4- First Raindrop

8 0 1
                                    

Flashback

Sofie POV

Nakaupo ako sa isang wooden bench na malapit sa kubo ni Lolo. I was here in Bulacan for two days already. Bakit ako nandito? Wala lang. A two-day vacation . Hehehe! Suddenly, I just feel the need to gasp for fresh air not the polluted city air. Tsaka namimiss ko na rin si Lolo, mga pinsan ko at tita, yung farm at yung mga alaga kong farm animals.

“Hija, nakita mo na ba si Kakay at Kikoy?” nagulat naman ako bigla kay Lolo. Bigla siyang tumabi sa akin pagkatanung niya nun.

“Opo Lo, nakita ko na sila. Si Kakay ginatasan ko kanina. Si Kikoy naman pinaliguan ko kanina. Naglibot-libot din kame kanina kasama si Kikoy at si Jess! Namiss ko sumakay kay Kikoy Lolo!” masayang kwento ko kay Lolo.

“Buti naman at na-eenjoy mo yung dalawang araw na bakasyon mo dito. Napuntahan mo na ba yung garden na ginawa ko para sa’yo? Yung mga tanim mong gulay sa bakuran, nakita mo na ba?” tanung ulit ni Lolo. Spoiled na spoiled talaga ako kay Lolo. Basta pagdating sa mga tanim at hayop, nagkakasundo kame niyan.

“Opo Lo, nakita ko na rin yung garden. Ang ganda nga ng mga tanim niyong Stargazer Lily at mga roses. Salamat po ulit sa garden. Ang ganda rin po ng Welcome Sign na, “Sofie’s Flowerville”. Pumitas po ako ng mga gulay kanina sa bakuran para maiuwi ko bukas kay Mama Pech.”pagkkwento ko kay Lolo. Kung pwede nga lang na dito na lang ako ulit tumira, gagawin ko. Namiss ko talaga yung mga fresh na pagkain at sariwang hangin.

Marami pa kameng pinagkwentuhan ni Lolo tungkol dito sa farm. Almost three months na rin kasi akong hindi nakapunta dito e.

***

“Lolo, may bisita po kayo! Si Mang Gustin po.” Tawag ni Jess kay Lolo. Pinsan at kababata ko si Jess. Bata pa lang kame dito na talaga siya nakatira para matulungan si Lolo dito sa farm.

“Sandali lang, Hija.”sabi ni Lolo habang paalis siya.

“Sige po.” Paalam ko kay Lolo.

Habang wala si Lolo, naglibot-libot ako at kumuha ng ilang shots sa farm. Isa na rin ito sa mga ipinunta ko dito. Malapit na kasi yung workshop kaya kelangan ko ng maraming entries. Pinicturan ko yung mga hayop, bulaklak, gulay at yung farm.

Umupo ako ulit sa wooden bench kung saan ako nakaupo kanina. Napagod kasi ako sa paglilibot. Iniwan ko na yung camera at cellphone ko sa kwarto. Makulimlilm kasi at baka umulan. I stayed there for 30 minutes kasi ang lamig ng hangin and I even feel droplets of rain.

Palakas ng palakas yung droplets lang kanina.

Balak ko na sanang umalis pero parang may pumipigil sa paa ko na lumakad.

Palakas ng palakas yung ulan at ramdam ko ng basa na yung damit ko.

Nag-decide na lang ako na umupo dun at wag ng umalis.

Alam mo yung pakiramdam na sobrang namiss mo yung isang bagay?

Yeah, ganun nararamdaman ko ngayon. It’s been three years na hindi ako nakakaranas ng saya na dala ng ulan. All of a sudden, napaisip na lang ako bigla na parang ang duwag lang nung ginawa ko. I cursed the rain kasi siya yung naging witness nung nangyari sa akin that day. Kawawang ulan, nadamay pa. Hehehe! Noong unang dampi ulit ng ulan sa katawan ko, I felt goose bumps all over my body.  Weird, right? After nung goose bumps, nakaramdam ako ng saya dahil naramdaman ko ulit yung feeling na nasa ilalim ng ulan.

Tumingin ako sa taas, sa langit. Hindi nga kulay gray yung langit e. with that, a thought came into my mind. After every rain, awaits a rainbow.

Nasira yung moment ko nung may narinig ako na camera clicks. I looked around and tama nga ako, someone is taking photos under the rain. Okay, siya na may water-proof camera.

“Hi, Miss! Enjoying the rain huh?” nang-iinis na sabi nung lalaki sa harap ko.

I did not even bother to talk. I just don’t talk to strangers.

“Hey, Miss! Did I say something wrong?”he talked again.

“Let’s just dance with the rain, Miss! Lumalakas na oh! Let’s enjoy the rain.” Upon saying that, he holds my hand.

“Ayoko sa sa ulan!” galit na sabi ko sa lalaking nasa harapan ko.

“Gusto ko yung ulan!” nakangiti namang sabi nung lalaki sa harap ko.

What’s wrong with him? Nakaupo lang ako sa isang wooden bench ng makita ko siyang enjoy na enjoy yung ulan. He even takes photos under the rain.

“Anung meron sa ulan at enjoy na enjoy siya! Stupid!” inis na sabi ko.

“Who’s stupid then?” sarcastic na tanong nung lalaki na kanina lang e nasa harapan ko! May lahi atang engkanto ‘to.

“None of your business, Mister!” inis na sabi ko sabay irap.

Paalis na sana yung lalaki pero I have this strong urge to ask him something.

“Hey, Mister! Bakit ka nandito sa farm ng Lolo ko? Are you a relative?” matinong tanung ko sa kanya.

“Uh-oh, magnanakaw ako ng mga alaga niyong hayop! Hahaha! Bye, Miss! Nice meeting you!”nakakainis na sabi niya.

Hindi ko na siya tinanung ulit kasi nakatakbo na siya.

I just hate that guy.

Sana eto na yung una’t huli naming pagkikita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind Every RaindropTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon