Nagising ako ng may kumatok sa pintuan ko. Dali dali naman akong pumunta para mabuksan ito.
I saw the old lady standing in front of me.
"Iha bumaba ka na kakain na tayo ng almusal at ipapakilala kita sa mga kaapartment mo."
"Ok po. Mauna na po kayo magaayos po muna ako."
"Sige iintayin ka namin sa baba."
Nauna ng bumaba ang matanda. Nagsuklay nalang ako ng buhok at nagpalit ng tshirt. Naabutan ko silang masayang nagkekwentuhan sa lamesa.
"Andito na pala siya. Halika at magpakilala ka."
Sumenyas naman ang matanda na lumapit ako sa kanya.
There are 2 persons sitting and the lady who is standing."Hello magandang binibini. Ako nga pala si Aaron. Aaron Cruz." Sabi ng lalaking moreno at halatang purong pilipino.
"Hi Cherry Villavicencio nga pala. Bestfriend ni Aaron."
She offered her hand for a shake and I grab it and shake her hands."Ako naman iha si Aling Lourdes. Ako ang mayari at tagapamahala ng apertment na ito. Oo nga pala ano nga palang pangalan mo."
October Light Mendoza. That's who I am. But this moment in my life I should have to leave it behind for a while.
"October Marie Lopez po. Tara po kain na po tayo nagugutom na po kasi ako eh."
"Ay siya mauna na tayong kumain. Napakatagal ni Gin bumaba."
It's my first day eating without the presence of my family. I am lying if I tell you that I didn't miss them. But I really want to find myself.
In the middle of our breakfast Aling Lourdes shouted.
"Ayan na pala si Gin. Gin anak halika na at kumain ka na. Napakatagal mo gumising. Tong batang to."
Tumayo si Aling Lourdes at lumapit sa bagong dating.
"Nay pasensya na po tanghali na po kasi ako nagising. Love you nay. Ano pong ulam?"
Malambing na sabi ng lalaki. Pamilyar ang boses nito pero hindi ko maalala kung saan ko ito narinig.
Nang umupo sa harapan ko ang lalaking kausap ni Aling Lourdes. Napatingin ako sa kanya at natulala.
"Ikaw?!" Malakas na sigaw ng lalaki.
"Gin ano ba! Nasa harap ka ng pagkain wag ka ngang sumigaw!"
Saway ni Aling Lourdes sa kanya"Pero Nay! Siya yung namboso sakin kagabi!"
Napatingin sakin ang tatlo. Si Aling Lourdes at ang mag bestfriend."Wala naman po akong nakita. Wala naman po akong makikita." Makahulugan kong salita na ikinakunot ng noo ni Gin.
"Wala na kong gana Nay. Sa labas nalang po ako kakain. Alas nuebe narin po ako'y aalis na at may pupuntahan pa po ako. Babay po." Bago siya umalis ay humalik siya sa pisngi ni Aling Lourdes at siniringan ako.
Kalalaking tao naniniring.
Pagkatapos kong kumain ay nagayos na rin ako. Naisipan kong mamili ng gamit sa malapit na mall.
Habang naglalakad ako ay may nakita akong lalaking kahina hinala.
Sinundan ko ito at tama nga ang aking hinala. May sinusundan itong babae. May dala pa itong camera at kala mo naman paparrazi kung kumilos.
Lumapit ako dito at kinuwelyuhan. Pagtingin ko sa lalaki ay laking gulat ko ng makita kong si Gin na nanlalaki ang singkit na mata.
"Anong ginagawa mo. Bakit mo sinusundan ang babaeng yon?"
Binitawan ko na siya at tiningnan siyang mabuti. Nagsalita naman siya agad.
"Hinaan mo nga ang boses mo baka may makarinig sayo isipin pa girlfriend kita. At hayaan mo nga ako gagawin ko kung anong gusto ko."
Di naman siya nagdalawang isip at lumapit sa lalaki.
"Hulaan ko? Stakler ka no?"
Namula ang mukha ni Gin na ikinatuwa ko.
"Bingo! Hahahahaha akalain mo yon. Sa katawan mong yan natuto ka pang maging stakler!"
Tawa parin ako ng tawa at wala akong pakielam kung pinagtitinginan na ko ng mga tao dito.
"Hinaan mo nga yang boses mo! Anong stakler! Sa gwapo kong to magiging stakler pa ko?"
Tumingin lang ako sa kanya at di ko talaga mapigilan ang pagtawa ko.
"Itsura mong yan? Proud na proud ka pa! Hahahaha wag mo na ipagkaila huling huli ka na."
Nakita ko siyang natulala at nakatingin sa likuran ko. Kaya lumingon din ako at nakita yung babaeng kanina niya pa sinusundan.
"Goodluck Ginny Boy! Babay"
Nagflying kiss ako sa kanya at kitang kitang inis na inis siya.A stakler huh? Let's see...
BINABASA MO ANG
The Stalker's stalker
RomanceShe wanted to find who she really is. She wanted to explore the world to find what she really wanted. She loves her family but she has to leave because she knows in herself that there is something missing. October Light Mendoza- a girl who wanted t...