CHAPTER 9

93 2 1
                                    

CHAPTER 9

ANDREI'S POV

Ang tagal ko na dito sa Korea. Kailan kaya kami babalik sa Pilipinas? May naiwan pa ako dun e. Pero confused pa talaga ako kung ano yung naiwan ko. O kung sino? :/

Nandito kami ngayon sa Jeju para sa isang fanmeeting/fansigning event. As usual, sobrang daming tao.

Nakapila ang fans sa amin para magpapirma ng kung anong merch namin. Karamihan ang pinapapirma ay yung album namin.

Pero miss ko na talaga ang Pilipinas. Di 'to uso sa akin e. Never kong namiss ang Pilipinas. Nagtataka nga ako kung bakit ganito ako ngayon. Tss.

Sino ba talaga kasi? Bakit ba di ako makapili? Ano ba talagang nararamdaman ko?

"Ya. Andrei-ssi?" [Hey. Andrei?] may fan palang nakapila sa harap ko. Oo nga pala kailangan nila ng autograph ko. >,< kanina pa ata sya dito e.

"Ah, hehe. Mianhaeyo." [Ah, hehe. Sorry.] pinirmahan ko yung album na inabot nya sa akin tsaka ko sinauli sa kanya. Pagkaabot ko sa kanya ng album, nginitian ko sya.

Nagtaka naman sya sa ginawa ko. Di ko rin alam kung bakit ako ngumiti e.

HAHAHAHA. Pero natatawa ako sa reaksyon nya. Nakatitig lang sya sa akin.

Naka-closed fist sya ngayon at malaki ang mata. Titig na titig sa akin. 

"Ang pogi mo na nga sa picture kahit nakasimangot ka, ang pogi mo pa sa personal. Mas lalo ka na tuloy pumogi ngayong ngumiti ka. Anong nakain mo?" sabi lang nya sa akin. 

Hala? Pinay sya?

"Miss? Pinay ka? Mukha kang Korean ha?" tanong ko rin sa kanya.

"Oo, pinay ako. Pakiss nga!" sagot nya sa akin.

Papalapit na sya sa akin nang pigilan sya ng guards. Sinenyasan ko yung gurads na hayaan lang sya. Sinunod naman nila ako.

"Napeke mo ako ah." sabi ko sa kanya. Mukha talaga syang Koreana.

"At least hindi peke ang pagmamahal ko sa 'yo." sagot nya sa akin. -_________-

"Taga saan ka sa Pilipinas?" ako.

"Manila. Gusto ko na ngang lumipat ng tirahan eh." sya.

"Talaga? Saan?" ako.

"Dyan oh." sabi nya sabay turo sa kaliwang bahagi ng dibdib ko. luhh!

"Tss yuck kornyyy." sagot ko sa kanya at tumawa ng onti.

"GRABE SANA NAMAN KILIGIN KA ANO?!" parang nainis sya ah. Hahahaha. "Sige na nga, aalis na ko. Baka mahalikan pa kita sa kagwapuhan mo e." At ayun nakipagkamay sya sa akin.

Tumalikod na sya para umalis. Pinanood ko lang sya pero di pa sya nakakalayo ay tumigil sya at humarap ulit sa akin para sigawan ako. "Hindi mo man lang tatanungin pangalan ko?!"

"A--ahhh... Ano palang pa---" ako.

"AREEYA NGA PALA!! AREEYA KATHRYN C. PADILLA!!" sigaw na naman nya sa akin.

"Ah... Uhm... Than---"

"THANK YOU!" at nag walk out.

"T-teka!" sinigawan ko sya. Tumigil naman sya ulit at lumingon. "Picture tayo? Remembrance? Feeling ko kasi mahal na kita."

I Never Knew (Story of a Fangirl) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon