out the old-gold color of the sun.

I stared outside the window from our school building, enjoying the tears that started to fall from the clouds when I notice a familiar figure.

Pinagmasdan ko siya habang nakikipaglandian sa isang babae.

"..I think i'm starting to fall in love with you.."

A new girl, actually. Different from the girl he's with before. No wonder, kilala na siya dito sa University bilang isang playboy.

"Rouie..I...I..."

They started kissing each other kahit na madaming nakakakita sa kanila.

"..I didn't know na ganito ka lang pala kadali paikutin. Hahaha! I thought mahihirapan ako sayo." 

Shit! Bat ba naisip ko bigla yun? Erase erase erase. That was from the past. Bwisit! Nakita ko pa kasi eh!

Binalik ko ang mata ko kung saan ko sya nakita, pero wala na sila doon. Buti naman!

Isa-isa ng naglabasan ang mga classmates ko. Kaya nagpasya na din ako umuwi.

Naglakad na ako palabas ng University. Di pa ako nakakalayo pero nagsimula nang lumakas ang ulan. Good thing may dala akong payong.

Commercial muna. Di pa pala ako nakakapag introduce. Ako nga pala si Rouie Joie Felarca. Walang friends. Loner. Bitter. Snob-queen ang bansag nila sa kin. Ewan ko kung bakit, approachable kaya ako!...nah..Hindi masaya ang buhay ko. Walang exciting na nangyayari sa kin araw araw. Nbsb din ako. Di na ako umaasa magka boyfriend. Friends nga di ako magkaroon, boyfriend pa kaya?

"Babe, that was really fun! Next time ulit ha."
Narinig kong sabi ng babae. Di naman sa may pagkatsismosa ako. Kasi naman nasa may tapat ako ng motel tapos may magsasalita ng ganun. Siyempre mapapatingin ka talaga sa kanila.

"Sure." Tipid at walang kabuhay buhay na sagot ng lalaki. Napatingin ako sa lalaki na nagsalita and boom! Enemy spotted. Small world. Sya na naman ang nakita ko.

Ang lalaking pinakakinamumuhian,isunumpa at isusulat ko sa Death Note, si Travis Benitez. Badtrip ako sa kanya. Yung tipong kahit wala pa syang ginagawa, naiinis na ko, and dahil na rin siguro sa mga nangyari at ginawa nya sa akin dati. Oo, may nakaraan kami, nakaraang binaon ko na sa limot.

Natingin din sya sa akin kaya naman nilagpasan ko na sila at nagmadali maglakad.

"Teka, Rouie!" Dinig kong tawag nya sa akin. "Babe, where are you going? Ihahatid mo pa ako sa amin!"

"I'll call you later, but sorry I really have to go." He said.

"Rouie, wait!"

Tama ba rinig ko, tinawag nya ko? Pero kung sa tingin nya, lilingunin ko sya, A-S-A! Sino na nga ulit ako? Right. Ako nga pala ang SNOB Queen.

Hindi pa rin sya tumigil sa pagtawag sa kin. "Rouie! Teka lang.." Aba't talaga namang.. Sinusundan nya pala ako.

Nagpatuloy pa din ako sa paglalakad nang maramdaman kong may kumabig ng braso ko.

"Uy, hindi mo ba ako naririnig? Kanina pa kita tinatawag."

I faced him and  give him my pokerface look.

"Don't you remember me? Travis, Travis Benitez? Wilmore high?"

Ofcourse I know you! How can I forget someone like you? You're the first person who broke my heart.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Back in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon