Blind Date -- Venice&Paul

2.2K 44 10
                                    

***

ONESHOT # 2

BLIND DATE – VENICE & PAUL

***

I looked at myself in the mirror. Huminga ako ng malalim at ngumiti sa repleksyon ko sa salamin.

“This is it, Venice. This is the start.” I said to myself.

Once again I checked how I look. Tiningnan ko kung maayos na ba ang suot kong damit, kung bagay ba dito yung sapatos na ipinartner ko at kung okay lang ba na nakaladlad lang ang mahaba kong buhok.

“Maganda ka na, Venice. Wag kang mag-alala. Magugustuhan ka niya.” Napatingin ako sa ate ko na kapapasok lang ng kwarto ko.

“Talaga, ate?”

 

“Oo naman. Siyempre maganda ka. Mana ka sa amin ni Mommy eh.” proud na sabi niya sa akin. Tinabihan niya ako at tumingin din sa harap ng salamin. “Ayusin mo yang date mo mamaya ha? Kilala ko si Paul. Mabait na tao yun. And I’m sure magugustuhan ka niya.”

“Sana nga ate.” Sabi ko habang nakayuko.

“Hey? Ano ba yang itsura mo? Makikipag-date ka pero para ka diyang sinukluban ng langit at lupa.” Suway niya sa akin. Hinawakan niya ang baba ko at itinaas yun. “Look at yourself, Venice,” tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. “Now, I want you to tell yourself na ‘kaya ko ‘to.’” Napatingin ako bigla kay ate. “Go! Tell it to yourself.”

 

Lumunok muna ako bago ko sinabi ko pinapasabi sa akin ni ate.

“Kaya ko ‘to.” I said to myself.

“This is just the start kaya dapat hindi agad ako sumuko. Sabihin mo yan.” utos ni Ate sa akin.

 “This is just the start kaya dapat hindi agad ako sumuko.” Ulit ko sa sinabi niya.

“Nakalimutan ko na ang mukang unggoy na lalaking nang-iwan sa akin at magsisimula ulit ako ng panibago.”

 

“Ate naman!”

 

“Sabihin mo yan!”

 

“Nakalimutan ko na ang mukang unggoy na lalaking nang-iwan sa akin at magsisimula ulit ako ng panibago.”

 

“Good. Now bumaba na tayo at ipapahatid na kita kay Manong Bert. Mamaya niyan ma-late ka pa sa date niyo ni Paul eh.”

 

Tumango nalang ako. Sa totoo lang ay nagdadalawang isip pa rin ako sa gagawin kong ‘to. Matagal na kaming break ng ex-boyfriend ko pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung handa na ba akong pumasok ulit sa panibagong relasyon. Natatakot kasi ako na baka parehas lang ni Paul ang dati kong boyfriend.

PollyNomial's OneShot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon