Chapter Four

9 0 0
                                    

Chaleng's POV

"Thankyou ha." I hugged her and cant help myself to laugh. Parang ang gaan gaan sa loob na kasama sya. Para akong nagkaron ng instant bestfriend.

"Hoy tumigil ka nga! Chansing ka ha." She protested and I double my laughter.

Inalis ko ang pagkakayakap ko at humawak na sa handle ng wheel chair nya, ibabalik ko na sya sa room nya dahil magdidilim na dito sa rooftop. "Hatid na kita ha." Hindi naman sya nagsalita kaya tinuloy ko lang ang gagawin ko.

"Pwede ba ulit kitang dalawin dito Chameng?"

"Hindi pwede."

Nagulat ako dahil seryoso yung tono nya. Nalungkot ako, kanina naman nagtatawanan lang kami ah. Grabe naman mood swing nito. "Punta tayo ulit sa rooftop." Sabi ko at baka sakaling pumayag sya pero hindi sya nagsalita.

Malapit na kami makarating sa room nya dito sa ospital kaya kinulit ko sya lalo, "Chameng, pagaling ka ha. Punta ko bukas."

She laugh and I felt relieved. "Sige pumunta ka."

"Okay." Napangiti naman ako ng malapad. Yes! Magkikita ulit kami bukas.

Binuksan ko yung pinto at pinasok ko na sya sa room nya. Inalalayan ko syang tumayo at umupo sa bed nya. "Salamat." She smiled and I suddenly felt weird when my heart beat fast.

"Wala yun. Sige aalis na ko. Ingat ka dito ha? Tatawag ako ng nurse para ayusin yung button na 'to, para pag kailangan mo ng tulong makatawag ka ng nurse." Turo ko dun sa may button na red sa tabi nya.

Tumungo sya. "Aalis na ko ha." Paalam ko. Pigilan mo naman ako.

"Sige. Pakisara yung pinto ha." She said before she close her eyes. Aalis na talaga ko.

Tumalikod na ko at medyo bumigat yung pakiramdam ko. Bakit ganun? Dibale magkikita pa naman kami bukas, pupunta ako dito ng maaga para dalhan ulit sya ng pagkain.

I walked to the door and left.
--

6:47am

Andito ako ngayon sa may oval ng subdivision namin at nagja-jogging. May earphones sa magkabilang tenga ko kaya wala akong ibang naririnig sa paligid.

Habang tumatakbo ay may nakita akong babae sa may mini stop sa gilid, napangiti ako ng malapad nang makita kong mag-isa sya. Lumakad ako papalapit pero naunahan ako ng isang lalaking lumapit sakanya at may dala dalang dalawang sandwich at drinks. "Charmaine, sorry ngayon lang ako."

"Okay lang babe." Sagot nya dun sa lalaki. Ang sakit pa rin.

Tumalikod na ko sakanila para umalis, peste sinisira yung araw ko.

"Charlie pre!" Pag minamalas nga naman. Nakita pa ko netong mokong na 'to.

Humarap ako. "Oh Garry, kamusta?" I gave him a half smile and saw Charmaine glaring at me.

"Sinamahan ko lang si Cha magbreakfast, kaka-discharge nya lang sa ospital kagabi pre." Lumapit si Garry sakin kaya di kame masyado marinig ni Charmaine. "Grabe sobrang nag-alala ako sakanya nung malaman kong naospital sya. Salamat pala sa pagdalaw sakanya kahapon."

"Kayo naba ni Cha?"

Medyo nagulat sya sa biglaang tanong ko at tinignan nya ko ng may pagtataka. "O-oo pre. Bakit?"

Hindi nya kasi alam na nililigawan ko si Cha kaya di ko rin magawang magalit sakanya o awayin sya.

"Ingatan mo sya ah."

I said before I left. Siguro nga dapat mag move-on na ko.

Nag jogging ulit ako palayo sakanila at umikot ulit sa oval.
Nang naka-kinseng ikot na ko ay naglakad na ko at nagpunas ng pawis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Battle For True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon