I. Virgin Or not?

250 5 0
                                    

----

"Di ka na naman papasok kuya Ver?"

"Tinatamad ako"

"Hay nako, pasok ka na kuya. Tara na!"

"Ayoko nga"

"Sige na kuya! Ayokong mag commute papuntang school, kasi cute na ako"

"Shut up. Problema mo na yan"

"Sige na kuya"

"Ayoko"

"Kahit ihatid mo lang ako"

"Ayoko nga"

"Sige na kasi. Ang tamad mo naman"

"Wala kang pakialam"

"Sige na kasi!!!!!!!!"

"Ayoko ngaaa!! Ang kulit mo"

"Hmmm. Pag di mo ko hinatid ipagkakalat kong di ka na virgin! Na wala na ang kamusmosan mo!"

"Aba g*go ka talagang bata!"

"Minura ba kita kuya? Hindi na ko bata!"

"UMALIS KA SA KWARTO KO! Wag ka magpapakita sakin!"

Ang g*gong yun? Ang aga aga nambubwisit na. Inistorbo pa pagtulog ko para lang mam blockmail sa nakakatanda nyang kapatid. Tamad kasi kumuha ng lisensya. Bahala sya sa buhay nya. Ginugulo nya ko. Haysss naman!

Nang dahil sa kanya naaalala ko na naman yung eksenang di ko eksatong maalala.

( FLASHBACK ) ~

"Lance totoo ba? Walanghiya ka, wala ka talagang matandaan? Gandang babae ang nasungkit mo sa bar kagabi! Ang sexy!" El

"Sh*t ka el. Di yan yung mahalaga. Eto talaga pre, anong ginawa niyo? San kayo nagpunta?" Rence

"Edi sa alam niyo na! Ano ba naman kayo! Common sense lang. Kinikilig na naman ako! Hahaha!" El

"Ul*l manahimik ka. Di ko talaga matandaan pre, ang pagkakatanda ko lang talaga sa condo ko kami nagpunta" Ako

"Oh tapos? Pabitin ka naman sh*t ka!!!" Clarence

"Oo nga! Init na nga ko dito pre!" El

"Ewan ko nga, ang kulit niyo naman di ko nga matandaan" Ako

"Ano ba magtatanga tangahan pa ba tayo dito? Isang lalaki at isang babae. Nasa condo ng sila lang dalawa. Sila lang ang tao. Wala ng iba? San pa ba mapupunta yun? Diba dun na? Yun na yun mga preee!! Tama ba El?" Rui

"Tama ka dyan bro. Nakuha mo din!" El

"Ano?! Kuya! Ang ibig sabihin hindi ka na Virgin?!" Ace

"Pwede ba Gabriel, lumabas ka muna at bumili ka ng maiinom. Wag ka makinig sa usapan namin" Ako

Pinalabas ko kapatid. Masyado pa syang bata para sa ganyan. Hindi literal na bata. Batang isip lang sya.

"Ewan ko , hindi ko talaga matandaan, sobrang lasing talaga ko kagabi. Wag niyo muna kasing pangunahan. Upakan ko kaya kayo? Basta ako hanggat hindi ko matandaan hindi yon. Hindi totoo sinasabi niyo o hinala niyo" Ako

"Nice, convincing yourself huh?" France

Di naman ganon. Ako lang talaga yung tipong hanggat di ko nakikita o napapatunayan di ako naniniwala.

A Gangster MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon