6

4 2 0
                                    

Kier Pov

Hindi ako makatulog ngayon gabi dahilan laging sumasagi sa isipan ko ang magandang mukha ni Ella at ang mga matatamis niyang ngiti.

FLASHBACK

Para akong tanga na hinahabol ang babaeng nakita ko sa may hallway sa harapan ng aming classroom,nakita ko lang kase siya sa may labas ng school nang paglingon ko bigla na lamang siya nawala.Laking gulat ko na kakilala pala siya ng aking pinsan na si Mara parang sinasadya ng pagkakataon na makilala ko talaga siya.

"Ella David si Kier,Kier si Ella"pakilala sa amin ni Mara sa isa't isa.Hindi ko alam kung matutuwa ako kikiligin sa una naming paghaharap ni Ella.

"Hi!"bati ko kay Ella ngunit hindi ito umiimik buti nalang at nandyan ang pinsan ko para gisingin ang diwa niya.

"Ella, okay ka lang ba?bakit parang nakakita ka ng multo?"

"ha?,okay lang ako"namumulang sagot nito sa pinsan niya.

Hindi ko maiwasang sulyapan ang mukha ni Ella sa oras na magkasama kami sana hindi niya napapansin iyon kase nakakahiya kung sakali man mahuli niya ako,lagot na.

Bigla na lamang dumating si Joseph ang aking bestfriend na tinutukso ko sa aking pinsan away bati kase ang dalawang yun hindi ko alam kung magkagustuhan man ang dalawa kaso malabo yun ni hindi nga makatiis na isang minuto awat na agad ang mga yun.

"Sige Kier una na kami ah" paalam ni Mara sa amin at nagmamadali talaga siya wrong timing naman kase itong si Joseph.

"Wrong timing ka naman pare ngayon ka pa talaga dumating?"sabi ko kay Joseph na takang taka sa mga sinabi ko.

"Bakit naman?,may nagawa ba akong mali?magkikita naman talaga tayo ah?"

"oo nga pero..ay..wag na lang,halika na nga uwi na tayo"

"teka kala ko treat mo ko ng meryenda?"

""haha, sinabi ko ba yun?"

"oo kaya?bilis mo naman makalimot?"

"oo na"

"teka sino na naman yung kasama ni Mara?"usisa nito sa akin.

"kaibigan niya yun"

"name?"

"at bakit?"

"wala naman I find her cute"

"and?"

"kailangan talagang malaman?"irita kong tanung sa kanya.

"gusto ko kase siya makilala pare,yun lang masama ba?"

"hindi pwede pare"

"whoa!,hindi na agad pwede?hmm..I smell something here..aminin mo type mo siya pare?"sabay kiliti sa aking tagiliran.

"Basta!"

"okay sinabi mo eh,hands off na ako pare"sabay taas ng dalawa niyang kamay.

End of Flashback

Sa kaloob looban ko kinikilig ako at nakilala ko si Ella.

"Hay, Ella hope to know you better"

Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako sa kaka isip kay Ella David.

A Better Man (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon