Chapter Three

8 0 0
                                    

--

Hinayaan ko lang syang yumakap sakin at umiyak. Nasa dibdib ko ang mukha nya at wala na kong pakialam kung mabasa man yun ng luha at sipon nya. Hindi ko alam pero para akong naawa sakanya.

Maya maya rin ay tumigil sya at nagpunas ng luha. "S-sorry." She said as she averted her gaze.

"Hindi mo naman ata kaya tumayo bakit pinipilit mo pa? Ahh alam ko na! Hahabulin mo siguro ako noh? Hahaha. Tsk sana tina-- ARAY!" Nagbibiro lang naman ako pero binatukan nya ko ng malakas kaya tumama yung noo ko sa pader. Brutal tong babaeng to!

"Ang kapal ng mukha mo talaga. Hindi nga kita kilala pero pasok ka ng pasok dito sa kwarto ko!"

"Hindi mo naman pala ako kilala bakit mo ko niyakap? Type mo ko no--UY WAG YAN MASAKIT YAN!" Napatayo ako bigla nang kinuha nya yung tray ng pagkain at akmang ibabato 'to sakin. "P-peace." Sabi ko with peace sign pa. Mahirap na, baka ma-headline pa ko sa dyaryo. Isang poging nagngangalang Charlie Asquivaldo pinaghahampas sa ulo at binalatang buhay. Ayoko nun gusto ko pa mabuhay. Madami pa kong pangarap.

"Nadalaw mo naba yung dadalawin mo dito sa ospital?" Bigla naman nyang tanong at para kong gustong umiyak sa inis. Pinapaalala pa bwisit.

"Oo." Sabi ko sabay lapit sakanya at tinulungan ko na syang tumayo. Ayoko nang pagusapan pa yung nakita ko kanina kaya oo nalang ang sinagot ko. Inupo ko sya sa kama nya at tinuro nya naman sakin yung wheel chair nya. "Bakit? May pupuntahan kaba?" Tanong ko.

"Pwede mo ba kong samahan sa rooftop?"
--

Charmaine Asquivel'a POV

Napapikit ako habang dinadama ang sariwang hangin dito sa rooftop. Palubog na rin ang araw kaya napangiti ako sa view, ang ganda.

"Charmaine, sorry pala kanina."
Biglang nagsalita yung lalaking kasama ko at nagulat ako sa sinabi nya.

"P-pano mo nalaman pangalan ko?"

"Ganto kasi yan. Charmaine din yung pangalan nung dadalawin ko dito sa ospital, eh nagmamadali yung nurse na nasa information desk kaya hindi nya narinig ng maayos yung apelyido nung Charmaine na kilala ko at room number mo yung binigay nya sakin. Sorry talaga. Nataranta kasi ako kanina sa pagsigaw mo kaya kita tinakpan sa bibig." Pagtapos nya magpaliwanag ay tumawa sya ng malakas. Bwisit sya naalala ko nanaman yung ginawa nya saken kanina!

"Ahh. Sino ba yung Charmaine? Girlfriend mo?" Tanong ko sakanya. Naalala ko kasi yung mga sinabi nya kanina nung nakakumot ako at gusto ko lang sya asarin. Nawala bigla yung ngiti nya. Ha! Kala mo ha.

"Nililigawan ko. Basted nga eh." He smiled bitterly at me at parang gusto ko sya tawanan. "Oo nga pala sayo nalang yung mga prutas na binili ko, iniwan ko sa room mo." He said with a sniff kaya nagulat ako.

"Dont tell me umiiyak ka?" I tried searching his face but he keeps on hiding it. Nung mapunas nya yung mukha nya humarap sya sakin.

"Ang sakit kasi eh. Ang sakit dito oh." Sabay turo nya sa kaliwang dibdib nya.

"Ito naman makaiyak." Tumawa ako ng malakas. "Babae lang yan." Ngumiti ako saka tinignan sya sa mga mata.

He smiled. "Linya naming mga lalaki yan ah."

Yung ngiti nya. Watdapak? Ang gwapo. Nawala yung mga ngiti sa labi ko at umiwas ng tingin. "Wag ka ngang ngumiti jan unggoy ka. Konti nalang mapagkakamalan na kitang baliw, iyak-tawa ka eh."

Lumapit sya saken saka umupo sya pero pinantayan nya lang ako dahil nga naka wheel chair ako. "Hi." Tinignan nya ko sa mata at saka ngumiti ulit. Tama na! Oo na gwapo kana! Oh my god nagiinit nanaman yung pisngi ko.

A Battle For True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon