Chapter 83

5.7K 79 45
                                    

Chapter 83

Hebe

Nakatingin lang ako sa labas ng kotse habang pauwi kami ni Kiro. Wala ni sino man sa amin ang nagtangkang magsalita o magtanong. Siguro nga iniintindi niya ang kalagayan ko ngayon, siguro nga alam niya na hindi madali sa akin ngayon ang makipag-usap, siguro nga nararamdaman niya rin ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Sinalubong ako ng mainit na yakap ni Chloe, napansin ni Ynna ang maga kong mga mata at hindi maipintang mukha. Nakita ko natatanungin niya sana ako pero pinigilan siya ni Kiro. Bumeso siya sa akin saka nagpaalam na rin “Tapos na kaming kumain ni Chloe, kumain na rin kayong dalawa at magpahinga na...” sambit niya bago tuluyang umalis.

“Chloe diretso na sa kwarto huh tapos matulog kana ng maaga para maganda ang gising mo bukas!” utos ko sa kanya saka siya hinalikan sa noo

“Opo Mama...” sagot niya sa akin habang hawak ang manika niyang si Cielo. Napako ang tingin ko sa kwentas na suot ng manika. Bigla akong nakaramdam ulit ng lungkot. Bakit bas a lahat ng bagay na nakapalibot sa akin, ikaw at ikaw ang maaalala ko Sky?

Naramdaman ko ang paghawak ni Kiro sa balikat ko “Hebe...” tawag niya sa akin, pumikit ako at automatikong lumabas nanaman ang mga luha sa aking mga mata.

“Kiro...” sagot ko saka hinawakan ang kamay niya. Siya ang lakas ko ngayon. Siya ang dahilan kong bakit hindi pa ako sumusuko dahil sa mga nangyayari. “Salamat K-Kiro...” saka ko siya mahigpit na niyakap. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa likod ko at ang pagyakap sa akin pabalik

“Hindi mo kailangang tiisin ang lahat Hebe...” simula niya saka tinignan ang mukha ko. Pinunasan niya ang mukha ko saka sinabing “Ipangako mo sa akin na yan na ang huling pagkakataon na iiyak ka para sa kanya... Tama na Hebe... Tama na...”

Umupo ako sa sofa saka suminghot. Inabot niya ang towel na gamit niya sa pagmamaneho. Napatingin ako sa kanya saka siya ngumiti “Mabango yan...” biro niya saka ako pilit na ngumiti at inabot iyon. Pinunasan ko ang luha ko at umupo siya sa tabi ko “Ayokong nakikita kang ganyan Hebe...” saad niya matapos kong punasan ang mukha ko “Ayokong nakikita kang nahihirapan... nasasaktan...”

“K-Kiro...Sorry...” hingi ko ng tawad sa kanya “Alam kong a-andyan ka na noon pa... alam kong andyan ka nung sobrang lugmok na lugmok ako sa buhay... alam kong ikaw lang ang dumamay sa akin at nag-alaga... Hindi mo alam kung paano ako nagpapasalamat dahil doon...” saka ko hinakawan ang tuhod niya saka pinilit na ngumiti “Maraming maraming salamat Kiro...Utang ko ang buhay ko sa iyo!”

“Hebe, giniwa ko lahat iyon dahil mahalaga ka sa akin...” napatingin ako sa mukha niya na sobrang seryoso “H-Hebe...s-siguro, hindi ka naman m-manhid para di mo maramdaman na m-ma-“

Tumayo ako saka naglakad lakad sa sala “A-Ah kumain na muna tayo...” putol ko sa sasabihin niya. Nakita ko ang paglungkot ng ekspresyon niya at bahagyang pagyuko. Hindi ngayon ang tamang oras para pag-usapan ang nararamdaman namin para sa isa’t-isa. Masyadong magulo ang utak at puso ko ngayon

“Hebe...” tawag niya sa akin ng akma akong papasok ng kusina “Mag-resign kana sa trabaho...” nabigla ako sa pakisusap niya

“K-Kiro, h-hindi ako basta-bastang makakaalis doon ngayon pa na may tinatapos akong trabaho at sa susunod na buwan na iyon magaganap...” sagot ko sa kanya

“Edi pagkatapos nun umalis kana!” sagot niya saka naglakad palapit sa akin

“P-Paano tayo? P-Paano nung pangagailangan natin?” Paano kami ni Sky? Nakita ko na may dinukot siya na maliit na parang notebook mula sa bulsa.Tinignan kong mabuti iyon at nabigla ako sa nakita “Passbook?”

You're My Sky by FIsieann (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon