<3 CHAPTER FOURTEEN : THE PAST <3 part 2 *

6 0 0
                                    

CHAPTER 14 : part 2 *

"THE PAST"

"No kuya..Kanina sa airport.Si Justin kasi.. Bat parang nag-iba na sya.." medyo nagbago yung expression ng mukha ni Kuya steve..

"Aimee.. Diba napag-usapan na natin nila Mama yung tungkol kay Justin?You'll stay here for a vacation WITHOUT seeing him"he said.

Gusto nila kaming paghiwalayin ni Justin..

Nagawa na nila yun..

Pinag-aral ako ni mama sa states para paghiwalayin kami ni Justin..Parang nasa isang malaking kulungan ako dun..Lagi na lang akong umiiyak dahil sa isang dahilan..

Dahil pinipilit nila akong mapalayo sa taong pinakamamahal ko..

Noong una nakakapagpadala pa ako ng mga sulat kay Justin dahil tinutulungan ako ni Papa..

Hanggang sulat lang ang communication namin ni Justin.. Wala akong cellphone or what na pwede kong magamit dahil inalis sa akin lahat yun ni mama..

Si Papa lang yung nagdadala ng mga sulat ko kay Justin dahil si Kuya Steve tinatakot ni Mama.. Pero nangako sa akin si Kuya steve na babalitaan nya ako tungkol kay Justin at Kay Tita Alicia(mother ni Justin).

Noong nalaman ni Mama na nagpapadala ako ng sulat kay Justin,sobra syang nagalit..Umabot pa sa puntong nasampal nya ako dahil sa hindi ko pagsunod sa utos nya.

Hiwalay na sila ni Mama at Papa dahil nag-asawa na si Mama ng iba..

Nag-abroad kasi si Mama kaya naman napalayo na syang masyado kay Papa.. Ayos na kami ni Kuya na Broken Family na talaga kami..

Inintindi na lang namin yung pagkakahiwalay ng magulang namin dahil sabi ni Papa gusto nya daw maging masaya si Mama kahit hindi sya yung dahilan ng pagngiti nito.

Sobrang mahal ni Papa si Mama.. At sa sobrang depresyon namatay ang Papa noong 3rd year hs ako..

Si kuya lang ang pinauwi ni Mama dito para iayos yung burol ni Papa.. Labag pa sa loob ni Mama yung pagpapaayos nya ng burol ni Papa.. Wala kasing mag-aayos nun kundi kami lang sa kadahilanang itinakwil na ng mga Grandparents namin si Papa.. Pinaglaban kasi ni Papa si Mama kila Lolo at Lola..

Mahirap lang kasi nun sila Mama kaya naman ayaw ng mga magulang ni Papa si Mama...

Ayaw kong maging katulad ni Papa.Matapos ng lahat ng hirap nya nawala na lang si Mama ng parang bula..

Naiiyak akong lumapit sa kuya ko...

"Kuya.. Please?*sob* mahal na mahal ko si Justin..*sob* Marami na akong pinagdaanan Kuya.. Please. Kahit ngayon lang...Hayaan mo muna ako kuya.." sa tingin ko napapaisip ngayon si Kuya..

Alam nya kung gaano kahirap yung ginawa ko para lang makauwi ako dito kahit ngayong bakasyon lang..

"ocge.. Bahala ka." pumasok na agad si Kuya sa kwarto nya..

Pinunasan ko na yung luha ko at pumunta ako sa may terrace..

Gagawin ko lahat para lang bumalik lahat sa amin ni Justin..

Hinding hindi ko sya igigive up kahit ano pang mangyari sa akin kahit pa makasakit ako ng iba..

>>>>part 3 *

&lt;3 YOU AND ME &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon