Me his and they
Chapter 2
Nicole'sPOV
2 weeks na since nung nangyari at di man lang nagpaparamdam si Kevin andito ko ngayon sa school at konting tiis na lang gra-graduate na ko 3 weeks na lang! Exited na ko magtrabaho.
Recess namin ngayon kasama ko si Jane nandito kami para kumain.
"Jane anong pabango gamit mo bakit ang baho!" sabi ko sa kanya para kasing ang baho ng pabango niya o ayaw ko lang ng amoy.
"Anong mabaho? lagi ko itong gamit ngayon ka lang nabahuan?" sabi niya naman. Eh ang baho talaga.
"Hay dun ka nga sa kabila umupo para di ko gano maamoy ang baho eh." utos ko sa kanya at umupo siya sa may harap ko pang apatan kasi yung lamesa eh.
"Anong gusto mo Nicole?" tanong sakin ni Jane "Carbonara na lang" sabi ko at umalis na siya at bumili ng pagkain namin
Bumalik si Jane na may dalang Carbonara. Nilapag niya sa table namin yun.
"Jane, bakit ang baho?" sabi ko sa kanya ang baho kasi nung carbonara.
"Anong mabaho? ang bango bango nga eh" sabi niya naman ang baho talaga at
nagtatakbo ko sa cr at dun sumuka ko sa labababo
*blakkk*
hinimas himas naman ni jane yung likod ko
"Bakit nagsusuka ka? wala ka naman sakit?" tanong sakin ni Jane.
"Hindi ko rin nga alam eh kaninang pagkagising ko nagsuka ko tapos nahihilo ako." sabi ko sa kanya
"Hindi kaya Buntis ka?" pabulong na sabi niya sakin.
Nagulat naman ako dun. Nakaramdam na naman ako ng hilo "Jane nahihilo ko" at bigla ng nagdilim ang paningin ko.
.......................................................
Unti unti akong nagising at dumilat ako.
"Nicole! Nicole sa wakas gising ka na!" sabi ni tita madisson
"Tita asan ako?" tanong ko sa kanya
"Nicole nasa hospital ka hinimatay ka kanina?" sabi naman ni Jane
"Ganun ba?" yun na lang ang nasabi ko at umupo habang nakasandal.
"Ate hindi mo ba alam?" sabi ni Ken kapatid kong lalaki 1st year collage
"Ha? Ang alin" tanong ko sa kanya
"Hindi mo man lang alam na buntis ka!" sigaw sakin ni tita buti nalang private room. Tekaaaa
"Ako? Buntis? Totoo po?" sabi ko kay tita sana hindi sana mali lang ako ng rinig.
"Oo! Mukha ba kaming nagsisinungaling! Sino bang ama niyan" sigaw ni tita sakin.
<|3
Di ko alam kung matutuwa ba ko o malulungkot.
Ang tanong pananagutan niya ba ko?
"Ma wag mo naman sigawan si nicole" sabi ni jane na inaawat si tita
"Pananagutan ka ba nun?" tanong ni Ken na nagaalala sakin.
Yan nga din iniisip ko eh
"Kakausapin ko muna siya" sabi ko na lang
"Ma hayaan niyo muna siya magpahinga" sabi ni Jane kay tita
"O sige, Hayyy Lagot ako sa mommy at daddy mo nito eh." sabi ni tita at naupo
"Humanda talaga sakin yung Kevin na yun pag di ka pinanagutan. Nung isang araw lang may kasamang babae yun!" sabi ni Ken
"Wag mo na kong intindihin. Wag mo munang sasabihin kay Janine ah."Si Janine ay girlfriend ni Ken na kapatid ni Kevin
Close kami nun.
"Hay sige sabi mo eh." Kahit gustuhi niyang sabihin alam kong di niya yun sasabihin kasi yun ang bilin ko.
