Sorry na. Bati na tayo? (One Shot)

407 11 5
                                    

Patrick: Wala nang tumatawag sa gitna ng hatinggabi para lang sabihin na sobrang sakit ng puson niya.

Jane: Wala nang nagtutuloy ng research paper ko ‘pag nakakatulog ako. Wala na ring nagpapalusot sa daddy ko kapag nale-late ako ng uwi dahil nanonood ako ng gig ng Hugo band sa bar.

Patrick: Wala nang nagchi-cheer sa team kahit natatambakan na kami sa score. Saka iyong naglalambing kay coach para payagan kaming maging extra sa school play.

Jane: Wala nang pumapayag na maging mascot sa Valentine’s party saka Halloween party naming ng mga ka-club members ko.

Patrick: Wala nang nagbibigay sa ‘kin ng mickey mouse socks saka polka dots na boxers, naluma na tuloy iyong mga binigay niya dati, nangupas na nga iyong iba eh.

Jane: Wala nang kumakanta sa ‘kin sa telepono ‘pag nasa CR ako. Lalo na iyong kapag nagra-rap siya sa cellphone para makatulog ako.

Patrick: Kahit mas malaki iyong picture ni Johnny Depp kesa sa picture ko sa kuwarto niya, okay lang. Kahit umay na umay na ‘ko sa kakaulit naming sa Twilight movie series, okay lang din. Kabisado ko na nga yung mga lines ni Edward Cullen eh.

Jane: Wala na ‘kong ina-applyan ng iba’t ibang nail polish para makapili ako ng maganda. Wala na ring nagsu-suot ng mga designs kong damit na panlalaki.

Patrick: Kahit nagmumukha ‘kong engot sa pagsusuot ng mga dinesign niyang damit, makita ko lang siyang masaya, ayos lang.

Jane: Kahit mas guwapo sa kanya iyong captain nila sa basketball team nila at mas macho iyong captain ng soccer team ng school, siya pa rin ang the best para sa ‘kin.

Patrick: Kahit laging sunog iyong mga bine-bake niyang cookies, paborito ko pa rin ‘yung mga iyon. Saka kahit lasang tubig iyong nilulluto niyang lugaw, nauubos ko pa rin.

Jane: Kahit parang tuod siya sumayaw, pumapayag pa rin siya na isali ko siya sa dance competition. Pero marunong naman siyang mag-tinikling, ang cute niya ‘pag naiipit siya sa kawayan eh.

Patrick: Kahit munti-muntik na ‘kong itakwil ng mga kaibigan ko sa pagsasayaw ko ng tinikling saka maglalatik, kinakapalan ko pa ring ang mukha ko na sumali sa dance contest na ino-organize ng club nila.

Jane: Nami-miss ko na siya.

Patrick: Sobra ko na siyang name-miss.

Jane: Iyong kahit may practice sila ng basketball, tatakas siya para sabayan akong mag-lunch.

Patrick: Iyong kahit hindi niya nililinis iyong sarili niyang kuwarto, nililinis naman niya yung akin.

Jane: Iyong kahit may sakit siya, gagawa pa rin siya ng funny video message. Gabi-gabi niyang ginagawa iyon.

Patrick: Iyong daig pa niya si coach kung mag-encourage sa mga team mates ko. Assistant coach nga tawag nila sa kanya eh.

Jane: Iyong kahit ilang beses ko nang nakuwento yung kinukuwento ko sa kanya, nakikinig pa rin siya.

Patrick: Iyong ginagawan niya ko ng kanta at kinakanta niya sa ‘kin sa harap ng mga kaibigan ko.

Jane: Iyong kahit hindi ko na talaga siya napapansin ‘pag nagsa-shopping ako, sinasamahan pa rin niya ko.

Patrick: ‘Pag wala si mommy, siya nagluluto para sa ‘kin. Konti na lang, puwede na.

Jane: ‘Pag may sakit ako, hindi niya ko iiwan hangga’t ‘di pa ko tulog.

Patrick: Iyong mga bakasyon naming nang magkssama, na kasama iyong family niya.

