Dedicated to her kasi nagdedemand sya ng update. HAHAHAHAHAHA. Hirap kaya magtype lady fats! XD
********
MAYNARD'S POV
I hate Infexo. I hate Infexo forever!!
Ever since nakilala ko si Ash, ayoko na talaga sa kanila. Lagi na lang kasi sila yung bukang bibig nya. Kung gaano daw sila kabait. Kung gaano daw sila ka-cool. Kung gaano ka-talented. Kung gaano sila ka-perfect. Psh.
Buti pa sila. Kahit hindi nya sila kilala sa personal, ganun nya sila ka-mahal. Fangirl eh.
Tapos ngayon nakita ko sya, kasama nya yung isang myembro ng grupong yun. -_-
Ramdam ko naman na mahal ako ni Ash. Sobrang pinaramdam nya sa akin. Kaso ako itong si tanga. Hinayaan kong mawala sya. Hinayaan kong masaktan ko sya.
Pinagsisisihan ko lahat. Pinagsisisihan kong hindi ako nakinig sa mga payo nila sa akin. Sa mga babala nila. Pinagsisisihan kong hindi ako naniwala sa sinasabi nilang KARMA.
Ngayon, nakipaglaro na ata ang TADHANA sa akin. Nakikampi din si KARMA sa kanya. Mag pinsan sila eh.
Ansakit. Pinakita nyang wala na lang ako sa kanya nung hindi na sya bumibigay sa isang PLEASE ko. Hindi na ako importante sa kanya. Wala na akong halaga. (Madrama ba masyado? Madrama rin talaga kaming mga lalaki. Hindi lang halata.)
Siguro sila na nung Justin. Siguro masaya sya sa kanya. Siguro hindi nya sinasaktan si Ash.
Ang tanga ko kasi talaga eh.
Tapos kanina. Nakita kong nahalikan sya nung Andrei. Oo, yung si Andrei Shin. Yung supladong member ng Infexo. Yun yung pinaka ayaw nya sa kanila e. Malas naman nya at sa kinaiinisan pa nya napunta ang first kiss nya.
Naiinggit ako. Kasi hanggang pisngi lang ako. Hanggang hawak-kamay lang. Hindi ko pa kasi kayang kunin noon yung first kiss nya. Naisip ko kasi, hindi pa ako sigurado sa kanya noon.
Ngayon nagsisisi ako kung bakit.
AH BASTA.
Nandito ako sa Pimp ngayon. Isang bar. Magpapakalasing. Eto gawain ko tuwing may pinoproblema eh. Suki na ako dito mula nung nagalit si Ash sa akin.
Madalas nakaupo lang ako sa may bar counter tulad ngayon. Maraming lumalapit na girls. Pag nasa mood ako, pinapatulan ko. Pag wala sa mood, wag na lang.
Hindi naman ako ganito dati eh. Nagbago lang talaga lahat mula nung araw na iniwan ako ni Ash.
"Hey, cutie." biglang may pumulupot sa akin na linta. Psh. Wala ako sa mood kaya tinanggal ko yung mga kamay nya sa akin.
"Ay. Suplado. Hmp!" at ayun. Umalis na sya. Buti na lang.
Napaparami na ako ng inom kaya medyo nahihilo na ako.
"Another one." sabi ko dun sa barista. Binigyan nya ako ng tequila. Ininom ko naman lahat yun kaagad.
Naluluha ako. Naalala ko si Ash.
"Hey!" nagulat naman ako sa taong nasa tabi ko.
Nakangiti lang sya sa akin. Ang ganda ng ngiti nya. Feeling ko nasa langit ako pag nakikita ko ang mga ngiting yun.
"A-Ash?" nauutal pa ako. Hindi ako makapaniwala. Nandito sya ngayon sa tabi ko. Maganda yung aura nya.
"Anong ginagawa mo't nagpapakalasing ka?" tanong nya sa akin na parang nagtatampo.
![](https://img.wattpad.com/cover/4989432-288-k589012.jpg)
BINABASA MO ANG
I Never Knew (Story of a Fangirl) [ON HOLD]
Teen FictionAng simpleng buhay ni Ashley Rei Montemayor bilang isang fan girl ay masaya. Marami siyang nakikilalang bagong kaibigan maging sa ibang bansa dahil nga "common interest" nila. Nagbago ang lahat mula ng makilala niya sa totoong buhay ang mga iniidolo...