^I dedicate this oneshot to her. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko magagawa ang story na 'to. Kaya maraming salamat kaibigan! XD***
ONESHOT # 3
Valentine Picture – Marie & July
***
“Oo, Marie! Totoo na ‘to ah! Wala ng atrasan! Jojombagan talaga kita kapag nagtatakbo ka mamaya!” super duper nakakatakot na warning sa akin ni Jessa habang nakaamba yung kamay niya sa akin.
Napaiwas naman ako.
Totoo naman kasi na jojombagan ako nito pag umalis nalang ako bigla mamaya.
“Oho! Hindi na ko aatras! Diyos ko nakakahiya ka Jessa! Sinabi mo talaga sa kanya na gusto kong magpapicture? Naku po” sobrang nagsisisi talaga ako sa naging deal namin ni Jessa. Ba! Malay ko bang tototohanin niya!
“Oo nu! Ayan na nga pruweba na nakausap ko siya eh.” tinuro niya yung A4 size na pic na hawak ko.
Picture yun ni July. Ang super duper crush ko sa school namin. May nakalagay pa sa pic na “Happy New Year, Marie of BSE Mathematics.” WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!! Can’t believe na may fansign ako galing sa crush ko!!! Jusko!!! Lahat na ata ng kitikiti sa katawan ko nagsisigalawan kada titingnan ko yung pic!
Eh panu ba naman kasi ‘tong si Jessa. Nakipag deal kasi ako sa kanya na burado na lahat ng utang niya sa akin at hindi na niya ako kailangan pang regaluhan sa pasko at birthday ko kapag nakahingi siya ng pic ni July with matching message para sa akin sa likod ng pic. Kaparehas kasi niya ng course yun although higher level siya sa amin. Second year kami, siya third year na. Gustong gusto ko talaga ng pic from him eh kaya ayun nasabi ko.
Kaya ayun! Tinotoo niya! At hindi lang simpleng picture ni July na may message sa likod ah. Ang ginawa ni Jessa is yung si July, may hawak na bond paper tas may nakalagay na “Happy New Year Marie of BSE Mathematics!” tas saka siya pinicturan! Edi parang fansign! WAAAAAAAAAAH!!! Nakakaloka talaga!
“Panu mo ba ‘to nagawa?” curious na tanong ko sa kanya. Hindi naman kasi makapal ang muka nitong kaibigan ko para makakuha ng picture ni July. For sure may ginamit ‘to. Haha.
“Naku! Kay Vanessa ako nagpatulong! Grabe nga yun eh. Feeling close agad kay Kuya July!”
“Oh? WAAAAAAAAAAH! Kinikilig talaga ko!!!”
“Ay naku! Tama na yang kilig mo! Sumosobra na. Di porket Valentine’s Day ganyan ka na. I-save mo nalang yan para mamaya. Mas todo kilig ka nun for sure.”
“Hala!” natutop ko ang bibig ko.
BINABASA MO ANG
PollyNomial's OneShot Collection
RomanceCliche love stories... This is a compilation of one-shot stories about love.