CLS pt 4: Promise

33 2 0
                                    

*bzzzt bzzzt*

"Ay, mmy. I heard my phone vibrate, paabot naman po." I managed to say kahit na pinapatikom nung make-up artist na inarkila ni tito yung bibig ko. I heard him (or her? Di ako sure. Alam na.) give a 'Tsss.' Ayy. Sorry poooooooo.

"Anak. Huwag ka namang malikot diyan. Baka mahirapan 'yang nagmemake up sayo lalo. Ang hirap hirap mo na ngang make-up-an eh. O heto." Sermon sabay abot sakin ni mommy ng phone.

"Sor-"

"Tssss." Sabi ulit nung make-up artist. Sabi ko nga, hindi na.

I raised both my hands habang hawak ko yung phone ko, para makita ko kung sino yung nagtext nang hindi ako tumutungo. Baka mag walk-out ng wala sa oras 'tong si KuyAte kapag tumungo pa 'ko eh.

From Dyum <3

Baby :) Anong oras kayo pupunta dito sa simbahan? Miss na kita :(

Ayyyyyyyy. Haha. Hindi naman siguro ako nagblush. . . Okay fine, nagblush na nga. Napangiti pa ng ke-lake-lake. Eh kasi naman. Nagpapakasweet na naman 'tong si JM. Sobrang bihira nitong manlambing eh. As in. Ako madalas nanlalambing sa kanya. Cold city guy he is. Pero 'di ako nagrereklamo. I want him that way. :> Yung lalaking bihira man maging sweet, kapag naman nagpakasweet, ehhhhhhhhhhhhhh cringe-worthy ng sobra sobra. :>

Pero lately, araw-araw na ata siyang nag-iinitiate ng lambing sakin. Personal man o sa text. Walang palya.

Malamang, dahil 'to dun sa... Hayy. Ayoko munang isipin.

I pressed reply.

To Dyum <3

Baby :----) Hmm. Baka mga 4 pm? 5 daw start nung sagala 'di ba. So, yeah, mga ganung oras po. Why ba? Hahaha. Ayyyyy. Miss you too :<

Nagsend na yung message. Ilang seconds lang after, nagreply na rin siya.

From Dyum <3

Wala naman. Gusto ko nang makita kung gano ka pa mas gaganda kapag nakagown ka eh. :) First time ko kayang makitang nakagown ka! Na di ka na one of the boys! :P Hahahahaha joke lang. Pero excited nakoooooo hehe. <3 Atsaka, may sasabihin sana ako sa'yo.

I felt my heart skip a beat. Kinabahan ako. Sasabihin na kaya niya sa'kin... 'yon? Ayoko pa. Ayoko muna. I just want to seize this night with him.

While trying to keep myself composed, I replied.

To Dyum <3

Para namang may pagkakaiba, eh magmemake up lang, tapos hahaba lang ng bongga yung damit ko hahahaha. Pero, mag-ingat ka nalang din sakin mamaya. Baka 'di mo kayanin yung realization na ang swerte swerte mo sakin :)))))) HAHAHAHAHAHAjuk.

Sana hindi niya mahalatang may iniwasan ako...

*bzzzt bzzzzt*

From Dyum <3

Matagal ko na kayang narealize... :)))))) I am the luckiest man on Earth, because of you, Yen. I want you to know that. :)

Pero basta. I'll tell you something important later.

Napansin niya.

Tangina. Gusto kong maiyak. Gusto kong humagulgol right here, right now. Kung hindi lang dahil sa make-up na nasa mukha ko ngayon, umiiyak na siguro ako ng pagkatindi-tindi while asking... eh bakit mo gagawin 'yon? Bakit bibitawan mo yung luck mo? Bakit... mo ako iiwan, ha JM?

Pero hindi ko magagawa. Hindi ko magagawa kailanman, lalo na yung pagqquestion sa kanya. Kasi alam ko naman yung dahilan. His reason is very valid. And I am in no position to make him choose...

...between me and his family.

I immediately remembered the conversation between Neil and JM that I accidentally heard.

~~flashback~~

I arrived sa church namin ng mas maaga sa expected kong oras ng pagdating. Ewan ko kung bakit nagkamali ako ng calculation ng oras. Siguro gawa nung sobrang mga minutong nilaan ko kung sakali sanang traffic. Eh kaso, God knows what miracle happened, walang gaanong sasakyan sa daan. Wait, laban ba ni Pacquiao today?

Ayyy, alam ko na. 2nd monthsary ng Aldub ngayon. Hihihihihiii :> Sana makaabot ako sa episode mamaya.

Anyways, nevermind. At least maaga. =)))

Naisipan kong puntahan muna sa JM sa kumbento. You see, dito na kasi siya nakatira, since, originally, sa Naga talaga yung province niya. Pero dahil sacristan siya, eh napapasama na rin siya sa kung saang lugar nadedestino yung paring kasama niya.

Palabas na sana ako ng simbahan thru the back door nang may marinig akong nag-uusap.

"Kailangan ko 'tong gawin..." Hala. That's JM's voice. Di ako pwedeng magkamali. That's the voice of the person I love most.

"Pero-c'mon JM. Alam kong labag 'yan sa loob mo. Why can't you just-" Neil?

"Yes. Hindi ko itatanggi. I don't want to do this. Pero... hindi ko kakayaning pabayaan nalang sila nanay na harapin yun mag-isa. I need to do this, and I know a need should be done first before a want." Wait, what is happening? Nanay? May problem mommy ni JM? Bakit hindi ko 'to alam?

"You are too...selfless. I hate you..." I heard JM laugh. "Ano. Tatawa-tawa ka pa diyan. Tss. Kung di ka na mapipigilan eh, ano pang magagawa ko? Basta... I hate you JM. Nakakaasar ka." Sabi ni Neil.

"Thank you for the compliment?" That was JM.

What the hell is happening?

"Pero. Paano si-"

"I'll let her know. Don't worry. Let me be the one to tell her."'

Are they pertaining to me now?

"JM. Ingat ka do'n. Wala na ko para mahalin-"

"Neil 'yung totoo. Ang bakla bakla mo talaga."

"Bakla naman talaga ako ah, duh."

"Yeah yeah. Whatever. Ingat din kayo dito, and...

.

.

.

.

I am really sorry kailangan ko pang umalis."

Shit.

~~end of flashback~~

With rattling fingers, I fought the urge to cry.

To Dyum <3

It's my pleasure to have you, JM. I love you. So much.

He immediately replied.

From Dyum <3

I love you more, Yen. I even love you most. Kahit anong mangyari, tandaan mo 'yan, ha? Promise?

Wala na. Tangina naman eh. Nagpaparamdam na siya ng goodbye eh. Ayoko niyan eh. Ayokong lumayo siya eh. Ayoko. Ayokong ayoko. I want him just by my side.

I need him by my side always.

Kung pwede lang...

Kaso sobrang mahal ko siya, at alam kong hindi dapat ako magpakaselfish.

And so I typed a reply na sobrang labag sa loob ko...

To Dyum <3

Promise...

____________________________________________________________________________________

As usual, namiss ko lang ulit bigla si JM... :( Hayy. Will try to update the continuation soon. Sana sipagin. Sana mainspire. Sana...

Char. Comment, vote, and make me happpyyyy kiddos! :D -Luna <3


Church Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon