1- Goddess of Rain

8 0 0
                                    

“Umuulan na naman? Hay naku, mukhang tag-ulan na ata! Sa bagay, May na nga pala. Bakit nga ba nagtataka pa ko? Hahaha!” Sabi ko sa sarili ko habang nakatingala sa langit. Pauwi na sana ako pero mukhang hindi ko ata nadala yung payong ko. Paano ako uuwi nito? Sh*t. Bakit naman ngayon pa? -_-

Bumalik ako sa studio para tignan kung may tao pa dun. Balak ko sanang makisabay pauwi sa may dalang payong. Kaya lang pagdating ko dun, sarado na.  No choice ako kundi maglakad sa ulanan habang nakalagay yung plastic envelope sa ibabaw ng ulo ko.

“Kaya ayoko sa’yo e.  I curse you rain!!” inis na sabi ko habang patuloy sa paglakad. Konti na lang malapit na ko sa hagdanan papuntang LRT.

Habang nasa LRT ako, ang dami ko naiisip na bagay-bagay. In short, reminiscing. 

“Oh sh*t! Paano na yung entry ko sa workshop sa Saturday? Kainis naman yung ulan e! Urrrrgh!”

Naalala ko bigla na kelangan ko ng ipasa yung entries ko bukas para sa Photography Workshop sa Saturday.  Ang theme kasi nun ay “Busy City Ambiance” kaya balak ko sanang kumuha ng ilang shots sa daan kapag pumasok ako bukas ng umaga. Paano ko gagawin ko yun e hanggang ngaun umuulan pa? Sh*t talaga yung ulan na yan e! I REALLY HATE THE RAIN TO DEATH! >.<

Yeah! You heard me definitely right. I really hate the rain. Bukod sa dyahe kapag uwian na dahil sa basa yung daan, maputik, at madulas, it gives me the feeling of sadness dahil na rin siguro sa gray at malungkot na langit plus the coldness. Unlike kapag sunny day,  maliwanag yung paligid at mas maganda yung mood na binibigay nito sa akin. Well, actually dati naman hindi ko hate ang rain pero something very hurtful happened to me on one rainy day 3 years ago.  

Aha! I’m telling a story that I tried to forget for the past three years. Okay! Change topic! ^_^

***

Pagdating ko sa bahay, amoy na amoy ko kaagad ang mabango at maasim na sinigang na luto ng aking paboritong Yaya! ^_^

“Umuulan kasi kaya naisipan kong magluto ng paborito mo. Alam ko naman na badtrip ka kapag umuulan.” masayang bati ni Mama Pechay ko. Mama na yung nakasanayan kong itawag sa kanya kasi yung parents ko nasa Palawan nag-sstay. They been managing our hotel business dun kaya they decided to stay there for good.

“Thank you Mama Pech! Kilalang-kilala mo talaga ako!” I gave her a sweet and quick kiss on the cheeks.

After nun, sabay na kameng kumaen. Ang sarap-sarap talaga nung sinigang na yun. The best talaga! Yun bang tipong napapa-mukhasim ka sa sarap. Yung tumutulo na yung uhog mo sa sobrang init at anghang ng sawsawan na patis na maraming dinurog na mapupulang sili. Spell HEAVEN! Hahaha. ^_^

 ***

Sa kwarto ko…

Belle calling…

“Hello! Girl, remind ko lang yung entry mo. Need mo na siyang ipasa tomorrow para Makita na ni Sir Charles yung mga shots.” Mabilis na sabi ni Belle, workmate/best friend ko.

“Yun nga yung problema ko e.”malungkot kong sabi.

“Ha? Bakit? Akala ko ba ilang shots na lang yung kulang?” nag-aalalang tanung ni Belle.

“Balak ko sanang kumuha ng shots before ako pumasok bukas pero look at the night’s weather, it’s still raining. Alam ko na it’s too early to conclude for tomorrow’s weather pero sa tingin ko maulan pa rin bukas.” Paliwanag ko sa kanya.

“What’s wrong if it’s raining? Understandable naman yun kasi May na. Meaning, tag-ulan na! ” pag-eexplain ni Belle.

“Best friend ba talaga kita? Alam mo naman na I don’t take pictures kapag umuulan, di ba?  I just don’t enjoy taking pictures under that stupid rain. Hindi ko na-aapreciate yung shots kapag umuulan. Yeah, many people find it impressive kapag yung shots ay about sa ulan. Pero exclude me to those people. I JUST DON’T LIKE THE RAIN! I’m still sticking to my theme na sunny ambiance kahit anung mangyari.” Litanya ko kay Belle. Naririnig ko na medyo natatawa siya sa akin while spilling those lines to her.

Behind Every RaindropTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon