Jubelle's P.O.V
Nagpapahinga ako sa may poolside nang biglang umalis si Vincent sa katabi kong pool chair. Maya-maya lang, narinig ko syang sumigaw. "OH SHIT!" sigaw nya at biglang nahulog sya sa pool. Hay naku. Nantrip na naman si Daniel. Mga ilang segundo lang, nasundan na nya agad si Daniel sa may poolside. Ambilis naman? Diba nasa gitna sya ng pool? "Mga bata, kakain na tayo." tawag ni aAling Merlinda sa loob ng mansyon. Inaisantabi ko muna ang pag-iisip ko at pumasok na sa loob. "Ang ganda naman dito." sabi ni Danica. "Oo nga eh. Ang lawak ng bakuran saka ng looban noh?" sabi ko kay Danica na ikinagulat niya. "Huh? May kausap ka?" takang tanong nya. "Ikaw kaya ang kausap ko." sabi ko. "Hala! Di kaya nagsasalita si Danica." sabat naman ni Kimberly. "Di daw nagsasalita eh kakasabi lang nya na 'Ang ganda naman dito' oh, di ba agsalita iyon?" sabi ko a kanila. "P-pano mo n-nalaman a-ang nasa i-isip ko?" tanong sakin ni Danica. Nasa isip nya? OMG! May telepathic powers ako? Pero, di naman ako nag-take ng classes for telepathy ah. Hmm, may wierd na nangyayari dito ah. "Oy, psst! Pusa!" pagtawag ko kay Vincent. "Ows?" sabi naman niya. "Paano ka nakapunta kay Daniel kanina nang napakabilis?" tanong ko sa kanya. "Ah. Eh. di ko din alam eh. Basta nung naisip ko yung mukha nya pagmulat ko ng mata ko nasa harap ko na sya eh." sabi nya. Nyek! Panu yun? Nagteleport sya? "Bakit mo naitanong?" sabi nya. "Ah. Wala. Nagtataka lang ako. Kasi kanina narinig ko yung nasa isip ni Danica." sabi ko. "Hmm, telepathy? Diba di ka naman tumuloy sa pag-enroll doon sa class na yon?" tanong nya. "Ewan ko nga rin eh. Pero, rinig ko talaga yung isip ni Danica kanina." sabi ko. "Hala! Wag na nga muna natin isipin yun. Kumain na muna tayo. Mai-stress lang natin ang mga utak natin." sabi nya. I shrugged it off nalang at nagsimulang kumain. Habang kumakain kami, biglang tumili si Danica. "IPIIIS!!!" pagtili nya. "Asan? Wala naman eh." sabi ni Daniel na halatang nairita sa pagkaka-udlot ng pagkain niya. "Ayun oh! Di nyo ba nakita? Na..sa may ta..as ng cup..board" mabagal na sabi nya. Ang tono ng boses ay pababa ng pababa. "Cupboard ba hija? Eh, malayo ang cupboard mula rito ah. Halos nga hindi na kita mula dito iyon eh. Nakita mo pa ang ipis mula roon?" tanong ni Aling Merly kay Danica. "Ewan ko po. Basta bigla ko po nakita yung taas nun eh at nakita ko na yung ipis." sabi nito. "Hala, sige. Kumain na kayo ng kumain jan ng mabusog at makapag pahinga na kayo. Marahil ay gawa lang yan ng gutom at pagod" sabi ng matanda sa amin. Nagpatuloy na kami sa pagkain. Tiningnan ko ang gawing kusina para tanawin ang cupboard. Totoo nga! Halos isang kwarto ang layo nuon sa kinauupuan namin. Pano nakita ni Danica yun?
----------------
Kimberly's P.O.V
Kumakain kami kanina nung biglang nag-freak out si Danica. May nakita daw na ipis sa may cupboard. Eh ang layo-layo nun sa amin. Ano yung may built-in zooming device sa mata nya? Palibhasa kasi ay may pangit na karanasan sa ipis kaya ganoon.
~Time rewind: 4 years ago~
Kumakain kami ngayon sa cafeteria ng school namin ng biglang pumunta si Jerome sa likuran ni Danica at kinalabit ito. Nagulat si Danica dahil pabigla-bigla nga namang sumulpot sa likuran nya si Jerome. "Alis na ko ha? Balik na ko dun kila Edmond." pagpapaalam nito sabay tapik sa likod ni Danica. Nagsisigaw ito bigla at nagtatalon. "MAY GUMAGAPANG SA LIKOD KO! TULONG! TULONG! TANGGALIN NYO TO!" pagsigaw nito. Nakita ko naman ang barkadahan nila Edmond at Jerome na nagtatawanan. "EEEEEEEEEEEEEKKKK!!!" biglang pag-tili ni Danica. Agad siyang pinuntahan ni Daniel para pakalmahin. "Huminahon ka nga!" pagsuway ni Daniel sa kanya. "M--may i--ipis k--k--kasi oh!" turo nito na nagsusumbong at biglang natumba at nawalan ng malay. Dalawang linggo siyang hindi nakapasok dahil sa lagnat, dulot na rin siguro ng sobrang pagkatakot. Sila Jerome naman ay inapela ni Tita Anna sa Guidance Councilor at naatasan sila ng 1-month community service.
~Time Skip: Present~
Dahil siguro sa pangyayaring iyon kaya nagka-phobia sa mga ipis si Danica. Pero ang ipinagtataka ko, pano nya nagawang makita ang isang maliit na ipis gayong napakalayo ng kinalulugaran nito sa kanya?

BINABASA MO ANG
Superfriends (ON-HOLD)
AdventureKwento ng limang magkakaibigang magbabakasyon lang.... sana. Pero may mangyayaring kakaiba sa kanila. Ating alamin at subaybayan ang mga mangyayaring kaganapan at pagbabago sa buhay ng limang ito.