Chapter 3
Elaine
I was busy arranging my notes and books, tapos na kasi ang last subject ko, I looked at my wristwatch “5:00 pm na, tapos na rin ang training ni Sky” I smiled at tinignan ang energy drink na binili ko para sa kanya
“Elaine!” tawag sa akin ni Johnny “Hatid na kita pauwe!” aya niya sa akin
“May sarili akong sasakyan at pupuntahan ko pa si Sky sa soccer field...” sagot ko sa kanya
“Haay naku...” narinig ko ang buntong hininga niya “Bakit ba lahat kayo nababaliw sa dalawa yun?” pagmamaktol niya “Kung hindi kay Sky, kay Toffer! Ano ba ang meron ang dalawang yun na wala ako?” rinig sa buong klase ang boses niya
Lumapit ako sa kanya saka tinap ang balikat “Tumingin ka minsan sa salamin Johnny, try mo, once! Baka sakaling malinawan ka at malaman mo ang kasagutan!”saka ako ngumiti at kumindat, narinig ko rin ang halakhakan ng mga classmates ko bago ako tuluyang makalabas ng room
Kanina ko pa hinahanap si Sky pero hindi ko siya mahagilap, marami na ring mga babaeng nag-aabang dito sa field, ganito naman ang eksena dito, kanya kanyang abang sa mga soccer players, yung iba naman nasa basketball court, pero hindi hamak naman na mas marami dito
“Di ba dapat andito na sila Toffy my loves?” rinig kong sabi ng isang babae na mula sa higher year
“Magkasama naman sila ng Prince Sky ko eh... kaya antay lang tayo!” sagot ng babaeng kasama niya, nagpanting ang tenga ko, nakakakulo ng dugo ang mga babaeng ito! Psh!
Kinuha ko ang phone ko saka tinawagan si Sky “Hey Bhebhe Sky...” sinadya kong ilakas ang boses ko kaya nagtinginan ang mga tao dito na nag-aantay din
-----
Sky
“Pare, I’ll go first! nag-aantay na mga chics ko sa labas eh!” Said Toffer after tapping my back, I just nodded at him. Andito kami sa locker room na located lang din near the soccer fieid “Buti na lang hindi allowed pumasok dito ang kung sino-sino, kung hindi matagal na tayong na-rape!” saka siya humalakhak, I just shook my head “Sige Pare!” and he totally went out of the locker room
I’m about to grab my bag ng tumunog ang phone ko
Elaine Co-Let calling...
I answered it
‘Hey Bhebhe Sky...’ bungad niya
“Anong Bhebhe Sky?” I yelled back at her, Kinuha ko ang bag ko and started to walk palabas ng locker room
‘Di ba sabay tayong uuwi?’ she asked, she’s like shouting, meron nanaman itong ginagawang kalokohan
“Wala akong naaalala....” I answered her
BINABASA MO ANG
You're My Sky by FIsieann (PUBLISHED)
Narrativa generale(Published under LIB PUBLISHING: SEPTEMBER 13, 2014) Available in all PRECIOUS PAGES STORES AND LEADING BOOKSTORES nationwide! Grab a copy now for only 109.75 php :) Thank you! Meet Elaine Co, pretty, witty and wealthy! Nasa kanya na ang lahat malib...