"Tita pwede na ba ko lumabas?" tanong ko kay tita
"Pwede na aasikasuhin lang namin bill mo." sagot ni tita sa tanong ko
"at ikaw Jane ayusin mo na yang mga gamit diyan tsaka pakainin mo si Nicole. mamaya tayo maguusap nicole!"
Kinakabahan na ko. Si tita pa lang yan pano pag di ako pinanagutan ni Kevin. Pano ko ito sasabihim kay mommy at daddy.
"Jane, pano pag di ako pinanagutan ni Kevin."
"Okay lang yan. Kakayanin mo yan andito naman kami nila mommy eh" sabi niya
Buti nalang andiyan si Jane at Ken....
*Next Morning*
Kagabi di ko pa nakausap si Tita. Tinulugan ko na agad para di ko makausap takot ko na lang at ngayon
mas natatakot ako sa irereact ni KEVIN. Sana naman panagutan niya itong ginawa namin.
Speaking of Kevin nagtext siya
'Lets meet at the coffee shop near in school'
Ano kayang sasabihin niya?
Dali dali akong nagpunta sa Coffee Shop nakaT shirt at short lang ako di pa naman ako mataba 2 weeks pregnant pa lang ako
Dumating ako sa coffee shop andun na siya. FIRST TIME niyang mauna sakin dati lagi siyang Late. Importante nga siguro yung sasabihin niya.
Umupo na ko sa kaharap niyang table at may coffee na dun. Ayoko ng coffee water na lang ang iinumin ko.
"Babe, ano bang saaabihin mo?" tanong ko sa kanya
"Nico....Niii......niii.Nicole uhmmmm.... Lets break up!"
"Huh? totoo ba? makikipagbreak ka sakin?" sabi ko habang naguunahan bg tumulo yung luha ko
Ang sakit
"Yes you heard it right. Sorry Nicole"
"Kevin you can't...............I'm PREGNANT" sabi ko sa kanya halata namang nagulat siya buti na lang konti lang tao sa coffee shop
"Don't make any excuses. Kahit buntis ka di na mababago ang desisyon ko!"
"Pero Kevin, Hindi ko ito ginagawang excuse para di mo ko hiwalayan!"
"Masyado pa kong bata para magong tatay"
"Pano pa ko? Pareho nating ginusto to kaya....."
"Sigurado ka bang akin yan?"
"Anong akala mo sakin malandi? Ikaw ang unang gumalaw sakin!"
"Baka may sumunod"
at tuluyan na kong di nakapagsalita halos humagulgol na ko sa coffee shop ng iwan niya ko.....
Umuwi akong namamaga ang mata. Ngayon si Tita na ang haharapin ko at si Mommy at Daddy.
"Nicole san ka galing?" alalang tanong ni Jane
"Ate bakit umiiyak ka?" sabi ni Ken
"Nicole, Saan ka ba nagpupupunta?" sabi sakin ni Tita na alalang-alala
"Wag mo sabihing ayaw ka niyang panagutan?" sabi ni Ken
"Ganun na nga, Nakipagbreak na siya. Tita, Pano na kami ni baby?"
"Hay. Jusme Nicole! Gra-graduate ka at pagkatas ng graduation uuwi ka ng Korea!"
Tama si tita. Mas maayos kung uuwi ako sa Korea.
"Sige po"
"Sasama ko" Sabi ni Jane
"Wag na jane! pagkapanganak ko uuwi rin naman ako eh."
"Sige na magpahinga ka na!" sabi sakin ni tita.
at ayun nagkulong ako sa kwarto at iyak ng iyak pero pinilit kong itulog na lang para di mapahamak ang baby ko.

BINABASA MO ANG
Me, His and They
RomansaThis is a story about sa isang babaeng may casssanovang boyfriend and yet mahal na mahal niya. Binigay sa kanya lahat ng babae pati ang sarili niya and with that nabuntis ang babae ngunit hindi ito pinanagutan nung lalaki. Lahat ginawa niya para mag...