Okay nako ngayon, hindi na masama pakiramdam ko so papasok nako. Nagtext si Kenneth kahapon pa, hindi ko pinapasin kase nagtatampo o I must say galit ako sa kanya, kaya pala di nya nako hinabol kase pinuntahan nya si Ciarra. Wow meg ha! Sino kaba para habulin, oo sanay nakong iniiwan. Hahahahahahaha will you stop that Meg! Para kang tangang kinakausap ang sarili mo.Namalayan ko nalang nasa room nako, as usual late nanaman ako. Nakikinig lang ako sa lecture la la la la. Kung late sakin, syempre may mas late pa sakin. Mico and Kenneth. -.-
Hindi ko sila pinansin, naupo lang sila sa likod ko."Okay class, we will have a groupings for this coming event. This will be your project." Sabi nung prof kong wala naman ginawa kundi magpa activity hindi naman nagtuturo. Seriously? Mema sabi lang?
"May camping tayo and you will be group into two. Boys and girls. This will be next week so next week ko na kayo ig'group. Ininform ko lang kayo ng maaga. Okay class dismiss." See? Yun na yon. Masabi lang na nagturo sya. Ayos talaga tong prof kong to. Inayos ko na yung notes ko at nilagay sa bag ko. Akmang lalabas nako ng pintong nilapitan ako ng dalawa. Kilala nyo na kung sino.yon.
"Megs! Kain tayo?" Aya ni Kenneth na ang lawak ng ngiti na kala mo walang nangyari. Wow ha?
"Ann let's eat." Walang emosyon na yaya na. As usual, what do you expect from him? And he calls me in my second name, really?
"Why don't you two eat together? Magkaibigan kayo diba? Dati. Closure ba." Inis na sabi ko. Diko alam kung bakit ko nasabi yon. PArang gusto kong bawiin pero mas gusto kong lumayo sa dalawang to. Naglakad nako palayo sa kanila.
"Ann!" Ma awtoridad na tawag sakin ni Mico. Napatigil ako, at ng lilingunin ko na sya si Kenneth ang papalapit. Hinawakan nya ang pulso ko at hinila. I was caught off guard and then I realized na pinag titignan na kami ng mga studyante.
"Let go of me!" Inis na utos ko sa kanya, pero nginitian nya lang ako at tuloy lang kami sa paglalakad.
"Double meaning yan ah. May pinanghuhugutan ka?" Anong pinagsasabi neto? Ugh. Naiinis na talaga ako!
Nung nakarating kami sa park binitawan nya ako. Well, dito lang naman kami kumakain ng street foods. Nauna na syang kumuha ng pagkain nya, wala ako sa mood kumain at lalong wala akong balak kumain. Akmang susubuan nya ako ng umiwas ako sa pagkaing hawak nya."Pwede ba, busog ako. Ayoko nyan." Mataray na sagot ko. Nginitian nya lang ako at nagpatulog kumain. Nanatili lang kaming tahimik hanggang sa matapos syang kumain.
"Sure kang hindi ka gutom? What do you want? Tell me." Pa cute pa. Oo na cute kana, pero galit pa rin ako kaya di ako madadala sa kagwapuhan mo.
"I wan to go home" nabanggit ko yon ng hindi siya tinitignan.
"If thats what you want, hindi kita mahahatid, kailangan kong puntahan si Ciarra." So okay na sila ni Ciarra? Ay oo nga pala, yun din yung dahilan kung bakit hindi nya ako nahabol nung nag walk out ako. Ha ha ha. Nagsimula nakong maglakad without saying a word. Ang huling narinig ko sa kanya ay "ingat" lamunin mo yang ingat mo. Diko kailangan yan.
Lakad.
Lakad.
Lakad.
Ang layo ko na, hindi naman toyung way pauwi, san ba ako pupunta? Hindi ko rin alam basta naiinis ako. Puta! Bat bako nag aassume sa lalaking yon, the last time I check magkaibigan lang kami. Yeah right, magkaibigan. Baka nagkabalikan na sila ni Ciarra kaya hindi nya na kailangan ng kaibigan.
"And you're here. Pakalat kalat kalat ka. I thought magkasama kayo ni Kenneth?" Nilingon ko kung sinong nagsalita, si Mico. Ha ha funny. Sya nalang laging nandyan kapag nag iisa ako. Minsan iisipin ko ng stalker ko to e.

BINABASA MO ANG
Battle for Love
RomancePano kung mahanap mo na yung hinahanap mo, yung taong tanggap ka kung sino ka at mamahalin ka maging sino ka man? At pano kung dalawa sila? Dalawa silang handang gawin ang lahat makuha ka lang? Sinong pipiliin mo at susuklian ang pagmamahal na bini...