Prologue
"Yeaah!!!" sigaw ni Vincent paglabas nya ng Kyoruya Academe kasama ang apat na mga kaklase't kaibigan nito. "Hoy! Magtigil ka nga sa kakasigaw mo jan! Nakakahiya oh! Pinagtitinginan tayo." pag saway naman ni Daniel, ang tumatayong "kuya ng barkadahan". Bagama't may pagkahinhin itong kumilos, ay nirerespeto naman sya ng apat na kaibigan pa. "Eto naman hayaan mo silang tumingin. Ayaw mo non? exposed ang beauty mo." sabad naman ni Danica, ang kikay sa kanilang grupo. "Oo nga naman, eto talaga si Danielita oh. Ayaw mo nun? Mapapansin ka na din sa wakas ni Jared!" excited na tugon ni Kimberly. "Hep, hep! Syempre kelangan kasama ako sa pasasalamatan! Ako kaya ang nag-effort mag-ingay!" dugtong naman ni Vincent. "Hoy, hoy! Tigil tigilan nyo nga akong tatlo! Pagsisipain ko kayo sa fallopian tube eh!" kunyaring naiinis na sabi ni Daniel sa kanila. "Eh, panu yon? wala akong fallopian tube? Pno mo ko sisipain?" tanong ni Vincent. Ang ekspresyon ng mukha ay parang napaka inosente. "Edi papalagyan kita!" tugon naman ni Daniel. "Uhmm!" pabirong pagbatok ni Jubelle sa kanilang dalawa. "Kung hindi kayo titigil dalawa, pagkukurutin ko yang mga testicles nyo!!" pagbibiro pa nito. "EWWWW!!!!" sabay-sabay na pag-reak naman ng tatlo. "Bakit?" takang tanong ni Jubelle. "Wala wala." tugon ni Danica. "Anyways," sabay tingin kay Vincent. "Saan ang nature adventure natin ngayong vacation, Diba ikaw ang toka this year?" dugtong pa nito. "Yeah, yeah. Napag-isipan ko na yan. Well, kung gusto nyo, punta tayo ng medyo south. Yung medyo malayo dito sa Manila. I'm thinking Cebu." mahabang sabi nito. "Kaso lang, saan tayo mags-stay?" biglang tanong ni Kimberly. "Like, duh! Syempre pinag-isipan ko na nga diba? May mga kamag-anak naman kami doon, so we're going to stay with them for a while. Habang nandoon tayo" tugon ni Vincent kay Kimberly. "Are there internet? How about electricity? Cell sites? Water stations? Convenience stores?" mahabang tanong ni Daniel. "Are we going there to think about anything, Daniel? I thought we're going to go there for unwinding." sabi ni Jubelle. "Geez, no need to go mad. Paranoid lang ako." sabi ni Daniel. "Alright, tama na. Ayaw naman nating makarating doon ng may bangas ang mukha ng isa sa atin right?" sabi ni Vincent habang inaawat ang dalawa. "So, kelan ang alis natin?" tanong ni Danica bilang pag-iiba sa usapan. "Kelan ba kayo pwede?" balik-tanong naman ni Vincent. "I'll be ready in 2 days." sabi ni Daniel. "Me too," sabi naman ni Kim. "Ako din" sabay na sabi naman nila Jubelle at Danica. "Okay, settled. We'll go on Monday." sabi naman ni Vincent bilang pagsettle ng usapan nilang magkakaibigan.
[Time Skip: 2 days]
Nagkita-kita ang limang magkakaibigan sa NAIA airport para sa kanilang flight patungong Cebu para magbakasyon doon. Unang nakarating si Vincent sa airport dahil maaga pa lamang ay nakapag ready na ito. Habang naghihintay sya sa kanyang mga kaibigan ay may lumapit sa kanyang isang lalaking naka amerikana at may dalang suitcase. "Ikaw ba si Vincent?" tanong nito sa kanya. "Opo. May maitutulong po ba ako sa inyo?" sagot at balik-tanong naman nito sa lalaki. "Ah, hindi ba ay pupunta kayo ng Cebu kasama ang apat mo pang kaibigan?" tanong nitong muli sa kanya. Hala! Sino ba tong lalaking to? Hindi kaya stalker namin ng mga friends ko to? Pero, hindi naman mukhang stalker. Hala! baka naman kidnapper! At baka kikidnapin kaming lima. sabi ni Vincent sa sarili. Tiningnan nyang muli ang lalaki at sumagot ito ng naka ngiti. "Pinapabigay nga pala sayo ito ni Dr. Benjamine" sabay abot sa kanya ng limang parangpang-inject na baril. MAy pare-parehong kulay ang mga ito na kulay berde. "Si tito Benjo?" tanong nito sa lalaki. Tumango lamang ang lalaki at sinabihan siya. "Pagdating nyo ng Cebu, iturok mo yan sa inyong lima at pumunta ka dito sa hotel na ito." sabay abot sa kanya ng isang papel. Lotus Hotel. basa nya dito. "Dyan ka daw nya hihintayin at ihahatid sa bahay na tutuluyan nyo." dugtong pa ng lalaki at umalis na. May itatanong pa sana si Vincent ng may tumapik sa likod nya. Pagharap nya ay nakita nya sila Daniel, Jubelle at Kimberly. "Oh, sino yung kausap mo kanina?" tanong ni Kimberly sa kanya. "Ah, wala. Nagtanong lang kun saan ang c.r" tugon nito. "Oh nasaan na si Danica?" dugtong na tanong pa nya. "May binili lang sandali sa store jan sa labas. Alam mo naman yun" sabi ni Jubelle. Maya-maya pa ay nakita na nila si Danica na patakbong lumalapit sa kinaroroonan nila. "Oh ano? Tara na?" sabi nito at nagsimula nang maglakad papasok sa loob ng airport. Habang nasa byahe sila papunta sa destinasyon, hindi naman maiwasan ni Vincent na mag taka at maisip kung ano ang mga serum na ipinabigay sa kanya ng tito nya at kung bakit kailangang sa kanila pa iturok ang mga iyon? "Something wrong?" mahinang taning ni Danica sa kanya. "Wala naman." sagot lang nya. "Tulala ka kasi eh." sabi ni Danica sa kanya. "Wala, okay lang ako. Medyo napapagod lang siguro." sabi nya. Hinayaan nalang sya ni Danica at nagpatuloy sa pakikinig ng music sa iPhone nito. Dahil sa pag-iisip, hindi namalayan ni Vincent na nakatulog na pala sya.
