"Si Janine? 'yung muse ng kabilang section?" paniniguradong tanong ko kay Jeff, my bestfriend simula pa noong 1st year highschool hanggang ngayon na 4th year highschool.
"Hinaan mo naman 'yung boses mo Kring.." saway niya saka sumulyap-sulyap sa paligid para masiguradong walang may makarinig. My name is Krisha but he likes calling me "Kring".
"Ahhh.. Siya pala. Ahmm, bagay kayo.. Yiii, ikaw ha.. in-love na naman si Jepz." biro ko sa kanya para maitago ang humahaplos na kirot sa'king puso.
His name is Jeff, but if he likes calling me "Kring" then I also like calling him "Jepz". Mga callnames na kaming dalawa lang ang tumatawag sa isa't-isa.
"Wag ka ngang madaldal. Geh alis na 'ko.." paalam niya sabay na nakangising kinurot ang pisngi ko.
"Heh! Aray! Layas ka na nga.. Kitakits na lang mamaya mga 5:00 pm." nakangiting taboy ko sa kanya. Fake smile.
Nawala ang masiglang ngiti kong iyon ng tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad papuntang library. Sana ako na lang siya...
The best feeling in this world is to fall in love but it can also be the worst feeling ever. Especially 'pag nahulog ka sa taong malabong mahalin ka din sa paraan na gusto mo. 'Yung taong mahal na mahal mo ng patago pero pagmamahal lang ng isang kaibigan ang maibibigay sa'yo. 'Yung taong hindi aware na siya ang dahilan ng mga heartaches mo.
Noon tungkol lang sa mga crush niya ang ikinikwento niya sa'kin.. But this day was different, he told me na may nililigawan na siyang babae na nasa kabilang section. And it breaks my heart to hear na may ibang babae siyang mahal.
Bakit hindi na lang ako? Bakit hindi 'mo ako makita ng higit pa sa kaibigan? Parang tanga lang noh? Mga tanong na gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko magawa. Selfish na kung selfish pero patago akong nagseselos tuwing ikinikwento niya sa'kin ang mga babaeng gusto niya. But what can I do? Eh M.U. (Mag-isang umiibig) ang peg ko eh? EDI WOW.
Umupo muna ako sa bench at nag-compose ng GM sa phone ko.
-------
"Kapag ang lalake may crush, pwedeng ligawan..
Pag babae, hanggang tingin lang." -Sadnu?
Good PM. Tc.
#Krisha.
--------
Pagkatapos kong ma-i-send ang GM ko sa mga friends ko including Jeff ay tumayo na 'ko at pumunta na lang sa canteen. Ikakain ko na lang itong nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
FRIENDZONE (ALDUB - MAIDEN)
Fanfiction"The best feeling in this world is to fall in love but it can also be the worst feeling ever. Especially 'pag nahulog ka sa taong malabong mahalin ka din sa paraan na gusto mo. 'Yung taong mahal na mahal mo ng patago pero pagmamahal lang ng isang ka...