Jane: Iyong sa Boracay saka sa Bohol.

Patrick: Iyong sa Palawan, sa Cagayan saka sa Tagaytay.

Jane: Masaya din iyong sa Subic nun.

Patrick: At nung una kaming nag out-of-the-country, sa Hongkong.

Jane: Hongkong Disneyland.

Patrick: Kumusta na kaya siya?

Jane: Nami-miss din kaya niya ‘ko?

Patrick: May bago na kaya siyang boyfriend?

Jane: May nililigawan na kaya siyang iba ngayon?

Patrick: Miss na miss ko na siya Spongebob. (Nakatingin si Patrick sa Spongebob na laruan ng kapatid niyang si Ynna.)

Ynna: Kinakausap mo ba si Spongebob, kuya? (Biglang dating ni Ynna. Dinampot niya ang stuffed toy at tinignan ang kuya niya.) Ang weird mo talaga. Eh kung mismong kay ate Jane mo yan sinasabi, ‘di baka kayo na ulit. Drama k nang drama diyan, stuffed toy naman ang kausap mo. Ni hindi ka naman masasagot nito eh. (Saka umalis si Ynna at lumabas sa kuwarto ni Patrick. Pag-alis ni Ynna, napaisip si Patrick.)

Jane: Buti pa kayo. palaging Masaya at palaging magkasama. (Sabi ni Jane sa picture ni Patrick at Spongebob na nakadikit sa dingding ng kuwarto ng kapatid niya.) Masaya din kaya si Patrick ngayon? (Saka siya tumayo, lumabas sa kuwarto ng kapatid niya.

(Pagdating ni Jane sa may sala, nadatnana niyang nanood ng Spongebob Squarepants ang kapatid niya. naalala na naman niya ang kanyang Patrick.)

Lorraine: Ate, si Patrick! (tawag ng kapatid niya.)

Jane: Oo nga, si Patrick. (Nakatingin pa rin si Jane sa TV)

Lorraine: Gusto ka atang kausapin eh.

J: Lorraine, ganyan lang talaga iyang show na iyan. Kinakausap minsan ni Spongebob ang mga nanunuod.

Lorraine: Eh hindi naman si Patrick ng Spongebob Squarepants eh, si kuya Patrick. Ayun oh! (tinuro ang direksyon ni Patrick)

      Patakbong sumilip si Jane sa bintana at nakita niya si Patrick na nakatayo sa harap ng bahay nila. Agad siyang nagbukas ng pinto at nilapitan si Patrick

Jane: Pat!

Patrick: Jane. (Matagal na nagtitigan ang dalawa.)

Jane: A-anong ginagawa mo dito?

Patrick: Ah, wala. Gusto lang kasi kitang makita. (Lihim na napangiti si Jane.) Saka, gusto ko sana ‘tong ibigay. (Inabot niya kay Jane ang isang maliit na teddy bear na isa ring mini-voice recorder. Nang pinindot ito ni Jane, ang recorded na boses ni Patrick na kinakanta ang tagalong song na “Sorry Na” ng Parokya ni Edgar ang narinig niya.)

(Ngumiti si Jane saka tumingin kay Patrick.)

Jane: Ako nga iyong may kasalanan eh, ikaw pa ‘tong nagso-sorry. Sira ka talaga.

(Ngumit din si Patrick)

Patrick: Kahit ako na ang laging mag-sorry, basta ‘wag ka na lang ulit mawala. Tama na iyong limang break-ups natin, masisiraan na ko ng bait eh. Pati si Spongebob, sine-sentihan ko na.

(Natawa si Jane.)

Jane: Ako naman, kahit anong emote ko, nginingitian pa rin ako ni Patrick at Spongbob.

(Hinawakan ni Patrick ang ma kamay ni Jane)

Patrick: Sorry na ah. Bati na tayo?

Jane: (tumango ito) Sorry din, Pat.

(Niyakap nila nang mahigpit ang isa’t isa, at pagkatapos…)

Jane: Tara, may bago kong biling nail polish. Patulong naman oh.

Patrick: Basta ikaw, boss.

Sorry na. Bati na tayo? (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon