Wide and neatly trimmed grassy field. Mga naglalarong football players, tumatambay na magbabarkada habang busy sa pagchichikahan, lovers na nagdi-date and... there he is. Nakaupo sa may parte ng field na palagi naming tinatambayan.
Ano kaya problema nito?
Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya. Nakatalikod siya kaya hindi niya ako makikita. Nang malapit na ako ay tinakpan ko ng palad ko ang mga mata niya.
"Ugh, who you?" nabiglang tanong niya.
"Nges hu.."
"Nges hu.. Nges hu ka pa diyan.. It's you, Krish.."
Umupo ako sa tabi niya, medyo yamot. Ngumiti siya. Isang matamlay na ngiti.
"Ang daya!! Pano mo na-gets na ako 'yun?"
"Ikaw lang naman kasi ang kilala kong ngongo dito sa campus."
I frowned. "Hoy! Di ako ngongo ha! O tingnan mo pa o.." Inilapit ko ang nguso ko sa direksyon niya.
"Weh? Siyempre pano ko pa makikita eh nakapagpa-opera ka na.."
"Huy, di ah.. tsaka kita pa din 'yun kahit magpa-opera noh.."
"Bakit? Obvious ba na ngongo si K. Aquino? Hindi 'di ba? "
"Hoy ang sama mo! Halerr? Sa beauty kong toh? Saang banda ang ngongo ha? Saan?" Inilapit ko 'yung nguso ko sa direksyon niya.
Napapikit ako dahil masyadong masakit ang biglang pagtama ng sikat ng araw sa mga mata ko.
"O 'di ba? O kita mo? Saang banda? Ano? Sagot?? Hoy!!" iminulat ko ang mga mata ko dahil hindi siya sumasagot.
Pagmulat ko ay napalunok ako ng makita kong nakatulala siyang nakatinigin sa mga labi ko. Pasimple kong tinakpan ang labi ko at tumingin sa ibang direksiyon. Shemay, kinikilig na na o-awkwardan akeyy.
"O-o di ba? Saang banda? Ha-ha.. Tsk, ahhm...by the way 'di ba sabi mo masama pakiramdam mo? Hmm.. Parang hindi naman yata."
Pagtingin ko sa kanya ay napayuko lang siya at pinaglaruan ang mga damo sa damuhan.
"Si Janine..."
"O? Kumusta 'yung panliligaw mo sa kanya? Kayo na noh? Congrats... Haha."
Fake laugh. Of course, it hurts every time I hear him talk about or say the names of the girls he likes. Tao ako noh hindi ako alien.. Nag-eemote din ako dahil may feelings ako. But wala naman akong magawa kung hindi ang makinig at suportahan siya.. dahil nga isa lang akong dakilang M.U. na bestfriend niya. Dakilang Mag-isang umiibig sa kanya at bestfriend niya. No one knows na may gusto ako sa kanya except sa'kin, sa'kin, sa'kin. Maloloka ako kapag may ibang nakaalam.
"May boyfriend na siya..." malungkot na sagot niya.
Nanlalaki ang mga matang bigla akong napatingin sa kanya.
"Ha?! Paano? Eh 'di ba nanligaw ka tapos.. tapos..."
"Wala eh.. She fell in love with her bestfriend."
She fell in love with her bestfriend... fell in love with her bestfriend... in love with her bestfriend... Woah. Woah.. What he said hits me... Parang biglang humina ang loading ng utak ko at biglang lumipad ang isip ko.
"Oh..." natameme mode lang ako. Langya. Hahaha.. She fell in love with her bestfriend? Nananadya ang tadhana? Pinaparinggan ako? Pinapatamaan ako?
"Akala ko siya na 'yung babaeng seseryosohin ko this time. But, nah!!.. Cupid still wants me to be single." He playfully smiled.
"Oh..." Oh, his killer dimples and his smile...
"I think magfo-focus na lang muna ako sa pag-aaral.. Walang-kwenta magka lovelife ngayon, magkakaroon ka lang ng sakit sa puso."
"Oh..." Oh, his serious handsome face and his voice..
Parang slow-mo na napatingin siya sa'kin.
"Oh?? Ms. NBSB? Okay ka lang?"
His hypnotic eyes... Ano ba naman 'yan!! Hay...
Para akong nasa panaginip habang tinititigan ko ang mukha niya na unti-unting lumalapit sa mukha ko.
When our faces are just a few inches apart ay tinitigan niya ako sa mga mata. I was speechless. Biglang napakunot ang noo niya.
"Oy!!"
"Oy kalabaw mo baka ka!! Ehhh!! Ano ba?! Nanggugulat ka eh!" Pinalo ko ang balikat niya kaya napaatras ako.
"Haha, nalunod ako 'dun ah.. Laliiim.. Ang lalim Krisha."
"Hmp. Di noh. Ngayon ko lang kasi nakita...."
"Nakitang ano??" curious na napatingin siya sa'kin.
"Na ang panget mo pala... Hahaha.."
"Pa-check mo nga 'yang mga mata mo. Kaya ka NGSB dahil ang labo ng mga mata mo eh."
"Makatawag ka naman sa'kin na Ms. NBSB akala mo naman hindi ikaw si Mr. NGSB!!"
"Atleast, may mga crush ako. Di katulad mo, ni minsan wala kang naikwento sa'kin na crush mo."
Ano naman iki-kwento ko sa'yo? Na ikaw lang 'yung nag-iisa kong crush? 'Wag na oy!! Nakakahiya!
"Eh sa wala akong natitipuhan dito sa campus eh. Pabayaan mo nga ang love life ko Jepz.." I smirked.
"Ang taas naman ng standards mo! Wala kang natitipuhan na mga gwapo dito? Ako? Hindi mo ko type?" bigla akong napatingin sa kanya. Is he serious?
Pero mabuti na lang at hindi dahil nagbibirong nakangisi lang ito.
"Hahaha!! Ikaw? Type ko?? 'Wag na oy! Hahaha. Di tayo talo, bestfriends kaya tayo!!" I smirked and rolled my eyes para maging realistic ang sagot ko.
Narinig ko siyang malungkot na bumuntunghininga. "Tara, uwi na tayo. Antok na'ko, sarap matulog.." malayo ang tingin at may lungkot sa tinig na sagot niya.
Hayyy.. Kawawa naman si Bestfriend. Brokenhearted.
BINABASA MO ANG
FRIENDZONE (ALDUB - MAIDEN)
Fanfiction"The best feeling in this world is to fall in love but it can also be the worst feeling ever. Especially 'pag nahulog ka sa taong malabong mahalin ka din sa paraan na gusto mo. 'Yung taong mahal na mahal mo ng patago pero pagmamahal lang ng isang ka...