~
Nagising si Vincent sa kanyang pagtulog ng may maramdaman syang tumutusok-tusok sa kanyang gilid. "Huy, gising na! Nandito na tayo." sabi ni Danica sa kanya. "Ha? Oo sige." sabi nya habang naghihikab. Tumayo na sya at knuha ang kanyang bag sa compartment. Kinuha din nya ang isa pang bag na naglalaman ng mga serum na ituturok nya sa mga kaibigan at sa sarili. "Guys, wait!" pagpigil nya sa mga ito habang papalabas ng airport. "May problema?" tanong sa kanya ni Kimberly. "Ah, eh, binilin kasi sakin ng tito kong scientist na magturok daw tayo nito bago pumunta sa hotel na binigay nya sakin para i-meet sya doon." sabi nya habang ipinapakita sa mga kaibigan ang mga serum na hawak nya. "Teka, safe ba yan?" tanong ni Jubelle. "I think so. Kasi hindi naman ako bibigyan ng tito ko ng bagay na makakasama sa'kin at sa mga kaibigan ko eh. Ako kaya ang paboritong pamangkin nuon dahil daw sobrang hilig ko sa science" paglalahad ni Vincent sa kanila. "Edi, kung ganoon, sige. Assured naman pala na safe eh." sabi ni Kimberly at kinuha ang isang serum sabag baril nito sa kanyang braso. "Done." sabi nito pagtapos maiturok ang serum. Isa-isa nang kumuha ang apat ng kani-kanilang serum at nagturok nito. pagkatapos nilang maiturok yun ay ibinalik nila sa bag ang mga serum vial at saka pumara ng taxi patungo sa Lotus Hotel kung saan naghihintay ang tiyuhin ni Vincent. Pagtapos nilang sabihin sa driver ang pupuntahan ay agad nitong pinaandar ang kanyang sasakyan. Agad namang nakatulog ang lima dahil sa pagod sa byahe. Nang nakarating sila sa hotel ay agad silang hinarang ng guard. "Id po?" tanong ng guard sa kanila. "Ah, kuya hahanapin lang po namin si Dr. Benjamin Fushima" tugon ni Vincent. "Kayo po ba si Vincent Fushima" tanong ulit ng guard sa kanya. "Opo." sagot naman nito sa guard. "Ah, sige po, pasok na po kayo. Welcome to The Lotus Hotel po sir." sabi ng guard sa kanya. Agad silang pumasok at nagtungo sa front desk. "Good Afternoon sir, how may I be of service?" tanong ng receptionist kay Vincent. "We're looking for Dr. Benjamin Fushima is he checked in?" tanong nito sa receptionist. "Ah, yes sir. Let's wait for your chaperone." sagot naman ng receptionist habang nakangiti. "Wow, bongga naman dito, five-star hotel ang peg!" manghang sabi ni Kimberly. "Gaga, hindi peg yan. Five-star hotel talaga to!" sabi ni Danica. "Aray! Maka-gaga ha!" biro naman ni Kimberly sabay nagtawanan ang magkakaibigan habang naghihintay ng kanilang chaperone.
-------
[A/N: wooh! I finally made this chapter! sa chapter 1 na po magsisimula ang adventure kaya stay tuned lang ^_^. Yung mga ibang names po ang names ng lugar, I just made it all out. Kaya if anything is similar to real life, it's pure coincidental. Yung "Fushima" po, di talaga yun ang apelyido ko. Just saying.]
Click the external link for the picture of Danica

BINABASA MO ANG
Superfriends (ON-HOLD)
AventureKwento ng limang magkakaibigang magbabakasyon lang.... sana. Pero may mangyayaring kakaiba sa kanila. Ating alamin at subaybayan ang mga mangyayaring kaganapan at pagbabago sa buhay ng limang ito.